Tuesday, March 03, 2009

May Kulang Ba?

Oras ng sinimulan: 1651 hours
Petsa: Ika-21 ng Abril, taong kasalukuyan (2007)

Ako lang mag-isa dito ngayon sa bahay.
Wala sina ina at ama.
Si ina, may seminar, si ama, umuwi sa isa pang naming bahay upang dalhin ang mga kailangang gamit mamayang gabi.
Wala tuloy akong kasama.
Sanay na ako.
(Dapat lang masanay na ako, ikatlong taon ko na sa kolehiyo sa susunod na pasukan, dapat matuto na ako.)
Ano naman sa'yo kung ako lang mag-isa dito sa bahay namin? Ala naman 'di ba? Hindi ka naman makakapunta at masasamahan ako, at pag nabasa mo ito, panigurado, may kasama na ako. :D
Heto ako ngayon, sa harap ng kompyuter ko, kausap ang kibord ko, ngunit ayaw niya akong pansinin ni ayaw akong sagutin, kesyo wala daw siyang pakialam sa akin. Hay buhay nga naman.
Kristin: Ngayon, maari bang ikaw na lang? Sige na, sandali lang naman ito. Handa mo ba akong pakinggan?
Tao: Sige, pero sandali lang talaga ha!
Kristin: Oo, pangako, sandali lang ito.
Tao: Sige, ano ba iyon?
Kristin: Ganito kasi...
Taong Mil-Nuebe-Sientos Otsentay Nuebe, buwan ng Disyembre, nasa ikalabing dalawang araw iyon, bandang hapon, 1400 (hours), nang lumabas ako sa sinapupunan ni ina. Si Julius Caesar ay kalahi ko dahil "Caesarian" si ina nang ilabas ako, biniyak iyon at saka ako kinuha sa loob.
Hindi ko alam kung anong buwan ako ginawa, ngunit ang alam ko, dahil iyon sa pagmamahalan nina ina at ama. Taong Mil-Nuebe-Sientos Otsenta nang sila ay ikinasal sa Simbahan ng Malate sa Ermita, nakakatuwa, dahil nagtagpo anong dalawang pusong (may kasamang isip) nagmamahalan. Maganda ang naging resulta (sa aking pananaw), naging masaya naman yata sila noon.
Dapat kami'y tatlo, ako dapat nag bunso, ngunit hindi pinalad ang aking magulang na biyayaan kaagad ng supling nang sila'y magpakasal. Hindi kumakapit ang bata sa sinapupunan ni ina ('yan ang alam kong kwento), dalang beses nangyari iyon kay ina, malungkot, sana may kapatid ako ngayon.
Subalit, pagkaraan ng sampung taong paghihintay, at pagnanais nila na magkaroon ng supling, hindi pumasok si ina sa tanggapan ng limang buwan, nagtiyaga siyang alagaan ako sa kanyang sinapupunan upang ako'y mabuo. Sa pagkakaloob din ng Maykapal, nabuo ako, laking pasasalamat siguro ng aking mga magulang ng araw na iyon.
Trivia: Nang ako'y ipanganak ni ina sa Galang Medical Center sa Kalye ng Batangas, Sta. Cruz, Maynila, ni hindi ako tinignan ni ama ng talong araw (sabi nila), dahil hindi ako pantay, hindi pantay ang pisikal kong pangangatawan, malaki ang ulo ko, pahaba ang hugis ng aking mukha, maiksi ang isang binti ko, ganyun din ang kanang paa ko, mas malaki ang kanang bahagi ng aking puwet kumpara sa normal na puwet ng tao, ang mga ito ay sa kadahilanang ako'y nakaunan sa isang "myoma".
Ngayon, ika-21 ng Abril, 2007.
Labing pitong taon, apat na buwan, siyam na araw, at tatlong oras ang edad ko.
Sa aking pag laki, hindi ako hinyaan ng aking magulang na mapariwara, minahal nila ako sa parrang kanilang alam. Binihisan, pinakain, pinag-aral.
Ngunit ang mga ito ay hindi ko alam kung akin bang nasusuklian.
Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman,.
Ayokong ako'y nauutusan (gawaing bahay ba) ngunit alam kong dapat kong gawin ang mga iyon, responsibilidad ko iyon bilang kanilang supling.
Hay.
Hindi ko alam kung anong mayroon sa pagkatao ko, bakit ako ganito.
Kulang ba ako sa atensyon ng mga taong nasa paligid ko? (Palagay ko hindim pero parang oo)
Tama ba ang pag papalaki sa akin ng aking mahal na magulang? (Sagot: OO! OO! OO!)

Mahal ba nila ako? Sagot: OO! OO! OO! OO!

Ngunit bakit ganito ang nararamdaman ko?

Lahat ng ikakabuti ko, ginagawa ko naman (sa tingin ko; yan ang mali!! sa tingin ko iyon, e sa tingin ng iba?)

Natatandaan ko nung minsan nagkaroon kami ng isang journal writing sa aming klase ng ENGCOM2 (English Communication 2: ikalawang term na kasi), nakapagsulat ako ng nararamdaman ko, at sabi ng aking propesor: "Morbid raw iyon."

Mahal ko ang aking mga magulang, hindi ko lang alam kung nararamdaman nila iyon. (Sana..)
Mahal ko si MAMA, si DADDY. Kahit hindi ko sila sinusunod.
Nasasaktan ako kapg nag-aaway sila, ako ang labis na naaapektuhan ng lahat (simula pagkabata ko, ganoong environment ang nakita ko: Away dito away doon). Ngunit ayos lang ito sa akin,dahil bahagi ng buhay ng tao ang hindi pagkakaunawaan.

Nais ni ina (ganoon din kaya si ama?) na ako'y pumasok na lamang sa kumbento, katwiran niya, alam na niya kung saan ako lulugar at magiging payapa siya dahil alam niya kung ano ang kinahinatnan ko.

Hindi ko alam kung bakit, paano, ilan, kailan, saan, ano ang purpose ko sa mundong ito. Ang alam ko, nabubuhay ako sa isang taon na puno ng pagmamahal at kaligayahan.

Minsan nabigo ko ang magulang ko nang ako'y bumagsak, akala ko magagalit sila, ngunit mali ako, datapwa't ako'y naintindihan nila

Mahal ko sila.
Mahal na mahal.

Kristin: Hindi ko na kayang tapusina ng laht.
Tao: Ayos lang.
Kristin: Pwedeng humingi ng pabor?
Tao: O sige, ano yun?
Kristin: Kapag nakita mo ang magulang ko, pakisabi sa kanilang "MAHAL NA MAHAL KO SILA, AT AKO'Y NAGPAPASALAMAT SA LAHAT NGA KANILANG GINAWA PARA SA AKIN. ISANG MALAKING UTANG NA LOOB ANG AKING NATANGGAP MULA SA KANILA, PINALAKI NILA AKO NG TAM AT LAHAT LAHAT. SORRY DIN SA LAHAT NG KASALANANG NAGAWA KO. I LOVE THEM, SORRY AND THANK YOU."
Tao: Makakaasa ka.
Kristin: Salamat ng marami ha!
Tao: Nagpapaalam ka na ba?
Kristin: Oo, baka kasi hindi ko na masabi sa kanila ng lahat ng iyon. HIndi ko naman alam kung kailan niya ako kukunin pabalik sa kanya., Kaya pakiusap, sabihi mo iyon sa kanila.

Sa mga  bumasa:

Salamat sa panahong iginugol ninyo sa isang sulatin na hindi ko alam kung tama ninyong basahin, ngunit ako'y nagpapasalamat sa inyong panahon.
Mabuhay kayo!

Oras na natapos: 1742 hours

 

Posted in Multiply - June 29, 2007

No comments: