Tuesday, March 03, 2009

Pagod na ako.

Ano ba itong nararamdaman ko, hindi ko kasi maintindihan.

Napapagod ako nang hindi ko nalalaman kung anong dahilan.

Pagod ba ako sa mga ginagawa (teka, ano bang mga ginagawa ko?!?!?) ?

Pagod na ata akong mag-aral. Talaga bang dumarating ang ganitong bahagi sa buhay ng isang tao?

Hindi ko alam kung presyur ba ito o kung anong nakakapagpabagabag lamang ng kalooban.

Hay.

Dahilan ba ang pagsali ko sa isnag samahan upang maging ganioto ang pakiramdam ko.

Nahihirapan na ako e.

Kailangan kong mag-aral ngunit hindi ako makapagpokus, maraming mga magugulong bagay ang umiikot sa ulo ko.

Ano ba?!?!?!

Sa tingin ko tuloy, yong inatenan ko sa Baguio kamakailan ay naging sanhi pa upang ako'y madurog ng ganito, hindi ata ako namolde ng maayos, nagkaroon ng krak na pinasukan ng hangin, madaming madaming hangin kung saan nang ito'y napuno, bumigay ito, unti-unti akong bumabagsak, papira-piraso sa daan, nawawalan ng malay, naghihirap.

Ayoko sana ng ganitong pakiramdam dahil alam kong hindi lang ako ang maaapektuhan, pati sila (ang magulang ko, buong pamilya ko). Hindi ko na ata kaya pang pagsabay-sabayin ang lahat, hindi na ata ako yung Kristin na multitasking (sa tingin ko).

Paano ba?!?!

Sino kayang makakatulong sa akin?

Alam ko, SIYA lang naman ang matatakbuhan ko, ngunit hindi ko rin alam kung paano ko sisimulan sa sarili ko.

Paano ko matutulungan ang sarili ko sa sarili kong pamamraan.

Hay.

Nawa'y ang isang ito'y makatulong sa akin na lumuwag ang nararamdaman ko.

Salamat sa pagbabasa. Kung hindi kita naistorbo.

Mabuhay ka!!!

Posted in Multiply - July 3, 2007

No comments: