Tuesday, March 03, 2009

Horrible Midterm Exams

Date: 26-Feb to 4-March

Source

Game. This is it.

Midterm Week namin, or should I say MISterm Week. Pero hindi naman totally MIS.

Ganito kasi, dapat simula pa lang ng Feb. 26 may exam na kami, due to the celebration of EDSA People Power, classes in all levels had been off for that day. So, wala kaming class, dapat pa naman may recitation kami and reports and everything. And then here comes the 26th:

February 26 - BEHASCI - supposed schedule

*Ding*

*Ding*

*Ding*

Imadyinaring tunog sa utak ko ng umaga, hindi ako nakapag-aral ng maayos, kasi tinamaan ako ng katam - katamaran nung umuwi kami ng Bulacan tapos, dahil na rin sa postpone nga yung exam ng 26 e di nag-recitation na lang, at dahil gawa na yung exam nun, e yun din yung sa recitation. "Exam will be moved next meeting." Yes! This means may maaaral talaga dapat ako. Pero, yun nga wala talagang nangyari. pero sige, STOCK KNOWLEDGE, and I BELIEVE in that, kaya minsan, dahil din dyan sa istak istak na yan e nagdadalawang isip akong sumagot at huwag isulat ang sagot dahil nga hindi ako sigurado at nag-e-end-up yun sa dapat na tama, nasayang. O well, game, balik na tayo sa exam. Madali lang naman yung exam sa BEHASCI, kasi nga tatlong reports lang yun, una FILL IN THE BLANKS, yung tipong, "In human development BLANK and BLANK play a role in shaping an individual starting at the time of BLANK." Ganyan yung unang part, tapos MATCHING TYPE, tapos, MULTIPLE CHOICE, hanggang dito madali para sa akin, kasi alam ko naman mga isasagot ko tapos idagdag mo pa yung sa recitation. Prepared naman ako para dun sa huling bahagi ng pagsusulit, ENUMERATION. Madali lang sana, kaso, may description. *Ahaha* hirap pa naman kabisaduhin at magtanda ng kiword. Oh well, 3 parts kasi yun, yung last two confident naman ako, pero yung una, HINDI. *Ahaha* Yan ang horrible para sa BEHASCI ko.

E-COMMERCE

Walang midterm dito, pero treated as MIDTERM yung Long Quiz 2 namin. Ok naman yung score ko, may fifteen questions, ang required sagutin ay ten. 10 points each number. Score over a hundred is a plus, bonus ba, may panglalagay ka na sa kulang mong grades. Over 100 naman yung score ko, pero hindi ako satisfied. Mababa pa rin kasi yun para sa akin, kunwari lang akong OK LANG. *Ahaha*

SOFTDEV

Kanina yung pagsusulit namin dito sa SOFTDEV. Ok lang, alam ko naman yung mga isasagot ko. Ok lang din kasi sya magpaeksam, ewan ko ba kung bakit, tanga lang ba ako o ano. *Ahaha* Mahirap na madali yung eksam. Mahirap kasi, parang pinaghalu-halong subjects sya, madali kasi parang ok lang naman yung eksam e. So ayun na nga, HINDI PA RIN AKO CONFIDENT SA MGA SAGOT KO. Hindi ko alam kung tama yung mga yun.

Test I: 10pts - identification

Test II: 10 pts - True or False

Test III: 50pts - Case Study

Una, confident ako sa first two parts, pero yung case study, hindi ko alam ewan ko kung tama yung sagot ko. *Ahaha*

Horrible kasi hindi ako CONFIDENT sa mga pinagsasasagot ko.

PERO HINDI AKO SUSUKO, MAY FINALS PA NAMAN E.

GOGOGO KRISTIN!

TAE KA!

No comments: