Dahil ako ay hupak na hupak sa mga libro, inabangan ko syempre ang Manila International Bookfair at kumuha pa ako ng libreng ticket for two. Ahaha.
Naging masaya nama yung araw ko sa bookfair, may mga nakilala, may nagastos na, uhm, medyo malaki. Kasi mahal rin, pero ang dami kong na-miss na books to buy, wala na kasi akong pera.
Kasama ko nga pala si Chin nung araw na yun. Kasi hindi ako sinamahan ng tatay ko.
Yung schedule ng bookfair e Sept. 16 - 20, 2009, di ba ang tagal na? October na yung blog post ko. Ahaha. Nakarating ako dun ng Sept. 19. Syempre ang lola nyo may katext na isang Writer, itatago na lang natin sya sa pangalang JJ este, Klitorika. Syempre kasama ni Dyosa si Kuya Joy este Josh pala, ay Joy nga ata, ah basta, Joshua kasi, kaya Kuya Josh na lang.
Bongga ng outfit ko nung bookfair, naka-gladiator sandals at nakadress. Di ba di ba? Tapos lalakarin mo yung buong Exhibit Halls ng SMX Convention Center para maglibot libot para sa mga libro. Taray!
Dumating ako ng EDSA LRT Station ng mga mag-a-ala una ng hapon, bongga! Pero dumating si Chin mga 3PM na, trapik kasi tsaka nag-church pa siya. Pero before sya dumating, naglibot libot muna ako, sa Chowking, pa-load-an, McDo tapos nag-decide na akong pumunta sa MOA. Noong time na dumating ako ng MOA, ang meeting place is yung sa GITNA ng MALL, sa may Bread Talk, pero since wala pa nga sya, lumibot muna ako sa loob ng mall, syempre, san pa ba ako pupunta, e malayo layo sa gitna yung Powerbook kaya syempre National Bookstore na lang. So sige, ikot ikot ikot. Naghahanap ako ng book ng Up: Junior Novelation, pero wala. Nakailang ikot rin ako nun, tapos pag labas ko, dun sa may mga Green Bag, may nakalagay, "Free As 1 Ticket", "Ay takte!" Yan ang nasabi ko, dahil konsiyerto rin pala nina Gary V. at Martin N. na As 1. Golay, kaya pala ang daming tao. Oh well. Sige, so magkita na nga kami ni Chin and everything. Umikot pa kami, nun, may alam akong daan pero sa loob kami ng mall dumaan. Haha. Basta ayun nakarating kami. So buong apat na halls ay sakop ng MIBF.
Dala dala ang dalawang printed na ticket na magiging susi upang kami ay makapasok sa naturang halls, pero hindi namin sigurado kung uubra nga yon, kasi sa parang reception ekek, may mga tickets etc, do nagtanong kami sa guard kung ok na yun, o k naman daw. Woot, so lamig. Ahaha. Nawala yung inis ko ng araw na yun, pero hindi totally, haha. Na-amazed kasi ako, ang galing, pers taym ko sa ganitong event. Ang dami dami daming tao. So ayun, naglibot libot kami ni Chin, ang dami dami daming aklat, nagkalat, yung iba may discount, yung iba super bagsak presyo, yung iba regular price. Ehehe.
To cut this story short, ito ang suuuuuuuuuuuuuper na nan gyari:
Dala dala ang dalawang printed na ticket na magiging susi upang kami ay makapasok sa naturang halls, pero hindi namin sigurado kung uubra nga yon, kasi sa parang reception ekek, may mga tickets etc, do nagtanong kami sa guard kung ok na yun, o k naman daw. Woot, so lamig. Ahaha. Nawala yung inis ko ng araw na yun, pero hindi totally, haha. Na-amazed kasi ako, ang galing, pers taym ko sa ganitong event. Ang dami dami daming tao. So ayun, naglibot libot kami ni Chin, ang dami dami daming aklat, nagkalat, yung iba may discount, yung iba super bagsak presyo, yung iba regular price. Ehehe.
To cut this story short, ito ang suuuuuuuuuuuuuper na nan gyari:
- ang dami kong nakitang books,
- nanood ako ng palabas,Madagascar ata yun (tama ba Chin?),
- nabili ko ng coloring books yung mga pamangkin ko,
- nakabili ako ng books na may discount (Panti Collections and Explosions, GRO, Kwentong Lasing: lahat published ng PSICOM),
- wala si Jay Panti, dapat magkikita kami nun e, *sorry Jay ah, maliit lang yun, ahaha. Alam na. Ahaha, Peace.*
- yung walang discount pero may free (Ligo na U, Lapit na ME ni Eros Atalia na may freeing POSTER ng Zsazsa Zaturnah, kulang kasi pera ko to buy the black and white books of Bob Ong, kasi nga nasa hiraman pa sila),
- nakita ko sina RJ Ledesma na may bagong book na I Do I Die, na hindi ko nabili, amf! Kulang pera ko e, pero nakapagpicture naman ako,
- nakita ko si Eros Atalia, binili ko yung book nya, tapos nagpakilala akong ako si Ineng Buang na nagmessage sa FB account nya,
- napapirmahan ko kay Carlo Vergara yung poster ng ZsaZsa (ahihi), sinabi ko rin na sa wakas e nabili ko na rin yung book nya after how many years,
- nakita ko si KLITORIKA, napapirmahan yung dalawang libro nya and Memoirs at Tales,
- na-meet ko rin ang jowa ni Dyosa, si Kuya Josh (ahihi)
Share lang kami ni Chin sa dinner, kasi imagine, pareho kaming hindi nakapagtanghalian. Ahaha, umuulan pa nung araw na yun, sale sa MOA, concert nina Gary at Martin, ang daming tao, ang haba ng pila sa ATMs, hindi malaman kung saan kami kakain, buti na lang may tira pa dun sa catering chorva sa loob ng SMX. Ahaha. That day was WONDERFUL. Ang saya saya kahit may mga chorvang ewan na nangyari nung araw na yun. Hahaha. I had a GREAT FIRST MIBF. Sa uulitin, sana mabili ko yung ibang books na nagustuhan ko. Ehehe.
;)
Hanggang sa susunod na pagbasa.
;)
Hanggang sa susunod na pagbasa.
1 comment:
Hello, Ineng. Ah, sa MIBF ka pala nakabili ng Kuwentong Lasing. Nagpunta rin ako dyan kaso nung last day na ng bookfair. Dalawang book lang nabili ko 'yung bagong libro ni Eros Atalia at isang poetry book ni Rio Alma.
Isa ka talagang book lover.
Thanks!
Post a Comment