Guess what guys and gals. I saw the kid from 5 and up.
Ito ang sinaryo:
Pabalik na kami ng office (Sykes - SITC), dahil galing kami sa kainan. Chibugan all the way. Paliko na yung sasakyan ni Sir Ruge para bumaba sa basement para mag-park.
"Oooopppppsssss! Si Atom Araullo yun ah!", sabi ko.
Sila: "Oo nga no! Bakit naglalakad yun?"
Sir Ruge: "O, nag-jeep pa!"
Sila: "Oo nga no! Nag-jeep pa sya."
Ako: "Wow, astig nag-jeep!"
Sir Norvs: "Nag-jeep na nga, astig pa?!"
Tuluyan na kaming bumaba, at sumakay na si Atom ng jeep.
Hindi ko alam kung kasama yun sa documentary nila na Kalye, ngunit, wala namang mga camera sa paligid o kung ano. Plain Atom Araullo yung nakita ko. Simpleng naglalakad, pumapara ng jeep. Fers taym kong makakita ng kilalang tao na nakikita sa telebisyon ang ganoon. Sayang at nakasakay ako sa sasakyan, kundi, papapicture talaga ako. ;)
Graduate ng Ateneo, Pisay at Peyups, sino ba namang hindi kikiligin kay Atomic Atom.
Well, hanga lang ako, a well-known guy walking and riding a jeepney. Typical human-being. Ang pinagkaiba lang e nakikita na sya mula noon hanggang ngayon sa TV.
Ayun lang.
No comments:
Post a Comment