Monday, September 14, 2009

Day 15





"I like your smile, very addictive."








-man from the library

=========================================================
Pauwi kami ni Mama from work.
Sakto lang ang araw ko ngayon sa work. Tamang tama, tamang mali rin. Ahaha.
Well, so pauwi na nga, una kami lang yung sakay ng jeep, ok tas nadagdagan na sa Quaipo.
Tapos pag dating sa may Morayta, yung liko from Lerma to Espanya, kanto ng Morayta, sa may tapat ng Dunkin Donuts, may sumakay na Lola, ewan ko kung ilang taon na siya pero hindi nman mukhang gurang na gurang na kasi nakakasakay pa ng jeep e. So ito ang sistem, huminto yung jeep kasi may isa pang jeep sa umahan nya, so automatic yun hinto, nung patawid nga pala yung jeep, nakita kong parang pumara si Lola, so expect ko rin na sasakay sya. So sige, akyat si Lola, infairness, mabilis.

Pagdating nung jeep sa may St. Thomas Square sa may P. Campa. Sabi nung kundoktor ng jeep kay Lola:

K: Nay, san kayo bababa?
L: yaiofasfaofsa *may sinabi, pero di ko naintidihan tapos dedma na*
K: Baba ka na lang, dun ka na lang sumakay sa iba.
L: *dedma, nakadikwatro pa!*
K: *kung anu-anu pa yung sinabi*
L: *dedma pa rin, (tinatakpan nga pala ni Lola yung mukha nya gamit ang isang pinunit na lagayan ng mani)*
Driver: *bulong lang* Hindi naman nagbabayad yan e, bumababa yan, alis ka na!

Ahaha. Natawa talaga ako nung pababa na kami sa may Mercury Drug (pero may masamang nangyari dito, later na lang) sa may P. Noval, kasi ang daming sumakay, hindi gumalaw si Lola. As in, feel at home si Lola, tapos todo takip ng mukha pa rin, sabi pa nga nung kundoktor, nangingiti raw si lola at bonggang bongga ang pagkaka-de-quattro. So ayun, pagbaba nga namin, umusog si Lola ng kaunti, akala ko nga bababa e, hindi pala.

Ito ang akin, bakit ganoon? Bakit may mga taong ganon? Babayaran ko sana kung hanggang saan sya tutungo e, kasi hinihingan ni Kundoktor ng bayad, pero nung narinig ko yung driver na laging ganon si Lola, pero hays, bakit ganon? Bonggang bongga na ba ang paghihirap ng mga Pilipino? Pati si Lola ganon na rin? Ok lang sana, pero hays, grabe, talagang takip to death sya ng mukha nya, kala ko nga nasisilaw lang e. Yun pala nagtatakip talaga.

==============================================================

Yung kanina naman na "may masamang nangyari" sa naunang post e ito yun.
E di pababa nga kami ng P. Noval, e may mga nanghuhuli pala, so sabi ni Mama, "Mama, sandali lang ah." So huminto si manong driver, kala ko pwede ng bumaba, pero nung nakababa na yung paa ko sa may babaan, yung tinatapakan ba para nakaakyat, so sige baba, tapos biglang umandar yung jeep, ok lang sana kung prepared ako e, e hindi e, kung hindi ako nakahawak ng maayos, mukhang kaladkad ang beauty ko. Ahaha., ayun, tapos tinignan ko ng masama yung jeep ni manong. Bwisit.

==============================================================

Tapos ito yung nakatuwa, hindi ko inaasahan na ang Unibersidad ng Pilipinas at iba pang mga Pamantasan sa ating bansa ay nag-cheer para sa iisang koponan, anf FEU Tamaraws (aka Sarimanok last Sunday). Nakakaiyak, kahit na hindi ako FEU talaga, kahit na FEU-EAC ako, proud pa rin ako na nanalo ang FEU.

Para sa akin kasi, ang FEU ang may pinakamalinis na cheer noong araw na iyon. Walang mali, walang mintis. Swabe!

I love it!

Go FEU! See you next season. Am gonna watch na talaga, syempre, may baby na ako nun. Kapatid ni Black, si White. Ehehe.

Go!

Ayun lang.

Friday, September 04, 2009

Day 2 - September 1, 2009

Sorry naman, day two pero a-uno ng buwan. Kagagahan.

Ok orayt. Since day two, day one ang ikukuwento ko, dahil sa sobrang inis ko nung day one e hindi ko na naikwento sa inyo.

LIGAL NA WALANG PASOK ng day one (ikatatlumpu't isang araw ng Agosto) at kaarawan ito ng Lolo ko sa tatay ko, pero nagselebreyt na kami nung a-trenta. Okey, pero nung a-bente nuwebe, dapat ako ay magdadagdag ng oras sa kalahating araw na regular na pasok ng Sabado, at dahil ako ay uwi ng Bulacan nung araw na iyon at dadaan ng paaralan upang tignan kung mayroon na kaming DIPLOMA/TOR etsetera. So ang sabi ko, sa Lunes na lang ako papasok. :p Ok, dumating naman si Lunes, maaga ako nagising, kasi andito yung mga bata, mga pamangkin ko ba. Sige, papasok tayo, kasama ko sila, syempre kasama rin si Mama, kasi wala naman akong pera. So ayun nga, ang gagawin lang naman talaga kasi ay tatawagan yung mga opisyal ng barko, nga kapitan, tsipmeyt, sekanmeyt etsetera, tsipindyinit etsetera, basa yung mga magiging kapitan at inhinyero ng mga BAAAAAAAAAAAAAAARKO (malalaki kasi ee). May seminar kasing magaganap sa Day 3 at Day 4, (isusunod ko na lang yung kwento). So ang lola nyo ay inutusan ni Ma'am mga higit isang buwan a rin, upang konpirmahin kung sila ba ay dadalo o hindi, pero sa totoo lang, ahah, pilit? juks. anyhow, sige, ang lola nyo tawag naman nung Lunes, ooppss,

"The subscriber cannot be reached, please try again later. The number you dialled is either unattended or out of coverage area, please try again later."

o kaya,

"The number you dialled is incorrect."

o kaya "Tunutung!"

pero yung iba ito naman: "RING! RING! RING!"

Shoot tayo sa mga "RING! RING! RING!", kasi para akong may opening-speil(?) spiel(?) ah basta yung unang sinasabi tulad sa call centers, yung mga pambungad na panalita ba *natumbok ko rin, sa Filipino*.

M - crew
I - Ineng

M: "Hello?"
I: "Hello Sir, yes good morning/afternoon! Ito po ba si RANK FIRSTNAME LASTNAME?
M: "Yes Ma'am."
I: "Yes sir, this is Tooooooot from Toooooot Philippines. Sir inform ko lang kayo for our seminar tomorrow, bale magaganap sya sa Ilustrado Sir, malapit ito sa Department of Leybor and Employment. Magsisimula po ito ng eyt ng umaga hanggang payb ng hapon."

**the rest is history**

Paulit-ulit kong binigkas yan sa halos dalawampung mga opisyal sumasakay ng barko. Pang-adik lang. So natapos naman yung araw ng kahapon, tumuloy ako sa SM pang magpalamig. Oo, nagpalamig lang ako dun, yaya ng mga bata. Ahaha. Tagalitrato, tagahulog ng token ayun, at natapos yung araw ng kahapon ng TULOG AKO.
==========================================================
Totoo ng Day Two ito:

So ayun, kaya nga di ba nagtatawag ako ng mga seamen? Sa awa ni LORD hindi sya natapos ng kahapon, kaya gogogo! tuloy lang, e may isa, pasaway, aba simula nung kahapon e hindi nasagot ng kanyang telepono, pati yung sa probinsya, nakow, ala rin, ala rin naman sa sa Maynila, Eniwey, sige from 29 down to 28, ok lang, 30 naman yung max e. Okok, natapos ako sa opisina, grabe, toksik!!! Sige uuwi na ako sa bahay este kami pala, FYI magkasama kami ng mama ko sa company.

Ok, pauwi na, magkikita kami ng Fafa Kevin ko, pupunta sya sa bahay, kasi hindi kami nakapagkita nung nakaraang Linggo, at nag-aaway pa kami, ganon naman kami ee. :p
Si Mama ang nakakita sa kanya habang naglalakad, akala siguro e nasa bahay na ako, nagmamadali pa ang loko, kulang na lang tumakbo, pero NO, nasa likod nya lang kami. Ahaha.
Ok naman, nagkatampuhan pero naging masaya naman sa huli. *Dadee, alam mo na yun*
Syempre hindi naman kami iniwan ng nanay ko. Sosyal ako ee. :p

Yung mga katoksikan ng ilang araw ay napalitan ng sobrang tuwa/saya/liglig etsetera. Para atlis may baon akong kapal ng mukha dahil kasunod na nito yung araw na parang bibitayin ako sa hiya na hindi ko alam kung kasali ba ako o hindi. Ahaha.

So hanggang dito na lang muna ako, pinapagalitan na ako ng nanay ko e.

PS. Isang wasak na ekspiriyens ng araw na ito e, PAGPASOK KO NUNG UMAGA NG DAY TWO E WALA AKONG TIME CARD!