Isang buwan mahigit na ang nakalipas pero ang sakit sakit pa rin.
Masakit pa rin na makitang may kasama sya iba.
Masakit pa rin na makitang masaya sya sa iba.
Kahit na alam kong dapat maging masaya para sa kanya.
Pero pota, ang sakit sakit talaga.
Nasayang lang ba ang lahat?
Tama ba yung nagawa kong desisyon?
**
May mga luhang nangingilid na naman at nagpupumilit na kumawala sa aking mga mata. Mababasa na naman ang aking mahiwagang matang palaging tinatamaan ng panundot. Panundot sa puso, panundot ng mga kikilatisin at panundot ng damdamin. Kahapon, literal na kailangan ko ng yakap, dahil masakit ang katawan ko, pero ibang sakit ang nangyari ngayon ngayon lang.
Nagkukubli pa rin ang katotohanang hindi ko pa rin ata matanggap hanggang ngayon, na mahal ko pa rin sya, na ganon pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya, na gusto kong bawiin na lang ang naging desisyon ko noon.
Kahit anong pilit kong na iwasan, ibaling sa iba ang nararamdaman ko, humanap ng ibang mag-aampon sa sugatan kong puso, pero wala, walang nangyari. Nasasaktan pa rin ako.
**
Masakit mag-bounce back yung bato na binato mo. Parang ilaw lang kapag tinapat mo sa salamin, tapos nakatapat pa mismo sa mata mo, naku, sinasabi ko sa iyo, silaw na silaw ka. Lalo na kung laser pa.
Kung pwede sanang gawing kape na lang yung bato e, hindi e, bato pa rin itong bumalik.
Sa mgayon, pahinga na muna ako, inaaliw ang aking sarili sa mga bagay bagay na medyo makakapagpasaya sa akin. Alak. Biro lang.
Pagtatantuin ko muna ang lahat lahat. Kung tama na ba o sige pa. Kung pulang ilaw na ba o dalandan na. Hay, ang buhay nga naman, lalo na sa pag-ibig, para kang nasa isang roller coaster na umiikot at minsa'y hihinto at muling aandar sa susunod nitong byahe. Nawa ay makamit ko ang ligaya matapos akong sumakay ng roller coaster habang binabato ng sarili kong bato.