Maggagamot na sana ako noon, maglilinis ng ilong.
Napagpasyahan kong umakyat sa aming beranda, bukas ng pinto, tingin sa ibaba, sa taas, gilid.
Ooppss, bakitlahat ng tao nakatingin dun? Waaaaa. May sunog pala.
Sabi ko sa sarili ko, "Ay, may sunog pala. Ok."
Sayang hindi ko dala yung selpon ko nun, kitang kita pa yung apoy nung unang akyat ko.
Tawag ako ngayon kay Mama, upang ipaalam na may sunog malapit sa amin.
Umuwi naman sya.
Nasusunog pala yung isang apartment dito malapit sa amin, yung EMILIA ata yun, yung apartment na dinadaanan namin kapag pupunta kami ng Bustillos ni Daddy.
Ikatlo at ika-apat na palapag raw ang natupok ng apoy.
Una, nasa kaliwang bahagi ang sunog, ng medyo kontrolado na, yung sa kanang bahagi naman.
May kalumaan ng ang naturang istraktura, kaya madali rin itong matupok, hindi ko alam ang dahilan kung bakit nagkaroon ng sunog.
Eniwey, fire out naman na sa mga oras ngayon.
Buti na lang malayo-layo kami.
Naririto ang mga larawang aking nakuha:
No comments:
Post a Comment