Wednesday, October 07, 2009

Cesca Litton, I owe YOU!

Binibining Cesca Litton,


Magandang araw!

Nais ko lamang magpasalamat sa iyo dahil naging klik ang blog site ko, halos lahat ng feeds ko, dun sa post ko na ikaw ang paksa napunta.Dalawampu't pitong bahagdan ng pagbisita sa aking blogsite ay sa iyo lamang. Ang galing!

At kung igu-Google mo ang "Cesca Litton u92" akalain mo yun magadang binibini na blogsite ko ang ikalawa, syempre yung U92 talaga yung meron, yung sa TopBlogs.

Nagpapasalamat ako sa mga gumu-Google sa iyo at sa site ko nagpupunta, tumataas yung rank ko. Maraming, maraming salamat talaga.

Maraming maraming salamat talaga ulit!

Sa uulitin po Binibining Cesca.

More power!


Nagmamahal,

InengBuang

No comments: