Thursday, March 25, 2010

Anong meron sa blagaging?

Hindi ko pa rin ata naisulat ang tungkol sa isang ito.
Pero ano nga ba talaga ang meron sa blogging?
Ano ang makukuha ko rito?
Kaekekan ko lang ba ito o nakikiuso lang ako?
O sadyang ganto lang ang trip ko sa buhay?

Anong meron sa pagba-blag? Syempre meron itong mga titik at salita na bubuo ng kwento ng may akda. Hindi man lahat ay nakikisimpatya sa isang sumusulat ng blog e, ayos lang. May iba't ibang uri ng blog (para sa akin) naman ito, meron pang personal, pang-wala lang, pag-echos lang, pero yung totoo, marami ngang kategorya tulad ng mga sumusunod (na may deskripsyon mula lamang sa akin):
  • Personal - literal, personal, meaning kung ano yung gusto isiwalat ng iyong kaisipan, gusto mong iparating sa madla, gusto mong malaman ng madla, kung gusto mong ikwento kung paano ka ginawa ng magulang mo pwede rin, personal nga e. (ooppss, foul!) Pero sa totoo lang talaga, as ing totoong pananaw ko ke Personal, dyan nalalaglag ang nga rants mo sa buhay, happiness, sadness, ah basta lahat ng emosyon ng sumusulat babagsak dyan. Personal, pero walang personalan, hayaan mong isulat nya ang gusto nyang isulat, sya yan e. Mapa-nega man o positive. Sya yun e. Gusto nyang marinig mo sya, parang itong blog na ito, personal.

  • Travel - kung saan ang mga malilikot na paa e nagsusulat ukol sa kanilang mga napupuntahan, kung maganda naman ba, para bagang binebenta mo na rin yung lugar, kaso minsan, yung iba, iba na rin ang sinusulat, bad experiences etc. Pero karamihan naman e positives.

  • Humour - kung saan ang mga magagaling mag-joke e sinusulat na lang nila ang mga joke nila, para hindi lang sila sikat sa pamilya, pang-International pa! Pero hindi lang naman joke e, hindi ko naman nilalahat, basta may humor pasok ka dito!

  • Technology - self-explanatory. Yung nilalaman ng blog na ito e tungkol sa mga bagong teknolohiya, tulad na lang ng kay Yugatech.

  • Photos - ah ito, meron rin ako nito, para itong uhm, para sa akin e, compilation ng gusto mong photos, lumalabas dito yung parang sa tumblr, yung kaka reblog ng mga photos, parang ganon. Basta may photos, shoot na yun.

  • News at Journalism - ah, dito naman papasok ang mga mag-aaral ng maskom, politikal sayans at kung ano pang related na maaaring pwedeng isama. Dito sila maghihimutok ng kanilang mga chorva sa buhay, pero hindi lahat. Hahaha. Basta something lna regarding sa news, headline man o ola-chika ni olalaobet e pasok yan dito.

  • Corporate - ako lang nagpangalan nito, pero ewan ko kung ito talaga yung tawag dun, kasi general e to e, ito yung blog ng isang corporate sector kung saan e dito sila nag-a-update ng mga kung anong meron sila, considered as articles pero I considered as entry. Lol, anong pinagkaiba? Basta parang ganon, blog ng corporate world.

  • Gusto mo pa? Tingin ka na lang sa topblogs.ph para masaya, ang dami dami kasing katergorya e. Actually dyan sa topblogs e nakalinya dyan yung blogs ko, pero haha, wala ng hits. LOL!
So ano nga ba at napadpad ako dito? Actually, hindi ko rin alam, nacurious lang ako sa blogs noon sa Facebook ay mali! Friendster pala. Hahaha. Wala nga palang Facebook noon, well anyway, ayun nga, nagstart ako magblog, first year college? Ewan, hindi ko na matandaan. Haha.

Natutuwa ako sa tuwing may nakikita akong bumibisita sa blog entry ko o sa mismong blog ko. Dyan o, sa may live feed ko. Iba ang dating para sa akin, kahit ba kyuryus lang sila sa kung anong meron at least napadpad sila sa munting bahay ng aking isipan.

**added

Naengyanyo lang talaga akong magtype. Kahit mali mali ay okay lang, nailalabas ko ang saloobin ko e.

Nakakataba ng puso na may nakaka-appreciate sa kung anu-anong pinagtitipa ko sa aking keyboard. Sa kung anu-anong naiisip kong mga idea, kahibangan at iba pang mga bagay.

Walang meron dito, pero ang iba'y pinagkakakitaan itong tinatawag na blog. Hindi ko alam magkano, pero oo, kumikita sila. So ayun, ito na lang muna, mahigit tatlong taon ng overdue ang entry na ito e.

***Blog was composed last April 13, 2010, edited and published today, August 19, 2013. I stand corrected, upon publishing this entry, it was composed last March 25, 2010.***

No comments: