Syempre may Part 2 pag may Part 1.
Ito yung siste, email ulit, Geym!
Ang lola nyo ay pinagscan ni boss ng letter, kasi i-e-email sa ibayong dagat, ay baka si Kuya A yun, ah basta yun na yun, basta may pinagawa.
Ang lola nyo, iniscan naman, kinrap, sinave, nagbukas ng email, nagcompose ng mensahe, nag-attached ng file, nag-check kung valid ang email address, checked! SEND!
Hapon na ng ako'y tawagin ni Boss, pagtingin ko, waaaaaaa, nakakunot ang noo, nakalagay ang kamay sa noo, "Patay! Ano na naman nagawa kong mali?"
"Ineng, di ba pinascan ko sayo to? E bakit iba?" something like that, basta basta, yung file na dapat dun e mali. Boldyak kasi yun kasi pinadala nga sa SG.
So wala naman akong magagawa, kinuha ko, binigay naman nya, hindi ko na iniscan ulit, kasi alam ko, meron dun sa kompyuter, sige hanap beybe! Hanap! Ayun! Pota iba ng file name (actually ang pinagkaiba, spacing leche!)! Tinignan ko rin yung email, leche, iba nga talaga. Siyet! Taeng buhay to o!
Sige, Dobol klik si Outlook Express, habang hawak yung papel na iiiscan, sige, tayp ulit ng email addy, paksa, katawan, pagsasama nung file. Damn it! Ang katangahan na naman Ineng. Adik ka! Adik!
So sige, pinalitan ko na lang yung filename nila pareho, bwisit!
Sige, binigay ko na kay boss, syempre, nagsorry ako, sabi ko hindi ko hindi na mauulit, pati sa emai meron nun. E hindi ko naman talaga sinasadya e. Malay ko bang iyon, kasi naman, walang RECALL sa Express. Mag-upgrade na nga kayo sa Outlook 2003 man lang. Ahaha.
So ayun, ako, wasak na wasak sa opisina. Bembang to the highest level.
Another chuvaekek na pangyayari.
No comments:
Post a Comment