Thursday, January 10, 2008

Pagsusulit

Posted last July 12, 2007


Nakakaasar na nakakatuwa na nakakaiyak na hindi mo nama maintindihan.

Una, ang hirap mag-login.

Pangalawa, maliit na naman ang mata ko.

Pangatlo, wala akong pera.

Sa una:

Ready na akong magquiz ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon nagdown ang server para sa moodle na siya naming ginagamit upang ma-access ang mga aktibidad sa kursong WEBTECH.

Maayos sana kung nandito si Ms. O, ngunit mayroon namang sapat na dahilan kung bakit siya wala, nasa ospital ata yung anak niya, ay, hindi ko sure.

Sa pangalawa:

:D

Maliit ang mga mata ko ngayong araw dahil ako'y naiyak kagabi sa bigat ng mga dahilan na kailangan kong i-absorb. Weee.

Maliit na nga ang mga mata ko lumiit pa lalo.

Hindi mo nga naman napagtatanto ang mga damdamin ng mga tao sa paligid mo, hindi mo rin nga naman alam kung anong mga iniisp nila sa iyo, sa ibang tao at kahit sa kanilang sarili.

Sa ikatlo:

Wala akong pera, naubos sa mga P:

  1. Photocopy
  2. Pautang (sa isang linggo ang bayad)
  3. Pagkain

Hay ang buhay nga naman ng tao.

OO, walang perpektog tao ngunit mayroong tao hindi makikitid ang utak, sila ang masasabi kong matitinong tao kaysa perpekto.

No comments: