Thursday, January 10, 2008

Psst. Kilala mo ito?

Sinulat ko noong ika-18 ng Nobyembre, 2007.


Masaya akong masaya ka na sa bagong dumating sa buhay mo.
Masaya rin akong nakausap kita kahit sandali.
Sayang at 'hindi' ang sagot ko nung ako'y kanyang tinanong,
dahil na rin siguro sa hindi talaga pormal ang lahat.
Pagkatapos ng ilang linggo'y bigla ka na lamang nagkaganoon.
Siguro nga'y ganoon lang ang buhay ko pag dating sa ganitong bagay.
Ngunit tandaan mo sana, kahit "HINDI" ang sagot ko sa kanya,
NAGING MALAKING PARTE KA PA RIN NG BUHAY KO KAHIT SA SANDALING PANAHON.
Hindi laro ang lahat ng nangyari noon. Sadyang kay kulay lamang talaga ng aking buhay.

Tae ka lang, MINAHAL KAYA KITA, ikaw tong nang-iwan dyan. Hahaha. Bitter.
Pero ayos lang 'yon.
Masaya naman ako para sa'yo eh.

Kaya nga, "MAHAL KO PERO HINDI AKO MAHAL" ang pinili ko nang minsa'y ako'y iyong tanungin. Dahil totoo 'yon.

No comments: