Tama bang sa akin mo pa ikinuwento ang lahat?
Mula sa nightmare hanggang sa heaven.
Tama bang sa akin?
Hindi mo ba alam na lalo mo akong nasasakatan sa ginagawa mo?
Anyway, kasalanan ko naman. :))
Ang sakit kaya, pero sige, ayos lang.
Magiging masaya ako, kasi masaya ka.
Fine.
Hanggang dun na lang yun.
Hanggang panaginip na lang ang lahat.
Hanggang sa pangarap na lang ang lahat.
Hanggang sa ibaba na lang ng bundok ang lahat, hindi na ito maaaring umakyat pa.
Dahil wala nang pag-asa, gumuho na ang kabilang bahagi ng bundok.
Kalahati na lang ang buo, kalahati bagsak na.
Ano pang gagawin ko?
Ayoko namang umasa dahil alam kong ala.
Buhay nga naman.
Palagi ka na lang 'anper'.
Hay.
Ako ba talaga dapat ang pag sabihan?
Hay.
Tuwang tuwa ka pa dahil sa,
Pers. Pers. Pers taym mo.
Taenang to.
Tinanong ko sa sarili ko kung magpapauntog ba akong muli? (Sa blog ko sa Friendster)
Hayun, hindi lang untog sa'yo.
Laglag na.
Bagok pa.
Internal Hemmorhage ang inabot ko dito.
Punyeta naman.
Bakit naman kasi ganito?
Ayoko na.
Sabi nga ni Pusa,
"We should move on."
Anyway.
Kaya ko na ba?
Sabi ulit ni Pusa,
"Oo naman."
Sana nga.
:(
No comments:
Post a Comment