Hi!
I know, a very late yet early New Year post.
Late for 2009, but early for 2010. *korni*
[tama na ang English, dinudugo na ang ilong ko]
Ganito ang senaryo sa bahay:
Gabi.
Madilim.
Umaabon.
Bandang alas-otso y medya ng gabi. May misa. Ako, mama ko, at yung isang pamangkin ko ang nagsimba, kasi wala yung tita ko, so walang kasama lola ko. Natira sa bahay yung tatay ko at yung katulong namin.
So naglakad kami papuntang simbahan. Ayos! Walang tao sa harapan, dun sa mga upuan.So doon nga kami naupo. Habang papunta naman kami ng simbahan, mga ang layo e mula Gate 4 hanggang Moret St., sabi nung pamangkin ko, hindi raw sya matutulog. Wala pa naman yung pari, so laro laro muna yung bata. Tapos nung dumating na yung pari, deads, nung kumakanta na, yari, tulog ang bata. Anak ng tokwa yun, hindi raw sya matutulog. So sige misa, misa, misa. Kesa naman mangawit kami ng nanay ko kakapalitan ng karga e hiniga namin sya sa hita namin, pag kailangan tumayo, sa upuuan sya nakahiga. Nice idea! So natapos din ang misa, syempre may kantahan. Aba, ang bata, nagising. Walanjo, tulog sa umpisa, gising pagkatapos. So umuwi na kami, natulog ulit sya.
Mga ilang minuto ang lumipas, tae, barawnawt, i-spell mo ang brownout ng bonggang bongga. As in. So sige, ok walang kuryente kung wala. Half ng barangay namin may ilaw, mula sa may simbahan hanggang makalabas ka ng barangay namin. So yung other half, kami, walang kuryente, kasi sa Marilao yung connection namin.
Tiyaga, tiyaga, tiyaga.
Inayos na ni mama yung mga foods, kahit walang ilaw. Ako naman, ito si litrato. So okay, nawalan ng kuryente, mahirap tignan yung mga iniihaw. Sige, ok lang. May mga nagpapaputok, nagpapailaw ng kalangitan at iba pa, kasi nga barawnawt. Ggrrr. So ok, ilang minutes na lang mag-12 na ng midnight, at wala pa rin kaming kuryente. Hays.
Sa pag patak ng alas-dose, naglipana na ang mga paputok. Ilaw dito, ilaw doon. Ehem. Ehem. Kung hindi nyo pala naitatanong e ako ay nakatira sa Fireworks Capital of the Philippines, kung saan dinadayo ang mga paputok na ginagawa sa aming bayan. Well, anong koneksyon, kami yung nasa bayan na yon, kami yung wala paputok, kahit luces wala. Wala ring music, dahil nga walang kuryente. Boring na New Year. Tae.
Nagkalat si mama ng mga
piso piso piso piso piso piso piso piso piso piso piso piso piso = 13 piso
at
kiat kiat kiat kiat kiat kiat kiat kiat kiat kiat kiat kiat kiat = 13 kiat kiat
sa buong bahay, bale dalawang pinto yun, rectangle na bahay. Sa baba at sa taas.
Sinabi ni mama yun, kasi walang nakakakita. Yung inaanak/pamangkin ko, nakarami. Ahaha.
Nagkakuryente mag-a-ala-una na ata ng madaling araw, pero wal paring nakapigil sa amin na maghanap ng mga barya, lalo pa at sinabi ni mama na mayroon din sa taas, pero tig-lima at sampu. Sugod mga kapatid!!! Este mga pinsan pala, wala nga pala akong kapatid. Ayun, syempre, wala akong nakuhang barya. Ok lang, tiba tiba naman ako sa pagkain.
Well, after nun, syempre, matitindin usok, buti na lang hindi ako hinika. Yes! At ayun, natapos ang New Year namin na hindi kami kumpleto, kasi yung ibang family members namin e tulog at hindi magising. Sobrang mantika sila matulog. Ang sayang New Year, so isang taon kaming brownout.
Ayan, matapos ang ilang linggo na pinaghintay ng entry na ito, natapos ko na rin sya.
*Multiply post - January 16, 2009*
No comments:
Post a Comment