Thursday, January 10, 2008

Due to PhilMan's Question

Ang buhay ay parang kandila. Ang natunaw na bahagi ay maaari pa ring tunawin upang bumuo ng panibago, kahit kaunti na lang ito. Sa buhay, kahit ilang beses kang madapa, may paraan upang ikaw ay bumangon at sabihing "KAYA KONG TUMAYO."


Nagtanong sa akin si Tine Macabuac kung ano daw yung para sa kanya dahil wala raw syang maisip. Bigla ko na lang nasabi na "KANDILA". Bakit daw? At iyan nga ang aking kasagutan. Bigla na lang ring nabuo sa isipan ko ang mga katagang iyan na kanya namang sinangayunan. Ngunit sabi nya, halatang hindi raw siya iyon, dahil malalim.

Salamat Tine, nabigyan mo ako ng isang malaking ngiti sa aking mga labi. Mabuhay ka!



Posted last November 12, 2007.

No comments: