Monday, February 02, 2009

*Dang* ENROOLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLMENT Part 3

Ok, mag-iisang buwan na simula nung nakapag-enrol ako. At ito ang masayang balita:






Ligal na akong kasama sa seksyon ng I42. At yung pinakamalaking laban ko, ayos na yun. Matapos yung dalawang araw na pakikipaglaban, naayos din, Ligal na akong kasama sa regular na seksyon ng SOFTDEV. Maraming naging balakid bago ko natamo yung nais ko. Nariyan ang sakit ni Mama, na ako lang yung kasama nya. Ok lang sana sa akin, kaso yung naturang schedule ng klase ay masasagasaan yung personal reasons ng family namin. So ayun, mahirap, pero masarap din. So kahit paano, naipaglaban ko pa rin yung karapatan ko bilang isang mag-aaral na pumili ng nais ko. Walang papel na nasasaad na kami ay pumirma sa isang kasunduan, at ang isa pa, ni hindi rin ito binasa sa amin, ang tanging papel na dinampian ng aming pluma ay ang listahan kung saan ang mga mag-aaral na pumasa ay nagnais na matuto pa ng iba pang lebel ng kasanayan.

So ayun, natapos na. Ikukuwento ko na lang ulit sa isa pang blog entry.
Review muna para sa pinaglaban kong paksa.

No comments: