Tuesday, March 03, 2009

Siomai

Siomai???

Ano ba ito??? Ang alam ko may wrapper lang ito yung pang-molo.

Hindi ako kumakain nito noon, dahil ayoko, hindi ko gusto yung itsura, lasa, ang gara kaya nya.

Anyway, saan ba ako unang kumain nito???

Isip..

Isip..

Isip..

Aha! Natandaan ko na, sa kasal ng pinsan ko sa Fernwood Gardens, dyan sa QC. Isa sa kanilang menu ay siomai, ewan ko kung bakit, at hindi ko rin alam kung anong laman nung siomai na iyon ngunit ang sarap nito. Doon ako napakain ng siomai ng di oras.

Di kalaunan natuto na rin akong kumain ng ibang siomai, ngunit sa mga piling tindahan tulad nitong mga nasa baba:

Isa sa GUSTONG GUSTO kong lasa ng siomai.

Nakakatuwa, at naadik na ako ngayon dito.

Dati lumpia at pancit lang ang kinakain ko dito ngunit pati siomai patok na rin sa panlasa ko.

Hay buhay nga naman.

SIOMAI ko na paiikutin yung pagkain ko.

hahaha

Posted in Multiply - July 24, 2007

No comments: