Tuesday, November 18, 2008

Ineng hate Ants


Kahapon, kumakain ako ng burger, niluto ko yun, may patty kasi na binili sila Mama. May Chuckie din. Naubos na ata yung Chuckie, tapos nilagay ko sa lamesa namin. So naubos ko na yung burger, sipsip naman ako ng Chuckie, ang tinapang inumin e, letcheng, nilanggam pala. Tae! Tae! Tae! Paksyet! Pag sipsip ko, ewwwwwwwwwwwwwwwwwwwww. Anu yun?! Parang magaspang na mapakla yung lasa, buti na lang hindi ko nilunok at dumiretso ako ng lababo at idinura ko ang mga langgam, infairness, marami rin sila. Sobrang ewww talaga, kasim alam nyo yung langgam na pag pinatay mo ang baho nung amoy. Ganon, ganon na ganon yung amoy at lasa nya. Sobrang nakakasuka sya. Buti na lang at hindi ko talaga nalunok. Hays. Well, isang malaking lesson ito. Huwag maglagay ng kung anong natapos kainin sa lamesang alam mo naman na nilalanggam.

1 comment:

paperdoll said...

haha. . ang kulit mo ineng. . hehe. . hindi naman nakakalason ang langgam sa pagkakaalam co at pampaganda pa nga daw ng boses. . lol