Monday, October 05, 2009

Sa aking ika-twenteenth birthday

Talagang pinipilit na maging TEEN pa rin e no?

Well, two years ago nagusulat ako ng wishes ko para sa ika eytint bertdey ko. At ito yun: Eytin Wises

So may mga natupad, meron ding hindi, at ito yung mga HINDI natupad:


  1. Lukayo DVD

  2. DVD ni Howie Severino

  3. Si Vhong Navarro

  4. Si Maja Salvador

  5. Tulips - ito lang kasi yung wala sa Dangwa nung araw ng celeb ko e

  6. Pictures nina Ekaterina Gamovo, Leila Barros, Willie Miller at Jopay Paguia at nina Dirk Nowitzki, Manu Ginobilli at Oprah

  7. Isang gabi sa Manila Hotel

  8. Ang trip to Cebu, Davao, Aklan, Palawan, Zamboanga, Bataan, Batangas, Baguio, Laguna at Bicol, natapos ko na kasi yung Bohol, nastraded pa nga kami

  9. Ang tour sa Orchidarium, Museo Pambata, simbahan sa Kampanerang Kuba, tsaka idadagdag ko dito yung church sa Iloilo

  10. BLACK BOOK ni Bob Ong



So ayan, sampu yung hindi matupad, magdadagdag ako ng sampu pa ngayon para sa tuwentiyet bertdey ko siksti eyt deys pram naw.



  1. Ang makita at makausap ng personal si Jay Panti.

  2. Ma-meet ang hosts ng I-Witness at Kalye at makita ulit ang RATs.

  3. Ang makapanood ng indie films sa CCP sa Cinemalaya.

  4. Ang makakain sa PenPen Restaurant.

  5. Sana dumating na yung bagong BABY ko, si *wala pang name ee*.

  6. Ang makapanood ng kahit anong concert o laro sa loob ng Araneta Coliseum.

  7. Makakuha ng kopya ng mga sumusunod na aklat: G-Force, I Love You, Beth Cooper, Time Traveler's Wife, Up; Junior Novelation, My Sister's Keeper, Purpose Driven Life (Tagalog), Trip to Quiapo. Marami pa yan actually.

  8. Isang napakagandang DATE.

  9. Magkaroon ng isang magandang trabaho, yung bonggang bongga.

  10. Makapagsulat ng sarili kong LIBRO, kahit compilation lang ng blogs ko, pero hindi ako yung gagawa, may gagawa para sa akin.



Well, well, well...

Ayan yung wish ko sa twentieth birthday ko sixty eight days from now.

Sana may matupad. ;)

Salamat sa pagbasa.


FB Post - Yesterday

No comments: