Uhm, ganito..
Kahapon, mula sa paaralan, napadpad ang may paltos kong paa sa National Bookstore, malapit ito sa paaralan ko. National Bookstore Recto Branch.
Una, bibili ako ng bolpen, dahil nauubos na ang mga suplay ko. Ikalawa, titingin ako kung may bagong librong mababasa.
Pumasok ako sa tindahan, uhm, maraming tao sa babang bahagi ng gusali, doon ako nagpasya na umakyat sa ikatlong palapag, kung saan ang mga aklat ay naroroon. Sinipat ko muna kung may bagong akda si Ginoong Bob Ong, ngunit, wala. Pati si Ginoong Panti, wala rin. Sige, dahil wala, nagdesisyon akong pumunta sa seksyon ng mga Tinibapers na libro, tulad ng Stupid Love, The Hagette at kung anu-ano pa, nang biglang may nakita akong kakaiba, "Memoirs of Klitorika", hindi man aminin, parang naenganyo akong basahin, ngunit kaysa magbasa sa bilihan ng aklat, minabuti ko itong isama sa paghahanap pa ng ibang aklat. Dapat bibilhin ko yung Stupid Love 12, hhmmmm, sabi ko sa sarili ko, "Php 85 lang naman, kaso bibili pa ako ng ibang aklat."
Nakita ko ang aklat na Inday, uy, the famous Inday is in the books! Ahahaha. Well, ito na lang ang bibilihin ko at itong Klitorika. Walang patumpiktumpik akong pumunta sa cashier para magbayad. Baba naman ako sa unang palapag para bumili ng mga bolpen.
So natapos ako sa bookstore, ayoko talagang pupunta sa bookstore ng mag-isa, kasi sobrang gastos ko. Well, ano pa nga bang magagawa ko, nangyari na, kahit anong gawin kong pilit sa sarili kong bolpen lang ang bibilhin ko, bibili at makakabili ako ng kung anu-ano.
Nakauwi na ako nga bahay. Kumain muna ako ng McSavers ng McDo, dahil walang akong makakain sa bahay. Idlip lang ang tulog ko matapos akong umuwi ng alas-syete pasado mula sa opisina, pang gabi ee, pakpak. Pakpak, kasi hindi naman ako prosti. *pis tayu, dyuks lang* Feeling ko kasi may pakpak ako pag umuuwi, ang hingin sa jeep kahit sa FX mahingin din, kaya kapag napapikit ako, palagay ko nililipad ako ng hangin.
Matapos kong makakain *Chicken McSavers, float syempre yung drink/s*, kinuha ko agad yung plastic ng National, bunuksan ko ito, at voila! Memoirs of Klitorika, akala ko nga nung una, deads na yung sumulat kasi Memoirs, memories tama ba? Klitorika peace tayo ha! Pero naintindihan ko kung bakit iyon ang pamgat ng kanyang akda.
So basa, basa, basa. Marami akong npagtanto ng mabasa ko ang aklat, katulad ko, babaeng babae si Klitorika, at pinagdidiinan nya iyon, subalit ako naman, ang ipinagdidiinan ko e, lalaki ako, kahit hindi naman talaga. So ayun nga, saludo ako sa katapangan ng babaeng ito, sa totoo lang gusto ko sya makita. Makakwentuhan sa mga bagay bagay na kanyang nai-blog. Blog writer sya, klitorika.blogspot.com. Saludo ako dahil, matapang siyang babae, nakukuha nyang ikwento yung mga naging karanasan nya sa buhay lalo na sa sex. Ang galing nga ee, biruin mo, isang babae, ganon ang pananaw sa buhay. In a way, nakarelate ako sa kanya. Dahil tama naman ang mga hinaing nya sa nabasa ko. "Close your eyes." Totoo yan, ipikit mo ang mga mata mo kung makikipagtalik ka. Ahaha. Kasi, malay mo hindi gwapo ang makaka-do mo, pero kung magaling naman e, ipagwalang bahala mo na. Tama rin si Klitorika, kadalasang libog lang ang nararamdaman ng isang tao kung may nakita syang dyosang dyosa sa ganda. Hindi mo naman maiiwasan ang ganoong bagay, lalo na kung lalaki ang magnanasa, alam naman nating lahat na kapag hindi nakapagpigil ang mga kalalakihan, ay alam na nila ang kanilang gagawin, (ooppss, guys, hindi ko nilalahat ah!) Tama rin si Klitorika, na kapag nakaraos na ang mga lalaki ay ipagwawalang bahala na nila si babae kung nakaraos ba o hindi. Sa Orgasm, kadalasang hindi sabay ang babae't lalaki kung labasan ng kung anong likido mula sa kanilang itinatago sa kanilang mga hita. Lugi ang babae pag ganon, tas maiiwan na lang bigla na parang bula. Well, anyway, wala lang, opinyon lang.
Ang galing nga niya ee, kasi kung ano yung naiisip ko, napatunayan nyang ganon nga talaga yung konklusyon ko. Hindi naman sa lahat ng akda ni Klitorika ay puros sex, dahil may ibang sinulat rin sya tungkol sa ibang bagay. Liberated, walang takot, matapang na babae. Mapagmahal na ina sa kanyang mga anak, na kahit magkaiba ito ng ama, e, mahal na mahal niya ang mga ito. *nabasa ko yung sa blog mo*
Hindi naman nasusukat sa SEKS kung anu kang tao, marami nga dyan ang mahilig ngunit, pagkatapo ng pakikipaglaro nila sa apaoy e hahabulin nilang yung kahoy para panagutan ang paglaki ng dingas. Ako bilang isang babae, na sa tingin ko ay open minded naman akong tao, e tama ang paningin ni Klitorika sa buhay, yun nga lang at sayang dahil nabanggit nyang nagpa-abort sya ng baby. Nalungkot lang ako.
Hindi lahat ng bagay e makukuha ko sa isang gabi na may kasama ka sa isang kwarto, iinom, tapos manggigigil sa iyo, pagkatapos huhubaran ka, hahawak-hawakan ka sa mga parte ng katawan mong ayaw mo noong ipahawak sa iba, ngunit naipahawak mo rin sa kanila. Ang pang-unawa ng mga tao sa paligid mo, o ang kanilang ikatatahimik ang mas ikakasaya mo.
Ako, mag-didisin-nyube anyos pa lang, hindi ako takot aminin na minsan ay naglaro na rin sa isipan ko nga mga nagawa ni Klitorika, hindi dahil sa may napanood ako o ano, dahil alam kong sa sarili ko ay gugustuhin ko rin iyon. Ang pag bubuntis ng isang babae sa murang edad ay masasabi kong isang regalo, na ginusto mong makuha ngunit mali lang ng panahon, tulad ni Klitorika, wala rin akong pakialam kung ao ang sabihin ng ibang tao sa paligid ko, kung makita man nila akong may kasamang lalaki kung saan, iba iba man ito o hindi, isa lang ang masasabi ko, alam ko sa sarili ko ang ginagawa ko, at ginusto ko ang ginagawa ko.
Salamt kay Klitorika at nabuhay muli ang paniniwala kong hindi ako nag-iisa sa mundo.
Mula ngayon, INENG HEARTS KLITORIKA.
2 comments:
Hi... maraming salamat! Nga pala iisa lang ang ama ng 2 baby ko he,he. Anyways thanks sa pagbibigay ng panibagong lakas ng loob, at sa pagtangap sa mga isinulat ko. matapang ka rin ate!
Abangan po ang aking book 2! Thanks again sa suporta.
Ay Ate, sorry naman po. :D Hindi ko rin alam. Naguluhan ata ako. Sige, aabangan ko talaga yan. Tsaka, tuwing bibili ako ng book, laging last copy, ngayon dami na ulit.
Post a Comment