Wednesday, October 07, 2009

Napagalitan ako *woot*

My golay.

Nung minsan akong pinagawa ng CV, nakalimutan kong palitan yung litrato nung mama, tapos kailangan syang i-update, ang kaso mo, maling litrato nga di ba? So pinalitan ko sya dun sa edited, ang tokwa naman, e nabanggit nga pala ng boss namin na ika-cut and paste nya raw, pero ang dinig ko nun copy-paste, pero syempre kasalanan ko naman. Ahaha.

Nung araw na ginagawa ko yung CV nung mama e minamadali na ako ng aking nanay kasi mga UWIAN na at maggi-gym pa kami (oo, naggi-gym kami, karamay ako ng nanay ko dahil kailangan nyang magbawas ng timbang gawa nga ng overweight sya noong huli nyang tsek-ap). So ang lowla nyo e nakalimutang magscan ng picture. Tapos kahapon nga nung ineedit ko na yung CV tska ko lang talaga napansin yung larawan na ibang tao pala. Ahaha. Kasi naman, walang blank template. Ahaha. Well, wala na, nangyari na, bumalik daw kasi sa boss ko yung chorva ng SG.

Sorry po Ma'am hindi na mauulit.


Lesson learned: Gumawa ng BLANK TEMPLATE ng CV at siguraduhing nakapagSCAN ng picture bago gawin yung CV.

Buhay nga naman oo!

No comments: