Monday, November 16, 2009

Pacquiao won and I hate his wife (and other creatures beside her)

NEW! NEW!

Pero kala mo siguro English, patawad ngunit hindi. Dudugo ang aking ilong kung magpupurong Ingles ako. Hindi kakayanin ng aking ilong.

Eksaktong isang buwan, inyo po muling matutunghayan ang aking blog namay bagong laman.
Karamihan sa mga aking isusulat o ititipa ay pawang nakaseyb bilang draf.

So ito na, lahat ng tao sa buong mundo, Pilipino man o hindi, maputi man o maitim, may ngipin man o wala, bata o matanda, mayaman o mahirap, pulitiko o munting tao lamang ay nagbubunyi sa pagkapanalo ni G. Manny "Pacman" Pacquiao. Nanood kami ng aking pamilya sa Internet, meron mga live streaming. Pero nakikinig rin naman kami sa radyo, DzBB, delayed sa Internet ng dalawampung segundo. Sige laban na kung laban.

Kumanta ang La Diva, ito ay kinabibilangan ng tatlong maria ng SOP, sina Aicelle Santos, Jonalyn Viray at Maricris Garcia. Nag-uurong ako ng pinagkainan nun, kako, sino ba yung mga nakanta? E hindi raw kilala. Sige, hintay ng laban, pak, boom! kapow! tugush! pak! bang! kapow! Ilang beses na ulit yan. Kakaibang palitan ng sapakan mula kina Manny Pacquaio at Miguel Angel Cotto. Hanggang sa itinigil na lang ito ng reperi. Sige, panoorin ulit natin sa TV, delayed sa GMA e. *hehe*

Sige, nanood kami, coverage talaga ng GMA itey. Sige, nasimulan namin, pinanood ko talaga yung simula. *haha* Kasi nga napanood na namin sa Internet at napakinggan sa radyo. So ito, habang nanonood ako, habang kumakanta ang La Diva ng Lupang Hinirang, ipinakita ang maybahay ni Manny Pacquiao na si Jinkee, dito ako naiinis, tignan mo yung bidyo sa baba, sa mga minutong 1:20 - 1:23:







Yan ang makikita mo kung kaibigan mo ako sa Facebook, naiinis ako dahil sa lahat pa ng tao, bakit sila pa? Sila pa yung hindi gumalang sa pambasang awit ng Pilipinas, tinutuligsa ng iba ang kakaibang areglo sa pag-awit ng tatlong dilag at kakaibang pag-awit nila mismo rito na kesyo hindi tama sa dapat na nakasanayan at naayon sa batas. Hindi ba ito ang dapat nating mag bigyan ng pansin? Ang mga Pilipinong hindi na gumalang sa pambansang awit? Kumakaway habang inaawit ito, ni hindi nakalagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib, itinuturo ito mula pa ng tayo ay pumasok sa mababang paaralan, minsan nga sa kinder pa. Habang lumalaki man ang tao, makakasanayan na nya ito, ngunit ano ang kanilang ipinakita? Hindi na nga nakalagay sa dibdib, kumakaway pa ng madaanan sila ng kamera.

Ok lang sana sa akin e, kung titingin sila sa kamera, malamang, lahat mapapatingin, pero ang pagkaway at dagling pagtawaay hindi ata nararapat. Kung ako ang Pilipinas, ikalulungkot ko ito, parang ipinapakita lamang ng mga tao na hindi sila natutuwa o hindi nila ipinagmamalaki ang pag-awit ng pambasang awit ng kanilang bansa.

Nakalaungkot mang isipin, bakit sa kanila pa? Kamag-anak/asawa/kaibigan ng isang Pilipinong umano ay lumalaban para sa kanyang bansa sa larangan ng boksing. Para raw sa Pilipino ang bawat laban nya, ngunit para rin ba sa Pilipinas ang asal na nakita ng aking mga mata mula sa kanilang panig?

Kaunting respeto sa bansa, para pag-awit na lang ng pambansang awit ganoon pa ang nangyari.


*Pasensya na, sa halos isang buwan na pagkakatenga ay ganito pa ang mababasa nyo. Nakakapanggigil lamang sa aking pananaw.*

3 comments:

Anonymous said...

onga garabe hays

goyo said...

tama Ermats ko, may tutuligsa nga sa ginawang pagkaway nila Jinky.
hinihintay ko sa t.v. sa blog ko pala makikita. :))

-alexis
exchange links po. lagay na kita sa blog ko. baby pa yung blog ko. hehe.

Kristin said...

@hermi: sinabi mo pa.

@alexis: see! see! pati nanay mo alam na may magrereact, nakakainis kasi e. nakatayo ka na lang at magbibigay galang sa bansa mo, kakaway ka pa. pota!