Now Playing: Toyang by Eraserheads
Nandito ako ngayon sa opisina, katatapos lang tumugtog ng Toyang at hindi ko marinig yung sumunod na tugtog.
Ako lang mag-isa ngayon sa departamento namin. Kumain ang dalawa kong kasama at yung isa naman ay naka-dispatch. Ako naman, heto, nagta-tag ng mga locks. Kagagaling ko lang sa stockroom, naghanap ako ng mga PC na itatag para sa Alltel.
Tumunog ang telepono, ng aking sagutin, makalipas ang tatlong segundo ay nawala naman bigla.
Sa mga oras na ito, marahil tapos na ang BrewRATs, ang radio show na naging malapit sa puso ko. Matagal na rin akong walang balita sa naturang programa. Nakinig ako nung Lunes, wala si Tado, si Angel na may sakit ng araw na iyon at si Ramon lang. Nakakamiss walang makulit.
Hindi ko na tapos ang blog na ito kahapon, ngayon, 6:20 na ng umaga, 11/21. Hindi ko natapos kasi hindi ko natapos.
Oh well, game na.
Kahapon, apat lang kami nung ginagawa ko itong blogag na ito, ngayon, lima na kami, plus isang NetAdmin, isang ITHDAssoc. Ayun, magulo, kasi makukulit silang lahat. Kinakatok yung CPU para bumukas. Dinadasalan yung CDROM para gumana, at kung anu-ano pa.
So well, ito yung buhay IT. May ticket, kailangan mong idispatch. Tas rereplyan mo yung ticket, dapat may root cause, kasi kung wala, PIZZA!
=====================================================================================
Oh well ulit.
2009 na hindi ko pa rin tapos tong blog entry na ito, ilang buwan na rin ang nakalipas simula ng matapos ang kontrata ko sa Sykes bilang isang on-the-job trainee, ngayon swak pa rin yung pamagat, kasi nasa isang opisina na ulit ako. Ahaha. Pero hindi na ako isang INTERN o OJT ngayon, isa na akong ganap na manggagawa. Kung saan? Sa opisina rin kung saan nagtatrabaho ang nanay ko. Ang saya di ba? Bawal pero pwede. Kasi magkaiba naman kami ng principal, though same company sya, pero magkaiba. Ang gulo di ba? Basta parang ganto lang yan e, dumating sa parehong tagpuan pero hindi nagkita, parang ganon. Haha.
Ok naman yung work ko as of this time. Encoder. Ok naman na yun kesa sa wala. Hindi ko man totally naisin yung position e hayaan ko na kesa wala. *umulit*
-----
Pang ilang ulit ko na ito. Haha. Nandito pa rin ako sa opisina. Nakapitong buwan na ako sa kasalukuyan kong trabaho, nawa naman ako ay makasurvive. Hehe. So pano, baka hindi na naman natapos to. Ia-update ko na lang kayo kung saka sakaling may mabago sa opisinang pahayag na ito.
Good luck to me.