Sige na. Late post kahit walang experience ng VDAY.
Game!
Flash back:
February 13, 2009
Nasa huling lamay kami ng ninang nina mama sa kasal (may post na I See You, kaso hindi ko pa tapos). 2330H nung umalis kami ron, kasi akala ni mama, 2200H pa lang. 0000H dumating kami dito sa bahay, ooppss, VDAY na. Ok.
February 14, 2009
Libing nung ninang nina mama sa kasal. So, punta kami, first time kong makasakay ng taxi na may resibo (pero hindi kami binigyan ni manong, taeng yan) at Avanza (may mga ibang taxi na kasi ngayon na hindi lang simpleng kotse na tatlo sa likod tas dalawa sa harap, lumilebel sila, sampuan na). Nagtaxi kami ni mama accidentally lang naman, unang way dapat e, to Quaipo, baba ng Recto, sakay ng Divisoria, baba ng Avenida, sakay ng LRT bound to Monumento at bumaba sa R. Papa, kaso si Manong papansin, ayun, dumaan sa harap namin ni mama, at pinara naman. Ok, sarap maupo, eeerrrkkkooonnn lllaaammmiiiggg. Ok, pa-R.Papa na, baba kami sa chapel. Tapos wala pa yung patay, kumain muna kami ni mama ng peyborit naming palabok ni Aling Naty, kaso hindi na ganon kasarap. (:D) Pagkatapos kumain, balik na kaming simbahan. Wala pa rin. Umalis muna si mama, may pupuntahan lang daw. FYI, doon sa lugar na iyon ako lumaki. Ok, dumating yung karo ng patay pero wala pa rin si mama. Since kamag-anak naman namin sila sa harp ako umupo, kasi yung manugang nung namatay e tito ko, first cousin ng tatay ko. Okay. Enap sa church. Lakad na kami papuntang sementeryo, malapit lang, isang kanto lang from LRT R. Papa station, pero yung mismong lilibingan e medyo may kalayuan, malapit na kasi sa border ng La Loma at North Cemetery. Malas din ako, naputol yung tsinelas ko. Ok, sige, balik kami sa bahay nina Tita, para maghanap ng tsinelas at kumain na rin. After nun, umalis na rin kami, kasi uuwi pa kami ng Bulacan kasi celebration ng birthday ng Tita ko.
LRT1 ang sinakyan namin ni mama mula R. Papa hanggang D. Jose. Pag baba ng tren, sa Jollibee kami pumunta para magpalit ng damit, pagkatapos nun, sakay na kami ng bus na erkon. Tatlong ordinary buses yung nakaalis bago nakaalis yung erkon. Ok lang, sarap matulog. At ang masaya don e, nagising naman ako nung bababa na kami.
Pag baba, nag-tricycle kami papuntang bahay ng lola ko, ok, nakakaantok sa tricycle. Pag dating namin dun, walang kotse, meaning wala pa si Kuya Jo, pinsan ko, pero wala na rin sina Nanay Dig, malamang nagsu-swimming na sila. May malapit kasing resort sa amin. Isang kanto lang at pababang daan ay naroon ka na. Nung pumunta kami, ayun, andun na nga sila, dalawa lang cottage ang may laman, yung kina Nanay at yung sa isa pa. Dalawang pool lang yung andun, isang hanggang 5 feet at isang hanggang 7 feet. Syempre, hindi ako nag-swimming. Bukod sa hindi ako marunong lumangoy, oo inaamin ko yun, e wala naman akong damit. Ang totoo ay nakikain lang talaga kasi ako.
At yun, ganyan ang VDAY ko. Walang kwenta para sa isang may boyfriend. Pero may kwenta dahil masarap kumain. :D
Ang totoo, naiinggit ako sa mga nakikita ko nung VDAY na magkakasama sila, bf/gf, families (kami lang din kasi ni mama magkasama, tatay ko nasa ibang patay din, yung tito nya), yung mga nababasa, pero talagang wala e, walang wala.
Sana wala na lang VDAYs, Anniversarries, at kahit anong okasyon.
Salamat sa pagbasa.
Posted in Multiply Feb. 17, 2009
No comments:
Post a Comment