Ika-dalawampu't anim ng buwan ng Setyembre nang naganap ang kasumpa sumpang pangyayari sa buong kamalayan ng bansang Pilipinas.
Binalita ng PAG-ASA na may chorvang bagyo nga na hahagupit sa gitna ng Luzon, siya si Bagyong Ondoy!!! As ing GITNA hindi Gitnang-Luzon kasi iba yun sa depinisyon ko ng GITNA kasi gitna talaga yung tama e. So sige, hagupit sya. O yeah beybe! E anak ng tupa, kaarawan yun ng pamangkin/inaanak ko. At ang bonggang Tita/Ninang ay nagPREPARE ng bonggang PERA galing sa SWELDO nya para maging masaya lang ang inaanak nya at yung kapatid nung inaanak nya na MAHAL nya rin. Ahihi. Alam nyo naman ang bongga nyo kaulayan sa kabilang dako ng kompyuter e alang kapatid, tiyaga tiyaga lang ang drama ko sa mga pamangkin ko sa pinsan. ganito ang siste mga kapatid:
Dahil ako ay isang probisiyonari na sa aking pinagtatrabahuhan e kering keri ko na ang alternate ng pasok ng Sabado, syempre kinarir ko yun. Pumasok ako ng unang Sabado mula sa epektibiti ng aking pagiging probi, e di pumasok nga ang lola nyo di ba? So pwede akong hindi pumasok ng abente sais,
"Naks! Tuloy kami! Yey! Ma, tawagan mo na sila Kuya, papuntahin mo na dito, dali!" Yan lang yung mga salita ko noong araw bago ang paghagupit ng isang bonggang bonggang BAGYO, define BAAAAAAAAAGYO.
Okok, bak to bisnes, sige, dumating sila Kuya, ama ng aking inaanak/Kuya kuyahan dahil alaga nila Mama ko noong bata pa sya, syempre kasama yung mga bata, ang makukulit ngunit mahal na mahal kong mga bata, kahit nag-aaway kami nung mga 'yon (pumatol raw ba sa bata? ahaha, batang isip mga kapatid), mahal na mahal ko pa rin sila. Kung pwede nga lang na pag-aralin sila e. Eniwey, speaking of aral, yung inaanak/pamangkin ko e sustentado yun ng SINGKUWENTA PESOS kada linggo, baon para sa paaralan, maliit ngunit sapat na marahil para sa isang Day Care na mag-aaral. Oo, nag-aaral na sya. Kaya nga sa kaarawan nga sana nya dapat anim na taong gulang na siya e, o well, tumanda rin naman kahit hindi nakapag-Ocean Park.
Oo, tama, Ocean Park, dyan dapat kami pupunta sa mismong araw ng kanyang kaarawan.
Asan na nga tayo? Dumating na sila di ba? Syempre maririnig ko yung "ATE KAAAAAAAAAAAAAAAAYE!" ng bonggang bongga. Sarap pakinggan yun tapos yayakapin ka nila. Whew! Sarap. Nakakawala ng pagod. Napagkamalan na nga akong NANAY nung titser ko nung Grade Six. Pota! Ahaha, I admit, mukhang nanay ang katawan ko pero haller! HINDI PA AKO NANGANGANAK!!!! Game, back. Para kang nanay na binalikan ng anak yung pakiramdam sa tuwing makikita ko sila. So smooth naman yung naging gabi nila dito sa bahay namin sa Sampaloc. Pero yung magdamag na yun umuulan talaga, as in, ulan to the highest level, pero hindi pa ito yung infinity level ah.
Paunti unti ang patak ng mga tubig mula sa lumuluhang kalangitan ng gabing iyon, biglang hahagulgol, tapos biglang hihikbi, tapos hahagulgol muli. Ayos lang sana yung ganong klase ng pag-iyak nya, dahil kaya pa naming makarating ng Ocean Park sa likod ng Grandstand kinabukasan. Masaya naman kaming natulog, eksayted ang mga bata, sabi nung inaanak ko,"Ako hindi sasama!" pero deep-inside, "Punta na tayo ng Ocean Park." ang drama ni loko. Pinagkalat na nga rin pala nila yung date na yun, ilang buwan na ang nakakaraan. Ang totoo kasi, isa iyong PANGAKO. Nangako akong ilalabas ko sya sa kanyang kaarawan, at dahil ipinakita ko sa kanya yung mga larawang kuha namin sa Ocean Park ng minsa;y kaming napadpad ng aming mga paa sa tulong nga opisina ng akin ina, naenganyo naman siya. Ikinuwento nya iyon sa kanyang lola at tiyahin. Umuulan pa rin hanggang sa kami ay nagising. Pa-ambon ambon lang yun, pero hindi naman sukat akalain na ang mga susunod na eksena sa aming buhay ay magiging isang kasaysayang hindi malilimot ng aming pamilya.
Gumising kami ng maaga, yung bunso, alas sais pa lang ng umaga gising na at nagyayaya na itong umalis sabi ng aking ama't ina. Isa isa na rin kaming bumangon sa pagkakabaon sa aming hinigaan. Lumalakas ang luha ng kalangitan, sabi ni ama ay huwag na kaming tumuloy noong umaga, hapon na alng raw, baka sakaling tumila ang ulan. Ngunit mali kaming lahat, tuluyang humagulgol ang kalangitan at bigla nitong winasiwas ang naipong mga luhang nangingilid sa kanyang mata at sa kanyang pagpikit halos buong Kalakhang Maynila at karatig lalagiwan ay kanyang binura sa mapa ng Pilipinas (buti na lang hindi, kung hindi damay na ako doon at wala ka ng mababasang ganitong BLAGAG). Unti unting tumataas ang tubig sa paligid ng amin tahanan, maligaya pa kaming nakahiga sa kutson at nagpaplanong matulog ng tanghali, siesta ba'ga. Alas dose ng tanghali, panatag kaming maayos pa ang tubig sa labas ng aming bahay, kadalasan kasi'y hanggang gutter lamang ang tubig. Hindi na kami natulog, dahil nangangamba kaming baka pumasok ang tubig baha sa aming tahanan. Pinasok na yung bahay sa kanto namin, yung bahay na sumunod, dahil ang mga ito at kalebel lamang ng kalsada, may taas man ito ngunit kaunti. Unti unti nang tumataas, ang unang hakbang mula kalsada patungong bahay namin at inabot na rin. Nagsimula na kaming nagakyat ng gamit, buti na lang at umuwi ng Cavite ang aking pinsan at kami ay may matutuluyan ng aming mga gamit. Meron din naman kaming lamesa, hagdanan, upuan na maaaring pagpatungan, ngunit hindi ito sapat. Nangangamba sila na wala kaming matulugan ng gabing iyon.
Ako mismo, aking inabangan kung paano kami aabutin ng tubig baha sa halos limang taong pananalagi sa Maynila matapos ang masaklap na pagpapaalis sa amin noon sa Caloocan taong 1999. May nakita pa ngang data sa may basurahan namin, pero hinala ni ina hindi ito galing sa amin. Nakakaawa yung daga, basang basa, ako naman, si kuha ng bidyo at litrato, well-documented ika nga nila. Pero sa mga oras na tumataas yung tubig, hindi man kayo naniwala, kumukuha pa rin ako ng larawan. Para akong batang nanabik sa itsura ng baha sa loob ng kanilang bahay. Matagal na akong nakakita ng baha sa loob ng bahay, siguro'y taong 1998 pa. Kung meron ngang bonggang bagyo yung dumating nun. Mababa kasi yung bahay namin dati. Eniwey, bak to bisnes. Sa aming kalye, kami ang pinakahulin gpinasok ang bahay. Sa kalsada, hanggang tuhod ko na, at lumabas ka pa papuntang beykeri, halos hanggang keps ko na, kung hindi ako titingkayad. Ang liit ko kaya!
Sa halos dalawang oras na paghihintay, mula alas dose hanggang alas dos ng hapon, ay nagsimula ng pumasok ang tubig baha sa aming bahay, hinarangan ni ama yung pintuan upang hindi agad ito pumasok ngunit wala, walang nagawa ang harang kundi ang pigilin lamang ang mga kahoy na papasok sa aming bahay, ang tubig, balewala ito sa kanya. Nakuha ko pang kuhanan ng bidyo kung paano ito pumasok, mula sa pag-aabang mula dalawang pulgada, hanggang sa naging isa at hanggang sa pumasok ito. nagsimula ring pumasok ang tubig mula sa aming palikuran at kusina. Sinasabi ko sa inyo, mahirap maglabas ng sama ng loob ng araw na iyon (tumae ba) dahil hindi ito lumulubog. *hahaha* At hayun nga, imbes na kami ang pupunta sa Ocean Park, siya ang pumunta sa amin, hindi nga lang isda ang laman, daga, ipis, plastic, basura ang dumalaw. Ginawa na lang palusot ang "Bumaha, yung mga isda sa Ocean Park, umalis, sumama sa baha papuntang dagat." ang pang-uto namin sa mga pamangkin ko. Sumang-ayon naman ang celebrant na sa bertdey na lang ng bunso pupunta doon, kasabay ng rin ng bertdey ko sa ika-12 ng Disyembre.
Pinasok ang bahay namin ng halos dalawa hanggang tatlong pulgada. Buti na lang at maagap si ina at natunugan nyang dapat na kaming mag-akayat ng gamit alas dose pa lang. Nawalan pa ng kuryente, lobat ang mga mobayl poyns, pati linya ng telepono na dumadaan sa ilalim ng karagatan ang linya, wasak din. Malakas ang hangin, malakas ang ulan.
Ubos ang aking suplay ng nudels, kahit cup man ito o yung niluluto, bumenta kasi wala na kaming makain. Although meron naman, kaso hirap na e, walang kuryente. Basta basta.
Naglimas din kami ng tubig baha mga bandang alas-otso ng gabi. Alam mo yung pakiramdam na naiihi kang natatae sa lamig? Ganoon ang pakiramdam ko nung baha. Grabe yun, tapos yung tipong hindi ka tatawagan ng chorvang hinihintay mo yun tawag kung ok ka lan g ba, kasi siya ok naman, o ok ka ba dyan, pareho lang tayong binaha. Ahaha, O well, tapos na e. Basta ang lamig lamig nun. Nakuha ko pang maligo ng gabing iyon. Dahil sa sobrang lagkit ng pakiramdam ko.
Nalimas naman yung tubig baha sa bahay, ngunit ng maubos ang tubig, wala pa ring pag-asang bumaba yung tubig sa bahay ng bahay namin. Imagine, almost 1 1/2 feet sa kalsada pa yung drama hindi pa rin bumababa. Dahil sa walang kuryente, wala rin kaming balita. Ahaha.
Game! Kinabukasan, medyo humupa ng kaunti, medyo nawala yung tubig sa harap ng bahay namin, nagpanic buying ang mga people around the metro, dahil grabe yung pili sa grocery at sa palengke, define WALANG TINDA, at sa Andok's DEFINE PIIIIIIIIIIIIIILA.
Marami sa ating mga kababayang ang na-Ondoy, at isa ako sa kanila. Mapalad pa ako sa lagay na ito na kahit papaano e hanggang dun lang yung tubig sa bahay namin, walang burak, walang putik ngunit may mantika. Nakakapanlumo ang delubyong aking maituturing sa nangyari sa aking mga kababayan. Hindi ko lubos maisip na ganoon na pala soooooooooooooooooooooooooooooobrang kasama ang tao sa kalikasan. It's Pay Back Time ika nga nila. Panahon na upang mapagtanto ng bawat tao sa mundong ibabaw ang mga pagkakamaling kanilang nagawa sa ating kalikasan. Hindi ko nilalahat, walang akong maling nais iparating.
Pansinin mo na lang, noong una, YELO ang tumupok sa mundo, sumunod ang APOY at ngayon heto TUBIG, lahat elemento ng kalikasan. Ano ang susunod? Ano ang kahihinatnan ng bawat TAO? Saan tayo tutungo upang maging maayos tayo?
Habang sinusulat ko ito, marami pa ring mga lugar sa Kalakhang Maynila at karatig lalawigan ang lubog sa putik at tubig, mga kababayang nanghihingi ng tulong, mga kababayang nanghihingi ng kaunting pag-amo, kaunting biyaya lamang ang kanilang hiling upang maitawid ang sa gutom at pagod ang bawat miyembro ng kanilang pamilya.
Ako mismo, nakatulong sa simpleng pagbibigay ng apat na biskuwit sa nagbabahay bahay (walang wala kasi ako nun e) at ang simpleng pagrerepack ng mga relief goods sa aming opisina.
Sa mga babasa, salamat sa pagbasa, kung meron man akong nasagasaang paniniwala. Ngunit ito ang aking saloobin.