Sunday, April 11, 2010

Failures and Success

Hi mga Kapeeps!


Ito pala yugn failure:

Super late na late na late cheverlie na ang aking blagag, yari na naman ako kay MyBabes. Hehe. Well, ano bang bago? May bago akong lablayp, bonggang bongga as in. Ang taray to the highest level. I mean, masaya sya, super. Though oo, masaya rin naman ako sa mga past chorva ekek relationship, e iba pa rin yung saya sa ngayon, dahil na rin na jive kami sa hobby, photography. Tsaka na ang iba pang detalye sa kanya, abangan nyo na lang sa iba ko pang post. Kung magkakaroon pa, pero syempre magkakaroon kasi nga hindi ko pa rin tapos yung ibang mga blogs entries ko, as in, kung bubuksan mo ang dashboard ko, ay, sangkaterbang DRAFT ang makikita mo. Isa lang naman ang ibig sabihin noon, TAMAD na AKO gawin. LOL! Pero hindi naman talaga, hindi lang ako makahanap ng tamang tyempo na humarap dito sa aking kompyuter para isiwalat sa kung anong paksa ng aking blog. Don't worry peeps, mababasa nyo rin iyon. Anyway, may mga pamagat naman na yung mga blogs, kaya madali na, like, "Kristin on Cory A's Death", o di ba bongga, ilang buwan na syang deads hindi ko pa nagawan ng entry. Buwahaha. Yang draft na yan, bibigyan ko kayo ng update sa mga susunod na araw kung ano ng balita dyan. For now, medyo, pinaglalaylo ako ni MyBabes, gawa na rin ni ano, yung huli kong nakarelasyon na sort of e blogger rin, pero hindi naman ata active sa pure blog site yun e, pero hindi e, frustration ko kasing magsulat, kaya char lang. Hahaha. Keri lang, ipagpapatuloy ko pa rin to, iba pa rin kasi yung pakiramdam ko pag may may nakakaappreciate nito aside sa mga kakilala ko e. Hahaha. I mean, people mula sa kawalan, parang hawak kamay. Lol. Anu beh! Well, ayun nga, dapat may isang post pa akong mauuna dito, kaso nauubusan ako, ewan ko ba kung bakit. Blogging has been my sort of life for the past years, he has been my companion on my happiest and worsts ever things happened to me, yung hindi ko alam kung paano ko ie-express sa ibang tao vocally. Mahirap e. Hahaha. Minsan hindi mo talaga masabi e, minsan hindi mo alam kung paano mo sasabihin, kung paano mo sisimulan at kung paano ko tatapusin. Letche, hindi nga nasimulan tapos tatapusin. Pero ayun nga mga Peeps, basta makikita nyo na lang ulit akong susupot sa mga susunod na araw, hindi man bukas, sa susunod na bukas sa susunod at susunod pang bukas, basta ayun, pati yung photoblog ko na Kamera at Kape e patulan nyo na lang rin kahit paano, dito o, Projek365. Maawa na kayo, kasi parang walang hits yan. Hahaha. Kahit naman tong blog na ito, wala ng hits. Hahaha. Yan nga lang Projek365 ko e out-dated, hindi ko kasi naaupload agad, unlike nung unang mga araw ako, haha, pero sinisiguro ko naman na nakashoot ako ng araw na iyon. Well, ano ba, medyo humahaba ata pag papaliwanag ko, baka sa presinto ng barangay nyo ako ipapulot sa nanay ko, wag naman ganon. Hahaha. O siya mga Peeps, see you around! Pag tyagaan nyo na tong blog ko. Please. Hahaha. Joke, kahit wala naman bumasa nito ok lang, pang char nga lang kasi, eklabu ko lang, papansin e. Joke na naman to, tumawa naman kayo. Haha. Hindi ko rin alam, tama ba pinasok kong kurso? O dapat nagsulat na lang rin ako, pero hindi naman ako kreeytiv tulad ng iba, nauubusan rin naman ako ng salita, sadyang madaldal lang talaga ako. Hindi ko nga alam kung tama ba ang pattern ng pagsusulat ko e. Walang kalatoy latoy, ano ba kasi, saya saya pumangarap na may natutuwa sa mga sinusulat ko, e wala rin naman silang makukuha dito, hindi informativ, haha, puro kachenesan ko lang sa buhay. Wala lang, personal na personal lang. Wala lang masabihan na bumablag rin, wala na ako sa school e dun ako maraming kablog! Sa tropa, ako lang naman nagbablog, nabibisto nga kami na may mga lakad pag tumirada ako e. Pero ayun nga, mahal na mahal ko ang MyBabe ko. Parang 'Babe, I love you' lang, minus Piolo P singing it. Utang na inside, haha, literal, utang na loob, sorry sa mga fans ni Papa P a, hindi ko kasi talaga siya feel lagyan ng tono ang tula e. Sorry po, Papa P, as if nababasa mo, sorry talaga, hindi lang kita trip kumanta, promise.

Ito yung success:

Gaya nga ng nasaad ko sa una na may Babe, I love you, e napanood ako na, parang pinanood ko lang ang sarili ko na medyo sumeksi, pero hindi naman super ganon, pero "ETO SYA O (lumelevel sa itaas)! ETO AKO (lumelevel sa ibaba)! Parang langit, lupa, impiyerno, im-imimpyerno, saksak puso tulo ang dugo, patay buhay umalis ka na riyan sa pu-wes-tu-mo. Ay tinapa, naging laro. Pero totoo, parang pinanood ko kami, as in. Yung kilig kilig chorva sa tauhan dun, ay sya, parang sa bahay lang namin. Pero hindi naman ako nag-iiskandalo na ginawa ni Sasa. Lol. Anu ba, sa susunod ko ng review ng pelikula isusulat ang gusto kong sabihin. Buti nga pumayag si MyBabe na manood kami nun. O sya, hintayin nyo na lang si B,ILY story ko este review pala.

O siya ulit mga peeps, hanggang sa muli!

Paalam! Paalam! Sa susunod muli!

Batibot? Bibbo sa GMA? Ate Anne? Bi? Bo? Buwahaha.


Magandang gabi mga Peeps!

Thursday, March 25, 2010

Anong meron sa blagaging?

Hindi ko pa rin ata naisulat ang tungkol sa isang ito.
Pero ano nga ba talaga ang meron sa blogging?
Ano ang makukuha ko rito?
Kaekekan ko lang ba ito o nakikiuso lang ako?
O sadyang ganto lang ang trip ko sa buhay?

Anong meron sa pagba-blag? Syempre meron itong mga titik at salita na bubuo ng kwento ng may akda. Hindi man lahat ay nakikisimpatya sa isang sumusulat ng blog e, ayos lang. May iba't ibang uri ng blog (para sa akin) naman ito, meron pang personal, pang-wala lang, pag-echos lang, pero yung totoo, marami ngang kategorya tulad ng mga sumusunod (na may deskripsyon mula lamang sa akin):
  • Personal - literal, personal, meaning kung ano yung gusto isiwalat ng iyong kaisipan, gusto mong iparating sa madla, gusto mong malaman ng madla, kung gusto mong ikwento kung paano ka ginawa ng magulang mo pwede rin, personal nga e. (ooppss, foul!) Pero sa totoo lang talaga, as ing totoong pananaw ko ke Personal, dyan nalalaglag ang nga rants mo sa buhay, happiness, sadness, ah basta lahat ng emosyon ng sumusulat babagsak dyan. Personal, pero walang personalan, hayaan mong isulat nya ang gusto nyang isulat, sya yan e. Mapa-nega man o positive. Sya yun e. Gusto nyang marinig mo sya, parang itong blog na ito, personal.

  • Travel - kung saan ang mga malilikot na paa e nagsusulat ukol sa kanilang mga napupuntahan, kung maganda naman ba, para bagang binebenta mo na rin yung lugar, kaso minsan, yung iba, iba na rin ang sinusulat, bad experiences etc. Pero karamihan naman e positives.

  • Humour - kung saan ang mga magagaling mag-joke e sinusulat na lang nila ang mga joke nila, para hindi lang sila sikat sa pamilya, pang-International pa! Pero hindi lang naman joke e, hindi ko naman nilalahat, basta may humor pasok ka dito!

  • Technology - self-explanatory. Yung nilalaman ng blog na ito e tungkol sa mga bagong teknolohiya, tulad na lang ng kay Yugatech.

  • Photos - ah ito, meron rin ako nito, para itong uhm, para sa akin e, compilation ng gusto mong photos, lumalabas dito yung parang sa tumblr, yung kaka reblog ng mga photos, parang ganon. Basta may photos, shoot na yun.

  • News at Journalism - ah, dito naman papasok ang mga mag-aaral ng maskom, politikal sayans at kung ano pang related na maaaring pwedeng isama. Dito sila maghihimutok ng kanilang mga chorva sa buhay, pero hindi lahat. Hahaha. Basta something lna regarding sa news, headline man o ola-chika ni olalaobet e pasok yan dito.

  • Corporate - ako lang nagpangalan nito, pero ewan ko kung ito talaga yung tawag dun, kasi general e to e, ito yung blog ng isang corporate sector kung saan e dito sila nag-a-update ng mga kung anong meron sila, considered as articles pero I considered as entry. Lol, anong pinagkaiba? Basta parang ganon, blog ng corporate world.

  • Gusto mo pa? Tingin ka na lang sa topblogs.ph para masaya, ang dami dami kasing katergorya e. Actually dyan sa topblogs e nakalinya dyan yung blogs ko, pero haha, wala ng hits. LOL!
So ano nga ba at napadpad ako dito? Actually, hindi ko rin alam, nacurious lang ako sa blogs noon sa Facebook ay mali! Friendster pala. Hahaha. Wala nga palang Facebook noon, well anyway, ayun nga, nagstart ako magblog, first year college? Ewan, hindi ko na matandaan. Haha.

Natutuwa ako sa tuwing may nakikita akong bumibisita sa blog entry ko o sa mismong blog ko. Dyan o, sa may live feed ko. Iba ang dating para sa akin, kahit ba kyuryus lang sila sa kung anong meron at least napadpad sila sa munting bahay ng aking isipan.

**added

Naengyanyo lang talaga akong magtype. Kahit mali mali ay okay lang, nailalabas ko ang saloobin ko e.

Nakakataba ng puso na may nakaka-appreciate sa kung anu-anong pinagtitipa ko sa aking keyboard. Sa kung anu-anong naiisip kong mga idea, kahibangan at iba pang mga bagay.

Walang meron dito, pero ang iba'y pinagkakakitaan itong tinatawag na blog. Hindi ko alam magkano, pero oo, kumikita sila. So ayun, ito na lang muna, mahigit tatlong taon ng overdue ang entry na ito e.

***Blog was composed last April 13, 2010, edited and published today, August 19, 2013. I stand corrected, upon publishing this entry, it was composed last March 25, 2010.***

Wednesday, March 24, 2010

Romeo and Juliet

Papanoorin talaga kita.
I'll prove to myself wrong. I'll prove MTRCB they are wrong rating you X before.
Buti na lang R-13 na sya ngayon.

See you Friday or Saturday. ;)

Gusto kong malaman ang istorya.

Promise, babalikan ko kayo kung ano ang mapapala ko sa movie ni Alex.

Wednesday, February 17, 2010

Habang tumagal, lalong sumasarap

Medyo matagal tagal na rin ng huling akong nagpost dito. 29 days to be exact. Hahaha.
At HAPPY pa iyon.
So far, ok naman e, as ing happy talaga.

Ang daming masasayang nangyari.
Nakakataba ng puso.
Nakapagbigay ng sobrang ngiti sa aking mga labi. Hahaha.

Masaya ako. As in.


Mamaya na lang ulit.

Thursday, January 07, 2010

Ask me Anything



This will be my first post for the year.
I was lurking around my classmates Tumblr account. Then I found Tricia Gosingtian's page too, then went to his cousin, whom I thought his brother Mark Gosingtian, the one who make the famous tag line, "Where I'm from, Everyone's a hero". Oh well, I found Tumblr interesting but I'm still thinking twice if I am going to sign-up an account with them due of me having lots of accounts to maintain to, there is Facebook, Multiply, Forums, Photos sharing space and all that. But this is not my topic today. Haha.

The title says, Ask me Anything, yes, do ask me anything. I saw the entry of Mark in his Tumblr, telling that he has this formspring.me account and feel free to ask him anything. So I read, read and read, then I saw that RA Rivera as one too. And then read, read, read again. And also, when lurking around my acquiantance from BrewRATs that he also has formspring, then I visited it, read his answers etc., I got curious on how to sign-up, and thinking if I'm going to sign another site, another username/password to be remembered, but then I found out that you can login thru Facebook, voila! I got my account. It's a simple click then type necessary information to finish the two-step registration.

So there you go, feel free to ask/say anything.

BTW, I have another blog, but it's a photoblog, but for now, I'm using it as the container for my Project 365. It is entitled Projek365. Come and visit it. Share you comments/critiques or whatever you have in mind. Have a nice day!