Monday, September 14, 2009

Day 15





"I like your smile, very addictive."








-man from the library

=========================================================
Pauwi kami ni Mama from work.
Sakto lang ang araw ko ngayon sa work. Tamang tama, tamang mali rin. Ahaha.
Well, so pauwi na nga, una kami lang yung sakay ng jeep, ok tas nadagdagan na sa Quaipo.
Tapos pag dating sa may Morayta, yung liko from Lerma to Espanya, kanto ng Morayta, sa may tapat ng Dunkin Donuts, may sumakay na Lola, ewan ko kung ilang taon na siya pero hindi nman mukhang gurang na gurang na kasi nakakasakay pa ng jeep e. So ito ang sistem, huminto yung jeep kasi may isa pang jeep sa umahan nya, so automatic yun hinto, nung patawid nga pala yung jeep, nakita kong parang pumara si Lola, so expect ko rin na sasakay sya. So sige, akyat si Lola, infairness, mabilis.

Pagdating nung jeep sa may St. Thomas Square sa may P. Campa. Sabi nung kundoktor ng jeep kay Lola:

K: Nay, san kayo bababa?
L: yaiofasfaofsa *may sinabi, pero di ko naintidihan tapos dedma na*
K: Baba ka na lang, dun ka na lang sumakay sa iba.
L: *dedma, nakadikwatro pa!*
K: *kung anu-anu pa yung sinabi*
L: *dedma pa rin, (tinatakpan nga pala ni Lola yung mukha nya gamit ang isang pinunit na lagayan ng mani)*
Driver: *bulong lang* Hindi naman nagbabayad yan e, bumababa yan, alis ka na!

Ahaha. Natawa talaga ako nung pababa na kami sa may Mercury Drug (pero may masamang nangyari dito, later na lang) sa may P. Noval, kasi ang daming sumakay, hindi gumalaw si Lola. As in, feel at home si Lola, tapos todo takip ng mukha pa rin, sabi pa nga nung kundoktor, nangingiti raw si lola at bonggang bongga ang pagkaka-de-quattro. So ayun, pagbaba nga namin, umusog si Lola ng kaunti, akala ko nga bababa e, hindi pala.

Ito ang akin, bakit ganoon? Bakit may mga taong ganon? Babayaran ko sana kung hanggang saan sya tutungo e, kasi hinihingan ni Kundoktor ng bayad, pero nung narinig ko yung driver na laging ganon si Lola, pero hays, bakit ganon? Bonggang bongga na ba ang paghihirap ng mga Pilipino? Pati si Lola ganon na rin? Ok lang sana, pero hays, grabe, talagang takip to death sya ng mukha nya, kala ko nga nasisilaw lang e. Yun pala nagtatakip talaga.

==============================================================

Yung kanina naman na "may masamang nangyari" sa naunang post e ito yun.
E di pababa nga kami ng P. Noval, e may mga nanghuhuli pala, so sabi ni Mama, "Mama, sandali lang ah." So huminto si manong driver, kala ko pwede ng bumaba, pero nung nakababa na yung paa ko sa may babaan, yung tinatapakan ba para nakaakyat, so sige baba, tapos biglang umandar yung jeep, ok lang sana kung prepared ako e, e hindi e, kung hindi ako nakahawak ng maayos, mukhang kaladkad ang beauty ko. Ahaha., ayun, tapos tinignan ko ng masama yung jeep ni manong. Bwisit.

==============================================================

Tapos ito yung nakatuwa, hindi ko inaasahan na ang Unibersidad ng Pilipinas at iba pang mga Pamantasan sa ating bansa ay nag-cheer para sa iisang koponan, anf FEU Tamaraws (aka Sarimanok last Sunday). Nakakaiyak, kahit na hindi ako FEU talaga, kahit na FEU-EAC ako, proud pa rin ako na nanalo ang FEU.

Para sa akin kasi, ang FEU ang may pinakamalinis na cheer noong araw na iyon. Walang mali, walang mintis. Swabe!

I love it!

Go FEU! See you next season. Am gonna watch na talaga, syempre, may baby na ako nun. Kapatid ni Black, si White. Ehehe.

Go!

Ayun lang.

1 comment:

lunatica said...

tsk... sayang un oh.. deh sana matatawag na kitang scarlet. wahahaha... adbentyur!!!