Noong isang linggo natapos na ang Precious Time( originated in Japan). Isang palabas sa ABS-CBN pagkatapos ng Pinoy Fear Factor. Nakakaantig ang ang kwento dahil tungkol ito sa isang babaeng nagkaroon ng AIDS.
Nakaka-curios lang dahil ngayon lang yata ako nakarinig ng ganoong klaseng palabas. Matagal ng siguro ang palabas na yaon ngunit ngayon lang ata nagkaroon ng pagkakataon na palabas ito sa ganitong katulas na bansa.
Unconditional Love ang ipinakita ng kwento nito, mula sa pag-ibig ng isang mag-aaral ng hayskul sa isang sikat na composer hanggang sa pagmimili na mamatay sya alang alang sa kanyang anak.
Ito ang summary:
Si Masaki ay isang highschool student na gustong gusto ang composer na si Keigo. Sa umpisa ng istorya, may concert ang naturang composer at bilang isang highschool student, wala siyang pera. Ginawa niya, kagaya ng iba niyang kaedaran ang pagbebenta ng sarili nilang katawan para kumita ng pera. Sa pagbebenta niya ng kanyang sarili, nahawahan siya ng virus, HIV. Nakaabot naman sya sa concert. Umuulan noon at kanyang sinugod ang dadaanan ni Keigo at nilabas nya ang kanyang banner na may nakasulat na "I Love Keigo". Simula noon nagkainteres na sa kanya ang composer. At inamin ng dalaga sa boong paaralan nila ang kanyang sakit. Itinigil ni Masaki ang pag-inom niya ng mga gamot.
Lumaon, nagkakilala sila ng personal, at umibig sa isa't isa. Alam ni Keigo ang kalagayan ni Masaki, noong kumalat ang balita may HIV si Masaki nasira ang karera ni Keigo sa Japan. Ngunit patuloy pa rin ang kakilang pagkikita, kahit ayaw ng tatay ni Masaki kay Keigo. Minahal ni Keigo si Masaki ng kanyang buong puso. Napagdesisyunan ni Keigo na lumipad patungong Amerika upang ipagpatuloy ang kanyang karera at isasama si Masaki roon, ngunit si Kauro (front ng banda ni Keigo), kapatid ni Lisa na dating nobya ni Keigo (at naanakan niya, pero hindi rin nabuhay) ay pilit na hinahadlangan ang relasyon ng dalawa kahit hindi pa ito umaalis ng Japan. Gabi bago umalis si Keigo ng Japan ay nagkita sila ni Masaki, sinabi nitong maghihintay sya sa paliparan sa pagdating ni Masaki at kung hindi ito dumating ay hindi na nya gagampalain pa ang dalaga. Una ay tumatanggi ang dalaga dahil sa kanyang pamilya, ayaw siyang payagan ng kanyang ama dahil sa kanyang kalagayan. Ngunit napagtanto rin ng kaniyang ama na hayaan kung saan masaya ang kanyang pamilya at naglaon ay pinayagang umalis si Masaki. Sa pag-eempake ng gamit ni Keigo, ay nawaglit ang kwintas niya (M para sa Masaki; K para sa Keigo). Nakuha ito ni Kauro nang matanggal ang kwintas sa leeg ni Keigo ng minsang niyakap sya na Kauro. Nakuha ito ng dalaga at ginawa itong dahilan upang hindi magkasama si Keigo at Masaki. Dumating si Masaki sa paliparan at nakita nito si Kauro, sinabi ng dalaga sa nadurusang nilalang na umalis na si Keigo at kinuha ang mas maagang flight. Hindi ito totoo dahil naroon pa si Keigo ng mga oras na iyon at nang tanungin si Kauro, hindi raw dumating si Masaki. Umalis na sila at hindi na muing nagkausap.
Lumipas ang tatlong taon at nagbalik sina Keigo at Kauro sa Japan para sa kanilang tour. Matapos din ang taong ito ay nagdevelop na mula sa HIV ang AIDS ni Masaki. Nagbalik ang binata sa bahay nina Masaki at naabutan ang kababata nito. Sinabi nitong ikakasal na sila at wag ng pakialaman ang buhay ni Masaki mula ng iniwan niya ito. Takang taka ang binata dahil hindi naan nya iniwan ang dalaga. Nagtanto sa kanyang kaisipan ang mga pangyayari, lubos itong nagsisi.
Nagkitang muli nag dalawa at nagkareconcile din. Nagkarron ng trabaho si Masaki ngunit natanggal din kinabukasan dahil sa kanyang sakit. Si Keigo ang naging sandalan niya. Kahit anong gawing pilit ni Masaki na kalimutan ang binata, hindi ito nangyari, mahal nila ang isa't isa. Dumaan ang gabi at may nangyari sa kanila. Pinili ni Keigo ito. Nang minsang nagpacheck-up si Masaki, napag-alamang buntis sya. Pinili nya itong ituloy kahit na buhay nya ang maaaring maging kapalit. Sinabi nya ito kay Keigo, ngunit nais nitong wag ituloy ni Masaki ang pagbubuntis. Dahil pala ito sa nangyari sa kanyang nakaraan na namatay ang dati nyang nobya pati ang bata. Dahil dito, pinigilan din ni Keigo si Masaki na wag na ipalaglag ang bata.
Tinuloy ni Masaki ang pagdadala ng anak nila ni Keigo at ang ama naman nito ay nasa Amerika. Pabalik na sa Japan si Keigo, nang nagtetape si Masaki ng panibagong bidyo. Naisipan nito na bumili ng bulaklak dahil parang kulang ang dekorasyon nito. Hindi alam ni Masaki na uuwi na si Keigo, iniwan niya ang kanyang cellphone at tawag ng tawag dito si Keigo. Habang papauwi, umatake ang hilo ni Masaki (kaakibat ito ng pagdevelop ng AIDS nya). Dinala sya sa ospital at doon na sila nagtagpo. Nailigtas naman ang bata sa sinapupunan ni Masaki at naglaon at nakalabas na sila ng ospital. Nagpakasal ang dalawa at naging malusog ang kanilang anak. Dumating ang doktor ni Masaki upang ibalita ang pagiging negatibo ng bata sa AIDS. Si Keigo ang nakaalam nito. Habang si Masaki naman ay pinuntahan ang kanilang anak na nasa loob ng sambahan. Malalaglag ang bata at dali dali nitong tinakbo ang anak. Doon natagputan ni Keigo si Masaki na nakahandusay sa lapag ng sambahan. Nabuhay ng matiwasay ang mag-ama ni Masaki at masaya siyang nabuhay ang kanyang anak kahit kapalit nito ang kanyang buhay. Yan ang hiling niya kay Keigo.
God really give them a precious time.
Bakit ko sinabing unconditional love ito, isa lang, kahit na alam ni Keigo ang kalagayan ni Masaki lalo nitong minahal ang dalaga.Sa kabila ng bawat pagsubok na buhay naroon ng isang taong nagbibigay at magbibigay ng isang walang kapalit ng pagmamahal.
Sarah Jane Salazar, para rin sa'yo ito. Kahit bata pa ako nung napanood kita sa telebisyon sa walang takot mong pag-amin na HIV positive ka, tinanggap mo ito ng maluwag, Saludo ako sa iyo.
So sa lahat ng HIV positive dyan, wag kayong matakot, labanan niyo ito at hindi na dumating sa punto na nadedevelop pa ito sa AIDS dahil mas lalong walang sagot sa sakit na ito.
*Multiply post - January 16, 2009*
No comments:
Post a Comment