Tapos ko na basahin ang Our Lady of Arlegui.
Kakabili ko lang kahapon sa Powerbooks TriNoma, kasi last day ng sale ng Philippine Publication.
Maganda naman ang istorya, natural, walang halong ekek.
Totoo nga namang nangyayari yung reyd reyd ng alam ng mga tao, pero infairness, kung totoo mang mga sira, at lumang mga piniratang mga bilog ang ibinebenta pag may manghuhuli abay tiba tiba sila.
Hindi rin biro ang mga nadaranas ng ating mga kababayan sa Quiapo. Sa mga paggawa nila ng dibidi, magkano rin kaya ang isang makina panggawa ng multiply copies.
Pero hindi naman lahat ng dibidi/bisidi/at kung anu-anong pirata ay walang kwenta, malabo etc. Mayroon din silang malilinaw talaga na animo'y ikaw ay nasa sine (kung sa tela ka nanonood), pero kung talagang MAAAAAAAAAAALAAAAAAAAKI ang iyong telebisyon ay, bonggang bongga ka, sineng sine ang labas mo.
Sang-ayon din ako sa sinabi nya na mas parokyano pa nila ang mga taong nanghuhuli. Ahaha. Bumili na ba ako ng piniratang dibidi? Itanong sa mga tindera kung sila'y aking napuntahan na.
Kasi bihira ka naman makakita ng mga halu-halong pelikula, mapa Tagalog, Ingles, Koreano, Intsik, Hapon o kahit anong lenguwahe pa yan sa isang bagsakan ng bilog e. Sa regular na dibidi na mabibili mo sa mga mall e isang pelikula o kung minsan yugto pa nga lang ang nilalaman. Ang galing mga nung mga namimirata e, kahit nirereyd may kita pa rin. Hindi lang din sa Quiapo marami nyan, nagkalat silang lahat, meron na rin sa mga hindi-ganoon-kasikat na mga mall saan mang panig ng Pinas.
Totoo nga naman ang nakalagay sa akda ni Chris, na ang sabi ni Asinah e, kung bawal e bakit hindi sila hinuhuli gayong araw-araw mga may nagbabantay sa mga kalye na nanunungkulan sa gobyerno, nagkalat naman silang lahat, pero kahit anong gawin nilang reyd o kung ano pa man ay wala ringn nangyayari, yung mga nanghuhuli kaya, pag sinisira ba nila yung mga kopya ng dibidi e hindi sila nagpuspuslit ng mangilan-ngilan na kopya para kanila ring panoorin? Hindi ko sinasabi na kumukuha sila ah, kung meron lang naman. Oo, sabihin na natin sinasabing nalulugi yung mga orihinal, pero kumikita pa rin naman sila, sinasabi lang nila siguro yun para mas dumami pa ang kanilang kita, e pano naman ang mga dukhang nais magkaroon ng kanilang mga awitin, panoorin?
Siguro, sa aking palagay, pirata man o hindi ang isang produkto tulad ng DVD/VCD (any type, foreign, local, scandals, concerts, series etc), Audio CD, nakapagdudulot ito ng saya sa mga taong may mga nais na makuha o masatisfy sa kanilang mga WANTS, "I want to watch. I want to here."
Tama rin ang linya sa libro na sinabing kung ilalagay sa iPod o mp3 malalaman ba nilang pirated o orihinal iyon, kasi kung minsan wala namang pinagkaiba ang tunog. Ahaha. May remix pa sa pirated. Ahaha.
Hindi naman natin maiiwasan yung ganitong mga pangyayari, kasi open ang Internet 365 / 365 1/4 days, 24/7 world wiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiide, open source pa ang karamihan, pwede ka pa ngang mag-download ng licensed e. Ahaha. Yung iba kasi, ang gawa, they will buy original copies, they will ripped it, then upload it and the world can download it for free.
Hindi natin mapupuksa ang ganitong mga eksena sa buhay ng tao kung habang may isang segundo kang hininga e umaarangakada ang teknolohiya wala ka pa ring magagawa.
Oooopppsss, enap na Ineng.
Para kay Chris Martinez,
Isang malaking malaking malaking palakpak para sa iyo, may katwiran kung bakit nanalo ito ng isang napakalaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaking award. Magaling. Ang dibidi, ang Quiapo ay talagang walang sinisino, mayaman, mahirap, babae, lalaki, bakla, tomboy, hindi pa naglaladlad, konserbatibo, masyadong ladlad, masama, mabait, matulungin at kung anu-ano pa.
Taas lahat ng daliri ko sa'yo kamay at paa! ;)
No comments:
Post a Comment