Wednesday, October 07, 2009

Recovery 101

What a terrible day!

*hahaha* 

Kala mo English yun  pala Tagalog.
Ahaha.
O well..
Eto na naman ako, tumitipa ng mga titik sa animo'y tayprayter na otomeyted sa aking harapan na lumalabas sa isang skrin at hindi sa papel.
Kaninang umaga kung bumisita ka dito sa aking pahina, malamang sa alamang ay nabasa mo yun gisang entri ko ukol sa ginawa kong katangahan dito sa opisina (dito!dito! klik mo dyan). At ngayon heto na naman ang isang katangahang aking nagawa.


Dalawa kasi ang kompyuter dito sa aking lugar sa opisina, isa para sa aking kasama at isa para sa akin. Yung kanyang kompyuter syempre may hard disk, mayroon ding shared folder kung saan ako nagsesave ng mga public files ko na kailangan rin nilang makuha. Ayun, so mayroong malaking folder, as in suuuuuuuper daming laman. Nasa desktop yung folder, its so mabagal. So ako naman, to lessen the kabagalan napagpasyahan kong ilipat yung malaking file sa isang directory. Sige, rayt-klik, kapi-peys! O yeah! Matagal-tagal to, kasi malaking file nga di ba? So ang lola nyo ay iniwang nagkakapi-peys yung kompyuter. Nung pagkatapos kong managhalian, syempre malamang tapos na rin sya, isang oras na syang may lumilipad lipad na papel e. So akala ko tapos na lahat lahat lahat lahat, as in LAAAAAAAAAAAAAHAT. Walang labis, walang kulang, KUMPLETO. Ayun na nga at tapos na, ako naman si rayt-klik, delete. Sya sya, nagdelete naman ang loko. So sige, beybe FILES DELETED!


Tapos nung pinuntahan ko na yung bwakanabits na directory ng bagong kopya, ampota, walangya, tawagin mo na akong lahat ng chorva, WALA DUN YUNG IBA FILES!!!!!!!!!!!!!!
Ang aligagang Ineng ay jusme! Hindi malaman kung anong gagawin, importante yung laman nung potek na FOLDER NA NAWAWALA. OMIGAS!


DEFINE KAMALASAN NGAYON ARAW NA ITO.


Pero syempre, maparaan ako, naalala ko yung ginawa ni Kuya C noong OJT pa ako sa dati kong kompanya. WOW! ONLINE SILA!


IM IM IM!!!


"Anong ginamit nyo pang recover ng files na nadelete pero wala sa Recycle Bin?"


Ang tagal bago yung sagot, pero meron naman sumagot sa kanila.


"EASY RECOVERY"


"Pwede iDL?"


"Pwede."


Ang lola nyo naman naghanap, ayun ayun! Sa CNET! DL DL DL. Pota Trial Version. indi pwede makaretrieve, pwede lang makakita. Tanong ulit ako:

"May kopya kayo dyan?"


"Wala e. Hanap ka na lang sa MegaUp."


Omigas! Sige sige, hanap beybe! Hanap!


Ayun, ayun, sana hindi TRIAL, nakow kung TRIAL to, papakamatay na ako.


Pero hindi naman ako papakamatay kasi FULL VERSION. Sige beybe i-RUN mo! I-RUN mo!


*woot*


After many kaekekan, narecover rin. Hays, nakahinga ako ng maluwag.


Thanks to Pia and Carlo, and to Rapidshare too, and Megaupload and of course, Easy Recovery. O yeah!

No comments: