Monday, March 02, 2009
Si Pepe at Ako
Jose kang isinilang
Pepe ng ika’y bata
Laong Laan sa pahayagan
Dimasalang sa mga mason
Sumulat ng sangkatutak na tula
Inialay sa mga kababata
Isinulat sa espanyol
Isinalin sa tagalog
Nanalo ka sa patimpalak
Nang ibinuhos mong iyong galak
Nasaktan sa mga guwardya
Tumayo’t nakipaglaban
Matayog ang iyong nilipad
Ngunit ang iyong saranggola’y
Bumagsak ng walang sigwa
Napunit, nalagas, hindi nakalaban
Sandata’y papel at panulat
Naisambulat ang pananaw
Inusig ka mang marahas
Namaalam ng may dangal
Maraming babae ang dumaan
Ngunit pinili yaong dilag
Josephine ang ngalan
Ina ng iyong anak
Kung nabubuhay ka man sa ngayon
Siguro’y hindi mo nanaisin
Ang iyong bansang ipinaglaban
Sa dusa’y sumasapit
Kabataa’y umaalis
Minsa’y hindi na bumalik
Nanahan sa tawid dagat
Nakalimutan yaring bayan
Kabataa’y hindi ka na kilala
Nakikita ka na lamang sa pera
Nakalulungkot mang isipin
Ngunit ika’y nilimot na
Ipinasa ang batas 1425
Upang ika’y maalala
Sa pag – aaral namin
Sana ika’y matuwa
Ang iyong mga dakok
Sana’y mapawi ng aming munting alay
Ang aralin ang iyong buhay
At ang walang sawang pag – alaala
Ang yaring taludtud na alay sa iyo
Nawa’y mabuhay ng yaring tulog na puso
Jose, Pepe, Laong Laan, Dimasalang
Taas noong isinasambulat, aking panghanga
******************************************************************************
Midterm Project ko sa Rizal's Life and Works (RIZLIFE).
On-the-spot yan kaninang tanghali since wala akong nagawa nung weekend.
Hindi ganoon kaganda tulad ng sa iba, pero ayos na kung sa mabilisang gawa.
Tulang para kay Jose raw e.
Pers dey ng klase yan ang sinabi, midterm project.
Ayan!!!
Basahin nyo na lang.
*Ahaha*
Siguradong matatawa ka sa mga pinaglalalagay ko.
Wala kasi akong ganang magsulat e.
*Ahaha*
Tsaka, wala akong hinuhugutan na isang bagay na cho-chorva sa mga sulat ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment