Thursday, November 20, 2008

Opisina

Now Playing: Toyang by Eraserheads



Nandito ako ngayon sa opisina, katatapos lang tumugtog ng Toyang at hindi ko marinig yung sumunod na tugtog.


Ako lang mag-isa ngayon sa departamento namin. Kumain ang dalawa kong kasama at yung isa naman ay naka-dispatch. Ako naman, heto, nagta-tag ng mga locks. Kagagaling ko lang sa stockroom, naghanap ako ng mga PC na itatag para sa Alltel.




Tumunog ang telepono, ng aking sagutin, makalipas ang tatlong segundo ay nawala naman bigla.


Sa mga oras na ito, marahil tapos na ang BrewRATs, ang radio show na naging malapit sa puso ko. Matagal na rin akong walang balita sa naturang programa. Nakinig ako nung Lunes, wala si Tado, si Angel na may sakit ng araw na iyon at si Ramon lang. Nakakamiss walang makulit.



Hindi ko na tapos ang blog na ito kahapon, ngayon, 6:20 na ng umaga, 11/21. Hindi ko natapos kasi hindi ko natapos.



Oh well, game na.



Kahapon, apat lang kami nung ginagawa ko itong blogag na ito, ngayon, lima na kami, plus isang NetAdmin, isang ITHDAssoc. Ayun, magulo, kasi makukulit silang lahat. Kinakatok yung CPU para bumukas. Dinadasalan yung CDROM para gumana, at kung anu-ano pa.



So well, ito yung buhay IT. May ticket, kailangan mong idispatch. Tas rereplyan mo yung ticket, dapat may root cause, kasi kung wala, PIZZA!

=====================================================================================

Oh well ulit.
2009 na hindi ko pa rin tapos tong blog entry na ito, ilang buwan na rin ang nakalipas simula ng matapos ang kontrata ko sa Sykes bilang isang on-the-job trainee, ngayon swak pa rin yung pamagat, kasi nasa isang opisina na ulit ako. Ahaha. Pero hindi na ako isang INTERN o OJT ngayon, isa na akong ganap na manggagawa. Kung saan? Sa opisina rin kung saan nagtatrabaho ang nanay ko. Ang saya di ba? Bawal pero pwede. Kasi magkaiba naman kami ng principal, though same company sya, pero magkaiba. Ang gulo di ba? Basta parang ganto lang yan e, dumating sa parehong tagpuan pero hindi nagkita, parang ganon. Haha.

Ok naman yung work ko as of this time. Encoder. Ok naman na yun kesa sa wala. Hindi ko man totally naisin yung position e hayaan ko na kesa wala. *umulit*

-----
Pang ilang ulit ko na ito. Haha. Nandito pa rin ako sa opisina. Nakapitong buwan na ako sa kasalukuyan kong trabaho, nawa naman ako ay makasurvive. Hehe. So pano, baka hindi na naman natapos to. Ia-update ko na lang kayo kung saka sakaling may mabago sa opisinang pahayag na ito.

Good luck to me.

Tuesday, November 18, 2008

Ineng hate Ants


Kahapon, kumakain ako ng burger, niluto ko yun, may patty kasi na binili sila Mama. May Chuckie din. Naubos na ata yung Chuckie, tapos nilagay ko sa lamesa namin. So naubos ko na yung burger, sipsip naman ako ng Chuckie, ang tinapang inumin e, letcheng, nilanggam pala. Tae! Tae! Tae! Paksyet! Pag sipsip ko, ewwwwwwwwwwwwwwwwwwwww. Anu yun?! Parang magaspang na mapakla yung lasa, buti na lang hindi ko nilunok at dumiretso ako ng lababo at idinura ko ang mga langgam, infairness, marami rin sila. Sobrang ewww talaga, kasim alam nyo yung langgam na pag pinatay mo ang baho nung amoy. Ganon, ganon na ganon yung amoy at lasa nya. Sobrang nakakasuka sya. Buti na lang at hindi ko talaga nalunok. Hays. Well, isang malaking lesson ito. Huwag maglagay ng kung anong natapos kainin sa lamesang alam mo naman na nilalanggam.

Oh! The Atomic Bomb! Atom A!!!

Guess what guys and gals. I saw the kid from 5 and up.

Ito ang sinaryo:

Pabalik na kami ng office (Sykes - SITC), dahil galing kami sa kainan. Chibugan all the way. Paliko na yung sasakyan ni Sir Ruge para bumaba sa basement para mag-park.

"Oooopppppsssss! Si Atom Araullo yun ah!", sabi ko.

Sila: "Oo nga no! Bakit naglalakad yun?"

Sir Ruge: "O, nag-jeep pa!"

Sila: "Oo nga no! Nag-jeep pa sya."

Ako: "Wow, astig nag-jeep!"

Sir Norvs: "Nag-jeep na nga, astig pa?!"

Tuluyan na kaming bumaba, at sumakay na si Atom ng jeep.

Hindi ko alam kung kasama yun sa documentary nila na Kalye, ngunit, wala namang mga camera sa paligid o kung ano. Plain Atom Araullo yung nakita ko. Simpleng naglalakad, pumapara ng jeep. Fers taym kong makakita ng kilalang tao na nakikita sa telebisyon ang ganoon. Sayang at nakasakay ako sa sasakyan, kundi, papapicture talaga ako. ;)

Graduate ng Ateneo, Pisay at Peyups, sino ba namang hindi kikiligin kay Atomic Atom.

Well, hanga lang ako, a well-known guy walking and riding a jeepney. Typical human-being. Ang pinagkaiba lang e nakikita na sya mula noon hanggang ngayon sa TV.

Ayun lang.



Monday, November 17, 2008

Ineng hearts Inday

Kasabay ng pagbili ko bg Klitorika, ay binili ko rin si Inday:


At dahil ako'y natuwa at fan ni Inday, ay GRAB AND GO ang drama ko, natapos ko ito ng dalawang araw, kasi huminto ako ng alas-3 ng apon noong Sabado, (Nov. 15) tapos nagising ako ng alas-7 ng umaga kinabukasan, so dalawang araw talaga.

Nakakatuwa, dahil kahit na super dumugo ang ilong ko sa mga Ingles ni Inday, ay sus, at least nag-Tagalog din sya.

Kung ganito lang sana ang mga tao, competitive!!!

Kaya kung ako sa inyo, kahit na luma na si Inday at bihira na humalimuyak ang kanyang bango muli sa mga selpon, ay inyo ng bilhin ang aklat na ito. Garantisadong dudugo at dudugo ang ilong mo, ngunit ikaw ay matututo.

;)

Ineng *hearts* Inday

Ineng hearts Klitorika

Uhm, ganito..

Kahapon, mula sa paaralan, napadpad ang may paltos kong paa sa National Bookstore, malapit ito sa paaralan ko. National Bookstore Recto Branch.

Una, bibili ako ng bolpen, dahil nauubos na ang mga suplay ko. Ikalawa, titingin ako kung may bagong librong mababasa.


Pumasok ako sa tindahan, uhm, maraming tao sa babang bahagi ng gusali, doon ako nagpasya na umakyat sa ikatlong palapag, kung saan ang mga aklat ay naroroon. Sinipat ko muna kung may bagong akda si Ginoong Bob Ong, ngunit, wala. Pati si Ginoong Panti, wala rin. Sig
e, dahil wala, nagdesisyon akong pumunta sa seksyon ng mga Tinibapers na libro, tulad ng Stupid Love, The Hagette at kung anu-ano pa, nang biglang may nakita akong kakaiba, "Memoirs of Klitorika", hindi man aminin, parang naenganyo akong basahin, ngunit kaysa magbasa sa bilihan ng aklat, minabuti ko itong isama sa paghahanap pa ng ibang aklat. Dapat bibilhin ko yung Stupid Love 12, hhmmmm, sabi ko sa sarili ko, "Php 85 lang naman, kaso bibili pa ako ng ibang aklat."

Nakita ko ang aklat na Inday, uy, the famous Inday is in the b
ooks! Ahahaha. Well, ito na lang ang bibilihin ko at itong Klitorika. Walang patumpiktumpik akong pumunta sa cashier para magbayad. Baba naman ako sa unang palapag para bumili ng mga bolpen.

So natapos ako sa bookstore, ayoko talagang pupunta sa bookstore ng mag-isa, kasi sobrang gastos ko. Well, ano pa nga bang magagawa ko, nangyari na, kahit anong gawin kong pilit sa sarili kong bolpen lang ang bibilhin ko, bibili at makakabili ako ng kung anu-ano.

Nakauwi na ako nga bahay. Kumain muna ako ng McSavers ng McDo, dahil walang akong makakain sa bahay. Idlip lang ang tulog ko matapos akong umuwi ng alas-syete pas
ado mula sa opisina, pang gabi ee, pakpak. Pakpak, kasi hindi naman ako prosti. *pis tayu, dyuks lang* Feeling ko kasi may pakpak ako pag umuuwi, ang hingin sa jeep kahit sa FX mahingin din, kaya kapag napapikit ako, palagay ko nililipad ako ng hangin.

Matapos kong makakain *Chicken McSavers, float syempre yung drink/s*, kinuha ko agad yung plastic ng National, bunuksan ko ito, at voila! Memoirs of Klitorika, akala ko nga nung una, deads na yung sumulat kasi Memoirs, memories tama ba? Klitorika peace tayo ha! Pero naintindihan ko kung bakit iyon ang pamgat ng kanyang akda.

So basa, basa, basa. Marami akong npagtanto ng mabasa ko ang aklat, katulad ko, babaeng babae si Klitorika, at pinagdidiinan nya iyon, subalit ako naman, ang ipinag
didiinan ko e, lalaki ako, kahit hindi naman talaga. So ayun nga, saludo ako sa katapangan ng babaeng ito, sa totoo lang gusto ko sya makita. Makakwentuhan sa mga bagay bagay na kanyang nai-blog. Blog writer sya, klitorika.blogspot.com. Saludo ako dahil, matapang siyang babae, nakukuha nyang ikwento yung mga naging karanasan nya sa buhay lalo na sa sex. Ang galing nga ee, biruin mo, isang babae, ganon ang pananaw sa buhay. In a way, nakarelate ako sa kanya. Dahil tama naman ang mga hinaing nya sa nabasa ko. "Close your eyes." Totoo yan, ipikit mo ang mga mata mo kung makikipagtalik ka. Ahaha. Kasi, malay mo hindi gwapo ang makaka-do mo, pero kung magaling naman e, ipagwalang bahala mo na. Tama rin si Klitorika, kadalasang libog lang ang nararamdaman ng isang tao kung may nakita syang dyosang dyosa sa ganda. Hindi mo naman maiiwasan ang ganoong bagay, lalo na kung lalaki ang magnanasa, alam naman nating lahat na kapag hindi nakapagpigil ang mga kalalakihan, ay alam na nila ang kanilang gagawin, (ooppss, guys, hindi ko nilalahat ah!) Tama rin si Klitorika, na kapag nakaraos na ang mga lalaki ay ipagwawalang bahala na nila si babae kung nakaraos ba o hindi. Sa Orgasm, kadalasang hindi sabay ang babae't lalaki kung labasan ng kung anong likido mula sa kanilang itinatago sa kanilang mga hita. Lugi ang babae pag ganon, tas maiiwan na lang bigla na parang bula. Well, anyway, wala lang, opinyon lang.

Ang galing nga niya ee, kasi kung ano yung naiisip ko, napatunayan nyang ganon nga talaga yung konklusyon ko. Hindi naman sa lahat ng akda ni Klitorika ay puros sex, dahil may ibang sinulat rin sya tungkol sa ibang bagay. Liberated, walang takot, matapang na babae. Mapagmahal na ina sa kanyang mga anak, na kahit magkaiba ito ng ama, e, mahal na mahal niya ang mga ito. *nabasa ko yung sa blog mo*

Hindi naman nasusukat sa SEKS kung anu kang tao, marami nga dyan ang mahilig ngunit, pagkatapo ng pakikipaglaro nila sa apaoy e hahabulin nilang yung kahoy para panagutan ang paglaki ng dingas. Ako bilang isang babae, na sa tingin ko ay open minded naman akong tao, e tama ang paningin ni Klitorika sa buhay, yun nga lang at sayang dahil nabanggit nyang nagpa-abort sya ng baby. Nalungkot lang ako.

Hindi lahat ng bagay e makukuha ko sa isang gabi na may kasama ka sa isang kwarto, iinom, tapos manggigigil sa iyo, pagkatapos huhubaran ka, hahawak-hawakan ka sa mga parte ng katawan mong ayaw mo noong ipahawak sa iba, ngunit naipahawak mo rin sa kanila. Ang pang-unawa ng mga tao sa paligid mo, o ang kanilang ikatatahimik ang mas ikakasaya mo.


Ako, mag-didisin-nyube anyos pa lang, hindi ako takot aminin na minsan ay naglaro na rin sa isipan ko nga mga nagawa ni Klitorika, hindi dahil sa may napanood ako o ano, dahil alam kong sa sarili ko ay gugustuhin ko rin iyon. Ang pag bubuntis ng isang babae sa murang edad ay masasabi kong isang regalo, na ginusto mong makuha ngunit mali lang ng panahon, tulad ni Klitorika, wala rin akong pakialam kung ao ang sabihin ng ibang tao sa paligid ko, kung makita man nila akong may kasamang lalaki kung saan, iba iba man ito o hindi, isa lang ang masasabi ko, alam ko sa sarili ko ang ginagawa ko, at ginusto ko ang ginagawa ko.

Salamt kay Klitorika at nabuhay muli ang paniniwala kong hindi ako nag-ii
sa sa mundo.

Mula ngayon, INENG HEARTS KLITORIKA.




Thursday, March 13, 2008

Welcome back sa akin! Yey!

Ngayon lang ulit ako makakapagsulat.
Ewan ko ba kung bakit, wala talaga akong gana magsulat eh.
So ngayong sa pagbabalik ko, heto ang isang rebyu mula sa nabasakong aklat na kailan ko lang nalaman na ito'y nakalabas na pala sa merkado.

Flashback muna, ito yung message ng may-akda sa akin noon:

Date: 03/8/2008 10:18 pm
Subject: hi!
Message: hi ineng, i was fooling around with google and saw that you made a review of my first book (a loonng time ago na din pala)... salamat that you liked it.. hope you'll like the second one too.. thanks again.. really.. - jay

Sinagot ko naman ito ng:

Date: 03/8/2008 11:45 pm


Subject: Hi!
Message: My name is Kristin. I'm just using Ineng as my alias in a certain radio show.

My pleasure. I love your book one.
So you have the second book? Haven't seen it yet. Does that mean, you still didn't pass the VISA for the USA? Just kiddin'. (It was written on your first book.)

So, is the second book already out in the market? Can I add you as my friend here?

Regards.

Take care.
God bless.


Uy, napansin akong muli ng isang may-akda!
Ang saya!
Yey!

Well, astig si G. Panti, natutuwa ako sa mga aklat n'ya.


Ang aking REBYU:


"Waaaaa.
Another extravagant writing Sir Jay.
Ahaha.
I really made me laugh.
Just bought it today, and I finished it this early.
Ahaha.

Astig nung aklat, hindi pa rin siya pumasa sa pagkuha ng US Visa, dahil nasasaad sa una nyang akda (The Kikiam Experience) na magsusulat raw s'ya ng aklat kapag hindi pa rin siya pumasa para sa US Visa. At hayan nga, hindi pa rin sya nakakuha.

Anyway, tapos ko na nga sya basahin. Ahaha. Astig. Nakakatuwa, andun na naman si Steph. Astig.
Buti hindi dya binuntal nun. Ahehe. Peace.
Bawal daw sa nursing, buntis at mabubuntis.
Kahit na gasgas na yung mga napulot nya kung saan-saan na jokes, eh natatawa pa rin ako.
Ahaha.

Astig, kung gusto nyo humalungkat ng buhay at nais nyong matawa, bili na kayo ng The Panti Crhonicles.

More power Mr. Panti!"



Naririto ang mga naisulat niyang aklat:

AngUNANG aklat.



Ang IKALAWANG aklat.



Well, kung susumahin ang pagbabasa ko nito, naengganyo lang naman ako nung una, nakakatuwa kasi yung pabalat nung unang aklat, tas yung pigura sa likod.

Ayun ng malaman kong nakalabas na ang ikalawa, sinubukan kong tignan sa bilihan ng mga aklat.

Pero, ito yung istorya kung bakit ako bumili ng ikalawang aklat.

Kahapon, Marso 12, 2008, wala na akong kasama, dahil tapos na ang klase namin.
Wala na silang lahat, may kanya kanyang lakad kasi.
So ito, ang bibilhin ko lang dapat sa National Bookstore eh HIGHLIGHTER.
So ayun, nakakuha na ko sa halagang Php 29.50.
Sa isip ko, "Meron na kayang Panti Chron? Matignan nga! Hmmm."

Sakay naman ako na escalator, pag dating sa ikatlong palapag, seksyon ng mga aklat.
Tingin agad ako sa mga humor books na nakalagay sa gilid. Anga mga aklat na narito ay mga akda ng taga-Visprint (Bob Ong atbp.) at ibang mga taga-PSICOM (mag aklat tulad ng "Text chuvaekek, basta).

"Nasaan ang Kikiam, malamang katabi ito noon?"

"Kikiam, asan ka na?"

"Ayun ang Kikiam! Teka, nasaan ang PANTI Chron?"

Halughug naman ako sa mga libro, napapatungan lang pala.

"Ayun, kulay matingkad na rosas! Ang THE PANTI CHRONICLE!!! Yey!!!"

Php 85.00. "Teka, may pera ba ako? Hhmm. May Php 150.00 ako, so kasya pera ko."

Naku, mawawalan ako ng pera pag binili ko, pero bibilin ko pa rin.
Ahaha.

Pagdating ko ng bahay, buklat ng aklat at basahin ito.

Ayun, tapos ko na sya sa ngayon.

Ahaha.


Hindi pa rin nawawala si Steph. At mas maraming misads si Sir Jay.
Anlupet!

Go! Go! Go! Sir Jay!

Monday, February 11, 2008

Love is like a Rosary





Love is like a rosary that's full of mystery.


Kaya pala love is like a rosary that's full of mystery kasi, pag-in love ka pala, ang daming nangyayari na hindi mo inaasahan, ang daming hindi mo maintindihan, nararamadaman na hindi mo maipaliwanag, at kahit na nasasaktan at nahihirapan ka na patuloy ka pa ring nagmamahal. Basta parang ganon. Halos four years na ang nakakaraan nang mangyari ang kwentong ito minsan pagnaiisip ko, naiiyak ako, nangingiti ako, siguro pagtanda ko, matatawa ng lang ako sa sarili ko pag binalikan ko ang araw na yon. Tama nga si Mama eh, marami pang magmamahal sa akin, pero siguro di na kasing tindi ng naramdaman ko tulad nung una akong na-inlove. Kaya nga siguro makalimutan, kasi iba ang first love, di na mauulit kahit kailan.

- Elisa's character in Maalaala Mo Kaya Episode

Love is like a Rosary





Love is like a rosary that's full of mystery.


Kaya pala love is like a rosary that's full of mystery kasi, pag-in love ka pala, ang daming nangyayari na hindi mo inaasahan, ang daming hindi mo maintindihan, nararamadaman na hindi mo maipaliwanag, at kahit na nasasaktan at nahihirapan ka na patuloy ka pa ring nagmamahal. Basta parang ganon. Halos four years na ang nakakaraan nang mangyari ang kwentong ito minsan pagnaiisip ko, naiiyak ako, nangingiti ako, siguro pagtanda ko, matatawa ng lang ako sa sarili ko pag binalikan ko ang araw na yon. Tama nga si Mama eh, marami pang magmamahal sa akin, pero siguro di na kasing tindi ng naramdaman ko tulad nung una akong na-inlove. Kaya nga siguro makalimutan, kasi iba ang first love, di na mauulit kahit kailan.

Sunday, February 10, 2008

Sunog 101 - Part Two

Location: A402, FEU-EAC Bldg., FEU Campus
FORELAN Class I32
Around 1700h.


Mga I31 unang nakakita ng pangyayaring ito. Si Tina, kakilala ko ang nagsenyas sa akin ng meron sunog, ngunit hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi, kaya lumabas ako ng silid-aralan.

Tin: Ano yun?

Tina: May kasunod na yung Sunog 101 mo.

Tin: Oh? Saan?

Tina: Ayun oh, tanaw sa bintana.

Tin: Sige. Sige. Salamat.

Tin: (Pasok sa loob, kuha ng selpon, punta sa bintana, kuha ng litrato.)


At ayan ang mga larawan.




Hindi ko akalain na madaragdagan ang kuha ko ng sunog. Madalas na ang sunog nitong mga nakaraang araw. Parusa ba ito sa atin na kalikasan o sadyang nararapat sa atin ang magtanda?

Monday, February 04, 2008

Sunog 101

Kanina, around 1000h, nasa harapan ako ng telebisyon, nanonood ng 'Detective Conan' nang biglang nakaramdama ko ng kakaibang ingay sa labas ng aming bahay.

Maggagamot na sana ako noon, maglilinis ng ilong.

Napagpasyahan kong umakyat sa aming beranda, bukas ng pinto, tingin sa ibaba, sa taas, gilid.

Ooppss, bakitlahat ng tao nakatingin dun? Waaaaa. May sunog pala.

Sabi ko sa sarili ko, "Ay, may sunog pala. Ok."

Sayang hindi ko dala yung selpon ko nun, kitang kita pa yung apoy nung unang akyat ko.

Tawag ako ngayon kay Mama, upang ipaalam na may sunog malapit sa amin.

Umuwi naman sya.

Nasusunog pala yung isang apartment dito malapit sa amin, yung EMILIA ata yun, yung apartment na dinadaanan namin kapag pupunta kami ng Bustillos ni Daddy.

Ikatlo at ika-apat na palapag raw ang natupok ng apoy.

Una, nasa kaliwang bahagi ang sunog, ng medyo kontrolado na, yung sa kanang bahagi naman.
May kalumaan ng ang naturang istraktura, kaya madali rin itong matupok, hindi ko alam ang dahilan kung bakit nagkaroon ng sunog.

Eniwey, fire out naman na sa mga oras ngayon.
Buti na lang malayo-layo kami.

Naririto ang mga larawang aking nakuha:


































Friday, February 01, 2008

Super Api Dey!

A day with Inong.

Takte 'to. Alam ko wala 'tong pasok.
Pero nagsabi naman s'ya kagabi na baka pumunta raw s'yang MSP, dahil napag-utusan ng mga kagrupo nya na magpasa nung pradyek ata nila yun, dahil alang nakontibyut (Pasaway ka Kev!!!).

Yan, sige, okey, pumunta nga siya ng MSP, ayun. Tapos may tumawag.

VOT: Tin!

Kristin: Yes?

VOT: Musta ka na?

Kristin: Ok naman. Ikaw?

VOT: Ok lang din. Kita tayo mayang 3.

Kristin: Saan?

VOT: Foodcourt.

Krisrtin: Sige. Teka, nasaan ka?

VOT: Nasa labas.

Kristin: Ah ok. Kita na lang tayo mamaya.

VOT: Ok. Bye.

Kristin: Ok. Bye.

After less than five minutes.

Chin: Tin?!?!

Tin: (OMG!)


Ayun. lang yang tao 'to, nanguguglat. Ahaha.
Kakatawag lang tapos makikita ko sa labas ng bahay namin.
Kamon mamon.
Di ko alam kung papapasukin ko s'ya eh. Ahaha.
Pumasok, gang gate lang, (magpaaraw ka muna dyan!!! harhar)

Takte ka wag mo na uulitin yun ah, bigla bigla ka sumusulpot.

Ahaha.

FYI: Nung tumawag pala sya, andun langsya sa kanto namin.
Hindi ba naman adik.
:))

Anyway, after nya ako sunduin dito sa bahay, as in sundo lang talaga *di ba di ba? umo-o ka na lang, baka mapaslang ka*. Ayun, tuloy kami ng McDo. Hindi namin naubos yung pagkain, fries lang tinira namin sa binili ko. Ahaha.

Kain ng BurgerMcDo , dalawang number 7. Php 100.00

Ayun, after namin kumain, pumasok na ako, sabi ko kita na lang kami ulit after my first class.
Next stop, Mister Donut Morayta. Ayun, kakalabas ko lang ng building noon nung nakita ko syang patawid. Sa awa ng Diyos liningon naman ako. Ahaha. Kasi ako nakita ko na s'ya na patawid.

Upo. Baba ng gamit. "Ano sa'yo?" Kain. Php 46.50 + Php 22.00

Candy Glaze, sa kanya yan.
Bavarian, AKIN, at napilitan s'yang kumain. *Ahaha*
Choco Glaze, dapat akin, pero binigay ko sa kanya *mabait kunwari*
*Nakalimutan ko yung name nung doughtnut eh*, hati na kami, pero mas lamang ako.
Then, syempre,nabubulunan na ako, water lang dapat, kaso taena, wala. Pilita tloy bumili Iced Tea. Ayun, tawid na. At yan yung mga litrato sa MD.

Ayun lang.






I miss you Buang!
Iingat ka palagi!
Mwuah!
God bless!
Ay yab yu!

New haircut


Nyu heyrkat!


It was all due to loneliness kaya ako nagpagupit.


Sa Ospital:


Kristin: Ma, pagupit ako.

Mama: Bakit?

Kristin: Ala lang. Ayaw ko na sa buhok ko eh.

Sa Bahay:

Mama: Magpapagupit ba?

Kristin: Oo.

*tapos umalis na kami para pumunta ng F*


Pero hindi naman na lonely kasi pwede na sya tumawag dito sa bahay namin. So kahit walang text, may tawag naman.
Anyway, Gusto ko yung bagong gupit ko ngayon, feel ko sya. Ahaha.

Sana magustuhan nya.

Nainggit kasi ako, paano, nagpagupit din sya.

Gusto ko na nga s'ya makita eh, kaso, hindi naman pwede. Banned sa bahay.

Kasi nakapangako ako sa parents ko na hindi na mauulit yung nangyari. Kaya ayun. *Yayabs, sorry. :(*

Wasak sa bagong gupit. Nakita ko pa yung gupit ngayon ni Eman aka Don Pulubi. Astig!

Ahaha. Ge yan na muna. Nyu heyrkat lang naman dapat andito eh. Ahaha.

God bless!

Before:




















After:


Wednesday, January 30, 2008

Masakit pero Aja lang Yabs!

Enero 31, 2008 - Umaga
**********************
Masakit, mahirap, nakakalugmok ng damdamin ngunit kailangan namin na magtiis.
Kung hindi kami magtitiis, wala rin mangyayari.
Pag nagtiis, maganda kalalabasan.


Enero 31, 2008 - Gabi
********************

Senaryo: Pagtatanong kay Mama.
Lokasyon: Dyip biyaheng Blumentrit (Tama ba speling?)

Kristin: Ma, nagtatanong po si Kev kung pwede tumawag sa bahay, kinuha kasi yung cellphone nya eh.

Mama: Bakit tatawag?

Kristin: Wala lang.

Mama: Sige, pero sandali lang wag magbababad.

Kristin: (Tuwang tuwa) Ok, sabihan ko na lang.

Mama: Bakit kinuha yung cellphone?

Kristin: Hindi ko alam eh, hindi nya na naikwento kanina.

Mama: Kelan nagsabi?

Kristin: Tumawag sa akin kanina sa cellphone.

----------------------------------------------------------

Ayan, kahit papaano napawi yung bigat nang pumayag si Mama na tumawag si Kev dito sa bahay.
Sandali nga lang ngunit sapat na iyon upang marinig ko ang boses ng Kev ko.
Isang tawag lang o kahit isang "Hello Yabs!" lang, tunaw na ako, ayos na, Kumpleto na araw ko nun.

Sobrang laki ng bakod ang masa pagitan namin ng Yayabs ko.
Apter wan yir pa magiging legal, dalawang buwan na wala teks,
swerte pag nakatawag sa telepono o kaya magkausap sa tsat.
Hays.

Pero alam ko kaya namin ito.
Uhm, masaya ako na tumawag si Yayabs ko sa amin kagabi.
Dalawang beses pa.
Kaso yun pangalawa bitin, pano may dumating.
Ahaha.
Eniwey, Yayabs, iingat ka palagi ah.

*******************************************************

Note: Nawala yung phone nya dahil sa akin. :(

Monday, January 21, 2008

Dix-sept.

Ahaha.
Just dix-sept. *Pag haluin raw ba?*
Wento ko na?

Ganto yon, dix-sept ng umaga, actually, quatorze pa talaga yun pero dix-sept na lang ginawa.

Ayun, kuntento na ako s dix-sept, wala ng vingt-quatre at vingt-cinq.
DIX-SEPT na lang.

DIX-SEPT.

*Sana mabasa mo.*
*Je t'aime.

Thursday, January 17, 2008

Kwento ko raw eh.

Galing ito sa post ko sa Bobong Pinoy University, sa thread na ang tawag ay BPU Blogs!!!


Paano ba ako napunta sa grupong ito?

Minsan akong nagpapalipat-lipat sa mga pahina ng naturang sayt. May nakita akong propayl (na hindi ko natandaan kung kanino) at aking nakita ang Bobong Pinoy University. Dati akong taga-kabila, sa Bobong Pinoy, at ayun nga una ako doon naging miyembro, tapos sa iba pang grupo hanggang sa nakita ko ito. Bilang isang abang umiidolo kay Bob Ong, sumali nga ako rito at nagsimula ang aking pakikipagsapalaran sa mundo ng mga bobo.

Aktib?

Nagpakaaktib-aktiban ako rito dahil ang kukulit ng mga bobo sa grupong ito, kapag nagbabasa ako, parang naririnig ko silang nagsasalita. Yung kakulitan ng mga "newbie poh!" kahit wan op da oldis na sila (may kilala ba kayong ganito?). Ayun, nakakatuwa kasi yung mga posts kaya nagpakaaktib-aktiban ako (minsa'y ako'y mawawala).

Galit kay Chin?

Hindi ako galit dun, wala akong galit dun, kay Kevin lang, kasi istrayk siks. Pis. Ahaha. Juks lang. Wala talaga, walang galit.

Basted?

Neber trayd.

Cute at Pretty Thread?


Matagal na akong hindi nagpost dun, kasi alam ko naman na sapat na yung meron at, kahit hindi ako magpost dun.

Toyo at Suka.

Pareho na lang, kasi masarap ang sabaw ng adobo pag magkasama silang dalawa eh.

Biglaang pagsulpot?

Ganon talaga, biglang mawawala parang bula, pero parang kabute na biglang susulpot.

Sarap at sarap?

Kamomn mamon. Sino ba? Si Tooooot ata. Ahaha. Juks.

Tambay sa pics?


Ala akong alam eh. Ahaha.


So ikwento ko na talaga?

Isa lang akong hamak na bumabasa noon ng aklat na akda ni Bob Ong, taong 2005 ko nakita yun, sa kasamaang palad eh apat na taon na pala ang nakakaraan ng isulat nya ang una nyang akda (ABNKKBSNPLAko?!), sa mga taong iyon (2001), kasalukuyan pa lamang akong musmos na kakatapos pa lang ng elementarya, kaya ako'y walang barya sa aking bulsa upang halughugin ang mga tindahan ng aklat. Dumaan ng ilan pang taon na siya ay nagsulat pa ng ibang akda (Bakit Baliktad magbasa ng Libro ang mga Pilipino?: 2002, Paboritong Libro ni Hudas: 2003). Okay, balik tayo 2005. Pers yir kaleyd ako noon, bagong salta sa mundo ng kamunduhan, bagong kapaligiran kaya kamunduhan. Nakita ko ang aking isang kamag-aral, may binabasang dilaw na aklat ngunit ito'y pabaliktad. At doon ko nga natuklasan si Bob. Ang una kong aklat ay ang naturang aklat, tama, ang dilaw na aklat. Pinabili ko lang ito noon. Libre! Libre! Sa National Bookstore, SM San Lazaro pa. Kasalukuyan din kasing bumili ng aklat si Tita kaya go! Tapos ang sumunod ata yung luntian, sa National SM Manila naman, binili ko yaon matapos kong samahan si Jayson sa Ongpin upang hanapin ang pinagpagawaan niya ng salamin sa mata. Pagkatapos nun, yung itim naman, National SM Manila pa rin ata. ITo na, lumabas ang ikaapat, ang dalandang aklat, gulat ako noon, bakit nag-iba ng dyanra si Bob? Yan ang tanong ko sa sarili ko noon, kaya hindi ko na ito binasa pa. Taong 2005 pa rin (mga ikawalang term) naman nang malaman ko ang Stainless Longganisa. Wasak! Bolpen ang pabalat, napaisip tuloy ako kung bakit bolpen. Hmp. Adik ba sya sa bolpen? At may Parker kaya siya? Muli, yan ang aking mga tanong. 2006, walang aklat na nailathala ang Visprint na akda ni Ginoong Bob. Taong 2007, Enero pa lamang akin nang inabangan ang paglabas ng susunod na aklat ni G. Bob, ang MACARTHUR. Tanda ko pa noon, halos mapraning ako kakahanap, dahil nakalathala noon na ilalabas ang naturang aklat ng buwan ng Mayo. Ngunit dumaan ang buwang yaon, walang MACARTHUR na nagpakita. Iyak. Iyak. Iyak. Balde ng luha.
Ngunit nang dumating ang susunod ng buwan, takte, pasukan na na siya nagpakita sa NAtional Bookstore sa Recto. Tae. Ayun. Yan ang kwento ni Bob Ong sa buhay ko.

Kwento ko pa ba lab layp ko?

Hhhmmppp.. Pag-iispan ko muna, sa ngayon masaya ako. Ahaha.

Sundan ko na ba?


*Naku baka may mag-dyeli eys. Lagot!*

Ahahaha.
O wel, geym!

San nyo ba gusto magsimula? Elementary? Biro lang, pero hindi nyo naman naiiwasan na makakita ng kyut na kaklase nung elementarya kayo eh. *ang kumontra, KJ!* Pano nga ba? Uhm, basta may kras ako nun elementary, wak nyo na alamin. Ahaha. Ayun!

Ge ge, hayskul na tayo. Ahaha, pers yir, uuhhmm, subok lang, pustahan ba. Tumagal yun ng tatlong buwan, pero ang nakakainis dun, ahaha, pinagkalat sa mga kakilala nyang hayer yir na anim na buwan. Kung hindi ba naman sya adik eh. Kaya ayun, nagalit ako sa kanya (pero ngayon hindi na, masama nga pala 'yon). Hindi ko s'ya talaga pinapansin noon. O wel, tapos naman na. Sekond yir naman, ahaha, adik, meron pa rin, itatago na lang natin s'ya sa pangalang Engeng (hindi tunay na pangalan, kaya itago), sipag nito, may bitbit lagi. Ahaha. Kung hindi apol (sa skul), pakwan (sa bahay naman 'to). Ayun. Tapos, pers taym ko rin nabigyan ng bulaklak nun, uso kasi nung hayskul yung nagtitinda ng rosas (pasimuno si Ms,. Cabigas, AMEN!). Ayun, nakatanggap ako nun sa kanya, tapos pag-uwi ko sa bahay, tukso na sila ng tukso, "Ay layk yu." O may gulay! Kamon mamon! Walang kinalaman yun, sayang yung rosas pag hindi ko tinanggap eh. Ahaha. O wel, basted, walang progres yun. Terd Yir naman, ahaha, ito malala, matagal. Uhm, besprend ko naging bida rito. Natatandaan ko pa nun, ahaha, nililigawan nya yung kaklase ko, tapos nung minsan tinanong kami kung gusto raw ba namin maging kami, aba'y ang aming sagot ay "YAK!" Ahah. Pero ayun, nauwi nga sa ganon. Lakas tama rin 'to eh, nakipag-inuman sa tatay ko. On en Op ang relasyon na ito. Abnoramal kasi, subali't, sapagka't, datapwa't tumagal ang naturang relasyon ng dalawang taon. Ang naging sanhi ng paghihiwalay: "Kinalimutan mo bertdey ko!", sabi nya yan sa akin ah. Ahaha, tas pol awt op lab. Ayun. So natapos yun, pers yir kaleyd ako.

Ito na ang Kaleyd. Adik! Walang alam sa mundo. Neneng nene. Ano raw? Una, si Taft, mahabang kwento, basta, walang nangyari roon. Ikalawa, si Morayta, wala ring nangyari. Ikatlo, si Sta. Mesa, "Hoy! Yung Balkbuk ko ibalik mo!", nanghiram lang ata ng libro 'to, tas kapangalan ko pa yung pururut nya. Ahaha. Ikaapat, si Palawan, takte iniwan ako nitong naka-hang sa balon eh. Iniwan nya yung pururut nya sa Cebu para sa akin, tapos iniwan nya ako para run kay Marikina. Ayun, so ala na. (Trivia: Tuwing lasing sya, nagtetext sya, mahal pa raw nya ako. Wasak! :lol:) Ikaanim, si Cubao, ayun, Bobo rin 'to, ahaha, wag na lang alamin. Ayun, may sintang pururut rin, sa kanya ko natutunan yung "Ang manok 'pag nakatali ,madaling hulihin/mahuli." Dahil sya ay manok na nakatali, tas nagpahuli pa. Ayun, naglaon, nung nakawala, bumalik din sya dun sa may-ari sa kanya. Wasak!

Pero ito yung malupit, ahaha. Isa kasing sabog yung ngayon, pero inlababo talaga ako sa abnornal na ito. sosyal ito, may sariling blog sa akawnt ko. Ahaha. *Pis tayo, kilala mo kung sino ka, Brenz, shatap!* Masaya ako sa kanya, kasi pareho kaming abnormal. Pareho pa ng grawnds na kinabibilangan, ang pinakamamahal ni Gng. Ekek. *Sa nakakaalam kung sino si Gng. Ekek, tahimik na lang kayo.* Basta, abnormal ito kaya ko inlababo.

Ge ayan, kumpleto na yung blog ko.


Acknowledgement:

Sa inyong mga Kabobo na tumangkilik sa akin dito.
Sa *alam mo na yon*.

Sa isponsor ko, ang aking kompyuter ko.
Ayun lang.

Salamat sa pagbabasa ng walang kwentang sulatin.

Monday, January 14, 2008

Ang Buang ng Buhay ko

Nagsimula ang lahat nang dahil sa isang grupo sa websayt ng Friendster na itatago natin sa pangalang Bobong Pinoy University (mga bobo kasi yung kasali rito, kaya kasali rin ako). Ang may pakana ng naturang grupo ay walang iba kundi ang bida ng entri na ito. Si Kevin, ay si Chin pala. Ayaw nya atang tinatawag ko siyang Kev eh. Eniwey. ok lang kung ayaw nya.

Hindi ko na matandaan kung kailan ako naging miyembro ng naturang grupo at kung kailan nagsimula ng mga kabuangan ko sa buhay ng dahil doon ang resulta ay isang PANEXT na BUANG.

Sa naturang grupo ko nakilala ang pangulo nito. *umulit?* Nakakatuwa ang mga tao sa grupong yaon.
Makukulit. Kakaiba. Ameysing!
Pero may isang taong, weeeee, nagpangiti sa akin.
Pano ba naman akong hindi ngingiti nun, eh buang ang kausap ko.
Tapos malalaman ko, peyborit nya raw si Rachel. *ngisi*
Tapos, malalaman ko rin na taga-MSP sya, samantalang taga-MSP-SAP ako.
Tapos, ayun, makulit na bata ito. *ngisi*

Ewan, hindi ko alam kung paano nagsimula yung pag-uusap namin.
Una sa treds sa grups, tapos sa chat, tapos sa text, tapos, ayun pa lang eh.
Konstant yun, kahit nasan sya *buang kasi*, eh nakakausap ko sya.
Nasa bus man, nasa shop, nasa Mars, nasa Pluto *ay wala na pa lang Pluto, burado na sa unibers*
Takte, sya ay aking nakakausap.
Wala atang pahinga ang tao na ito.

Ayun, sa chat, nakakausap ko ng masinsinan ang taong ito *masinsinan daw o*.
Palitan ba ng malalalim na kuru-kuro sa bawat paksang napupulot lamang namin kung saan-saan.Buang talaga ang taong 'to. Wala akong masabi. Basta ang ang ko, ginawan nya ako ng diary? Ahaha.May sarili raw akong talata o kaya maliit na "Post Script" doon sa sinusulat nya.

Natuwa ako sa taong ito noon, hanggang ngayon naman eh.
Dahil nga abnormal sya. *susme, redundant na ako! pansin mo Buang ko?*
Masaya akong kausap sya.

Dito nagsimulang muli ang lahat.
Ika-labing lima noon ng Disyembre, taong 2007, patapos na ang party ko noon.

Ehem, dahil kakapanext ko pa lang kasi kaya may party.

Lokasyon: 43 Tinog Ave., cor., Sct. Ybardolaza St., QC.

O wel, bak tu bisnes.

Bandang 2300h na ata yun nang nasa lamesa ako ng nanay, tatay at kinakapatid ko.

Nasa kabilang dako ng café yung mga tropa ko, op kors, boys, aym wan op dem na kasi. So ayun, andun nga ako sa lamesa nila mama, biglang paglingon ko sa likod,

“OMG! Wait! Si Chin!?!?!?! My goodness! Tinotoo nya! Wasak!”

Gulat na gulat ako noon, dahil hindi ko alam na pupunta ang Buang ko sa party ko, kasi nagging status message ko yung address at nagging shoutout ko rin. Ayun, wasak! Shock talaga ako nun, di ko alam gagawinko, kasi pinagtatawanan ko lang sya nung sinasabi nyang pupunta sya eh. Tsk tsk tsk. Bad girl.Tapos, alam nyo attire? Sus me, Formal na informal. Ahaha. Dilaw na long sleeves, khaki atang pants yun, tas, rubber shoes ata (Buang ko, tama ba? Pa-confirm naman oh). Tas ayun, sabi ko kumain na sya. Kumain naman, hindi nga lang nya ata inubos (tama ba?). After nun, pag lingon ko, wasak! Kasama na nya yung mga tropa ko. Apir! Bonding raw sila. Kumakanta kasi yung mga tropa ko, bidyoke mode sila nun eh, tsaka alak mode, dahil pinag-bigyan sila ni Sir Bravo ng dalawampung bote ng SanMig (Light at Strong Ice, FYI: Strong Ice yung nakuha ko). Aba’y ayun, bunamat ng kanta, Cruisin’ naks! Peyborit ko yun, Gwyneth!!! Yey! Ge kanta lang ang Buang ko, tapos ayun, nakita ko may iniinom na rin. Ahaha. Apir! Tama yan, makisama ka. Ahaha. Kaibiganin mo sila. Ahaha. Juks lang.

Natapos ang gabi, naging madaling araw na. Ang adik kong Buang, uuwi pa pala ng Laguna. So illiterate talaga. Tas yun, katext nya si Brenztot ng mga oras na yun eh, tanda ako, pula pa ata casing nung phone (tama ba Buang?). Tas ayun, Galing pa ata si Buang nunng laro nya, kaya leyt na. Abnormalities kasi, pag pasensyahan nyo na. O wel. Ayun. Umalis na rin sya after, parang ayoko pa nga syang umalis nun eh, kaso, uuwi ng Laguna eh. Ahaha. Ayun, mala-superman si Buang that mornyt. Amf! Nasa kwento nya yung sa BPU klik mo na lang [ito]. Tapos ayun, dun na nagsimula ang lahat.

Kelan lang naging seryoso ng ganito yung pakikipagkaibigan ko sa kanya, amo eh, baka i-delete ako as member ng BPU pag may masama akong ginawa sa kanya. Ahaha. Juks. Ayun, tulad nga ng nasaad kanina, konstant na kaming magkausap. Akalain mo bang bumuli ng SIM na Globe at sisihin ako? Tama bay yun? Hindi ko naman sya pinilit, nagtext, nagtanong kung Globe raw ba ako o TM, sinagot ko naman. Taspos isang araw nagtext na lang, “Ei meh globe n aq… Chin toh…” Ang bruha, malandi magtext, may “H”, ahahaha. At dun kami nagkabistuhan na, isa na rin pala siya PANEXT. Ahaha. Isang BREWHO. Banding moment na naming yun, ang BREWRATS sa Hit FM/DWRT [kung gusto nyo makinig click nyo ‘to]. Ayun, palagi na kaming nakikinig. Ahaha, palitan ng kuru-kuro ukol sa mga kolers ng naturang programa. Ahaha. Masaya sya kausap pag ganun. Buang. Nga pala, siya si Inong ko pag Brew na. Ahaha.

Next topic, Buang ko pa rin naman. Kaso, kwento na ito ng selpon ko. Ahaha. As of January 17, 2008, 1433h, may apat na raan at walo na siyang mensahe sa ‘kin. Ayun, at kakatapos lang naming mag-usap. Sus me, nilayasan ang klase nya, tulog raw ang propesor.

Kaya sa Buang ko, *alam mo na yun* eben ip.

Wasak!

[Eni reaksyon Buang?]

Thursday, January 10, 2008

Hapi Bertdey Reyunyon

December 24, 2007
Call time
: 1600 hours.

After three short years, we gathered again.
Hindi nga lang dumating lahat ng tropa ko.
Kulang ang JONA at F10.
Anyway, ok lang yun.
Dumating naman yung mga hinihintay ko.
Ahaha.
Unahin natin yung unang dumating.
Eherm.
Si MARILYN ang una, sakay ng motor na dina-drive ng kapatid nyang si MARCIAL.
Sunod si CRISCHING, ang organizer ko. Wahaha. Tropa ko 'to, siya inutusan kong magtext sa tropa namin para sa bertdey/reyunyon namin.
Kasama ni Ching si KENNETH, ang ex brother-in-law ko. Ahaha. Kala nya ban pa siya, pero hindi naman na.
Ayun, tapos, dumating na si PRIMADONNNA, si JOVELYN. Nang dahil sa kanya, lumaki ang party ko. Ahaha. Tenk yu. Tinext ko ito, ab, naliligo pa lang. Bwisit. Pati sina Ching.
Anyway, back to business.
So ayan, apat na sila. Tama naman na dumating sina REYNALDO, HECTOR at CARLOS. Ang Accountant ng tropa, Computer Engineer ng klas namin at Electrical Engineer. Ahehe.
May dala si Jhe para sa akin. Si Jhe at Reynaldo at IISA.
Ayan, good. Dami na kami.
After nun, kumain na sila, kasi pag hindi sila kumain, yari sila sa nanay ko, ang aga aga kasi ng usapan late na nagsidating.
Well.
Habang sila ay kumakain, siya namang dating nila MARLON at JERVIE. Syempre, kumain sila. Tapos, dumating sina, ooppsss...
MARJUN at LAILANIE. Isyu ito. Ahaha. Nakasabay ni Jun si Lanie, pano si Ching iniwan, nga pala, pinsan ni Lanie si Ching.
Na-miss ko si Jun, lalo na sya yung takbuhan ko dati nung hayskul. Ibang klaseng tao ito si Jun, maaasahan. Mabait to. Kahit magkaiba relihiyon namin. Ahaha. Natatandaan ko dati, sinabihan ko sya, nung hindi ko pa alam na INC pala siya, sabi ko, "Happy Anniversary INC. Mabuhay ang mga Katoliko". Ahaha. Pero ala lang sa kanya yun, second year kami nun.
Well, ayun, kain. Kain. Kain.
Tinext ko si ELEN, kaklase ko ng elementary. Malapit lang naman siya sa amin, so sabi ko, "Elen, baba ka dito sa amin. Kumain ka." Since malapit sya, sabi nya, "Sige, maya maya onti." Kadarating lang pala nya. Nung mga oras na yon, katext pala ni Elen si ENANG. Kinukulit ni Elen si Ena na pumunta na. Pero hindi ako matiis ng Ate ko, ayun, dumating.
Well.
*Iba na ang bunso ng batch. Wahaha. Ang kapal ko naman.*
Tapos, dumating si CORP, si JAYSON, Corp Commander namin nung HS CAT. Ahaha. Namiss ko ang kupal na ito. Nasa Pasay lang ito, ni hindi man lang ako puntahan. Bwisit.
Tas dumating si DARWIN, our very own JUNIE LEE. Clown ng tropa.
Natutuwa akong dumating sila.
Si CORP, hindi ko expect na pupunta, pati si DARWIN. Si CORP kasi, hindi ko alam kung sino ang may contact. Si DARWIN naman, hindi ko nasabihan nung nakita ko, pero, pinuntahan siya ni JUN.

Masaya ang gabing yaon, kahit kulang kami.
Alak pa.
Ahaha.
Hindi kasi alam na uminom kami, ahaha, dumating na lang sila mama, umiinom na, Loko pa yung kuya ko (pinsan), ako pa sinisi. Wahaha.
Anyway, I had fun, kahit masakit yung nangyari kinabukasan, December 25, 2007.

Well, that's the story of my second bertdey.
;)

Wala palang 25 eh

Wala.
Walang nangyari.
Sumabog ang lahat.
Kaya

WASAK

ang aking pasko.


Pero bago ang araw na yaon, kahit papaano'y nagkaroon ng ngiti sa aking mga labi.
Napasaya ako ng mga kaklase ko ng hayskul.
Dumating sila sa bahay, kahit hindi silang lahat, upang aming ipagdiwang ang, ehem, bertdey ko pa rin.
Hindi buo ang barkada ngunit dumating naman sila:

  • Marilyn
  • Crisching
  • Kenneth
  • Jovelyn
  • Reynaldo
  • Hector
  • Carlos
  • Jervie
  • Marlon
  • Marjun
  • Lailanie
  • Darwin
  • Jayson
  • Roseller
  • Eleonor
  • John Paul


Umuwi sila mga ikalabing-isa na na gabi, sapilitang pinauwi ng mga kuya ko eh.
Medyo nagkainuman din. Isang bote para sa mga babae, at ang mga lalaki (bawas sina Reynaldo at Hector), hindi mabilang na Red Horse. Ahaha. Masaya ang gabi na yaon, kahit nag-brownout before mag-alas-dose ng gabi. Ahaha. Para sa 'Noche Buena'.

Well, here comes the DAY.
The 25th day of December.
Wasak!
Hindi na ako nakapagbihis ng damit nun, nagising akong suot ko ang kulay ubeng damit na makikita nyo sa mga album ko dito. Ahaha.
So ayun, sus, kay daming bisita, bwiset. Ahaha.
Dumating mga kamag-anak ng lola na taga-Nueva Ecija.
Ilang sasakyuan din yun.
Una, sila Tita Bebe, kasama ang mga Tito Cambong.
Tapos, dumating sila Nanay Pat, less Tatay Sing, dahil nasa Mayapyap daw.
Tapos sina Ate Becbec, pinsan ko. Second cousin ba. Kasama nya mga anak nya.
Last na dumating sina Ate Susan, tugeder with INGGO and his Family. Ahaha.
(Pero nung dumating sila, hindi ko na alam yun, dahil umakyat ako sa kwarto para matulog.)

Well, well.
Wala talagang 25.
Sira araw ko nun.
Ahaha.
Wala lang.
Desisyon kong sirain eh.
*Ang abnormal ko no?*

Wala, wala talaga eh.

Kaya tama ako, hindi ko isasaksak sa utak ko kung ano man ang meron sa pasko.
Ahaha.

Pero nakakalungkot kasi:

"Wala na ngang 24, pati ba naman 25?"

Ayun.
Kaya ito ako ngayon, wasak.
Naghihintay ng biyayang manggagaling sa Panginoon.
;)

Dahil sa natamong KALUNGKUTAN,
nauwi ako pag pag-aliw sa sarili ko.
Bumili ako ng t-shert, bini-ay ko si Kat, kaya napabili rin ng damit.
Binili ang phone ni Sir Bravo.
Bumili ng jacket, t-shert na sale.

Ahaha.
Dala ng bordam.
Dala ng kasawian.
Dapat aliwin ang sarili.

Ahaha.
;)

Move on?
GO ON!!!
Tuloy lang ang LAKAD, TAKBO pa nga eh.
Ahaha.

Well, salamat sa pagbabasa ng isang wala na naman kwentang kwento ng buhay ko.

December 12, 1989 - December 12, 2007

Wasak, I am PANEXT!!!



Ito yan eh. Syempre sa araw muna ng bertdey ko mismo.

December 12, 2007.

Ahaha.

Nag-umpisa ang lahat sa count down namin sa confe, syempre si Dex pasimuno. Ang mga magkaka-confe:

  • Kristin (syempre ako una)
  • Verniza Katrina
  • Martino Jose
  • Mark Anthony
  • Ferdinand
  • Adrian Dexter
  • Meron pa ba?! Kung meron, pasensya na nakalimutan ko

Ang aming USAPAN at KAWNTDAWN.

Maaga rin akong binati Chorva, mga 2 oras bago ang alas-dose. Ahaha, pero sabi nya, sya raw babati ng last. Para masaya, ahaha. Anyway, bumati sya nung hapon, la na raw sya load eh. Ahaha.

Pero may ikinatuwa ako nun 1203h, may nag-text. API BERTDEY daw. *sus, kung makikita mo lang ako nung mismong oras na yon, ang mga ngiti, ahahaha, wala lang. Syempre natuwa ako nun. Kaw ba naman i-greet eh. Ahaha.

Apter nila ako batiin, ayon, natulog na ako. Pinagalitan na kasi ako ni Mama.

Tapos, gumising ako ng alas-tres ng madaling araw dahil may EKSAM kami ng mismong kaarawan ko.

Pero may magandang nangyari rito habang nagbabasa-basa ako, sa tagal kong nagpaparinig na gusto ko ng puting bulaklak. Kahit anong bulaklak, basta puti. Mapa-rose man yan, tulips, calla lily, star gazer. Hindi ko alam kung saan tinago ng nanay ko yung isng dosenang puting rosas sa bag nya, dahil nang magising sya'y inabutan nya ako ng naturang bulaklak.

Okay. Okay. Okay. Bak tu bisnes.

Letch, "May EKSAM sa OPESYST."
Lagi na lang ganoon, sa tatlong taong kong pag-aaral sa kolehiyo, anak ng tinapa, laging akong may kailangang i-take na eksam. Bwisit.

So ayun, nag-eksam. Nosebleed ang eksam. Hindi ko alam kung marami bang tamang sagot dun. Anyway, ayun, si Dexter, dapat may counter ang taong ito, ilang bese ako pinagbabati sa paaralan. Pampam ata. Ahaha. (Alam ko kung kanino.)

Well, next stop, NETLAB A.
SECUNET na.
Ampotek. "Bertdey po ni Tin.", ewan kung sino may sabi nyan, sagot naman ang aking guro, "Minus Payb."
Ay nalintikan. Ahaha.
Bertdey na bertdey, minus payb. Ahaha.
Well, well.
Ayos lang.

Next, LUNCH.
Weee. McDo Morayta ang location.
Uuuhhmm, pagkakataon na, na may sumabay kumain ng Burger McDo with Rice.
Ahahaha. *Magwagi kaya ako?*
Uuuhhmm., dating kami McDo, akyat sa taas, potek, alang erkon, baba ng mabilis.
Nakakita ng upuan. Ahaha, pang-animan.
Unang bumili sina Pau at Sands.
Tas ako sa amin ni Kat.
As usual, order nya, CheeseBurger.
Ito na, dumating sina Dexter, kasama sina Anne, Raymond at Gene.
Ahaha. Nakita nila yung order ko,

BurgerMcDo with Rice.

As in ulam nag burger na may tinapay sa kanin.
Lagi naman, silang lahat at nawirduhan, lalo na sina Anne, dahil unang beses nila akong nakitang ganun.
Ahaha.
Inaya ko si Dexter, kaso ayaw nya.

Okay. Okay. Okay.

Balik school.

BUSORLA na!!!
Dexter: Bertdey po ni Tin Sir.
Sir Aranda: Talaga? Bertdey mo?
Kristin: Opo.

Ano bang ginawa namin dito?
Ahaha. Hindi ko na matandaan.
Basta.

Last stop:

OPESLAB.
Weee,.
Linux time!!!

Ampotek. Hindi maka-connect sa HOST.
Ayan, Friendster time.
As usual, since mahal ako ng mga taga-BPU. (Bobong Pinoy University)
Isang grupo sa Friendster na humahanga sa galing ni Bob Ong sa pagsusulat.
Miyembro ako nun!!! ;)
Binati nila ako.
Nakakatuwa, dahil kahit sa isang munting pagbati ay kanila akong naalala.
*Thank you Brenz at sa lahat sa inyo, si Brenz kasi bumati nun nung nagbukas ako.*

Well, may nagtext sa akin nung araw na iyon, bago pa kami pumasok na laboratori.
Oooopppsss. Si Chorva.
Tatawag daw sya sa bahay. Usap daw kami.
Shet.
Apter klas, nagmadali akong umuwi.
Tinext ko na bahay na ako, kasi sabi nya, text ko na lang daw siya.
Ay, bwiset.
Ala-sais na hindi pa rin nagri-ring ang telepono namin.

Ang potek na tao, nakatulog.

Well, payn, payn.


1830h.
Simba kami ng family ko sa Loreto.
Church na malapit dito sa amin sa Sampaloc.
After nun.. Wee.
Libre ng Tatay ko.
Tinanong ako, san ko daw ba gusto pumunta, kumain or ano.
Wahaha.
Walang atubili kong sinagot, "ARISTOCRAT!!!"
Weeee. Makakakain ulit.
Ahaha.
Kaso sa SM San Lazaro lang kami kumain nun, mas malapit kasi eh.

Taksi. Taksi.

Potek, alang taksi.

Ayun, may dumating, may laman.

Ahaha.

Hhhhmmm.

Ayun, Lealtad.

Sakay ng dyip.

Baba ng Lacson (aka Forbes).

Sakay ng Tayuman.

Tsktsk.

Trapik.

Ooopppsss. SM na.

“San kaya yung Aristocrat?” Ahaha.

Ang alam ko sa 2nd floor yun.

Lakad. Lakad.

Ayun, sa taas. Ahaha.

Pasok sa resto.

Upo. Order.

Waaa. Tagal ng weyter.

Sa wakes. Orderan na!!

Ano ba inorder namin nun? Uuuhhmm,

Ako? Palabok, Aristocrat Chicken Barbeque, Java Rice, Mountain Dew.

Sila Mama at Daddy, Pancit, isang ACB, Lumpiang gulay, Pineapple Juice, Pepsi.

May nakalimutan kaya ako? Sana ala.

Mga 2030h na nang matapos kami kumain.

Pagkatapos nun, nag-groseri kami. Ahaha, syempre, since bertdey ko, nagpabili ako ng KEYK. Double Dutch pleybor from Goldilocks. Tas Ice Cream, courtesy of Selecta, yung twin. Ahaha, Coffee Crumble at Rocky Road Flavors.

Tas namili pa si Mama ng iba.

Uwian na. Wasak.

Ang haba ng pila sa Taksi Bey ng SM. Lakad sa Lacson. Ayun, taksi. Sakay!

Bahay na!!!

Inunahan ako ng tatay ko sa keyk.

At dyan natapos ang mismong araw ng bertdey ko.

*Salamat sa pagbabasa ng kwentong bertdey ko. Yung selebrasyon ng December 15, sa next blog entry ko na lang ulit. Sa uulitin. Salamat sa nasayang mong oras.*

Pasko ba sa 25?

Posted last December 21, 2007.

Pasko.

Ahaha.
Pero bago ang 25, 24 muna, magseselebreyt kami ng mga tropa ko ng hayskul ng debu ko.
Letch na yan.
Apter tri yirs tska lang kami magkikita kita, though nagkita kami nung iba sa sementeryo nung a-uno.
Beybi ako ng tropa eh. *ang kapal*
Ahaha.
Namiss ko na silang lahat.
Lalung lalo na yung JONACRISCILLA LOU JARCE at F10.

Ang JONA ay kami. Yung mga babae.

  • JO - Joan
  • NA - Rowena
  • CRIS - Crisching
  • CILLA - Priscilla
  • LOU - Amie Lou
  • JO - Crystal Joy
  • RACE - Mary Grace
  • KA - Kaye (kasi wala sila mahanap sa Kristin na pwede, kaya sa Kaye na lang)


Ang F10. Yung mga lalaki.

  1. Jayson
  2. Rushfalth
  3. Marjun
  4. Jervie
  5. Marlon
  6. Arjie
  7. Reynaldo
  8. Bernard Kenneth
  9. Armando
  10. *Waaa. Nakalimutan ko, mapapatay nila ako.* Naalala ko na, si JAYSON JAVIER. (Dear, So sorry, ala ka kasi dun sa pic natin sa stage eh. ;) Pis tayo ah.)


Ayun, magkikita kita kami nyan, pero buong IV-RIZAL, KASAMA DAPAT.

Pero may isang bagay akong ikinababahala sa araw pagkatapos ng pagkikita namin ng TROPA ko. Yan ay yung, nararamdaman ngayon ng isa kong katoto. Ito ang kowt, kaya i-kowt mo:

"Hindi ko isasaksak sa utak ko kung ano mang meron sa PASKO. Ahaha."


Ngayon, alam ko na yung pakiramdam ni Brad. Ngayon alam ko na kung ako ang HINDI ko DAPAT gawin. Pero kung ano man ang meron sa araw ng PASKO, eh ikasasaya ko sya. PASKO eh. Dapat magpakasaya. Haha, makakangulimbat na naman sa mga Tita ko ng pamasko nito. Hahaha. *juk lang*

Basta sa araw ng PASKO, PASKO.

Iyon lang at wala ng iba pa. Nagpapakasaya na lang ako sa araw na iyon. Babalewalain ang mga NEGATIBONG ATAKE na maaaring mangyari.

WASAK!!

Nagkatayaan Kami

The 8 facts about yourself, you share 8 things that your readers don't know about you. Then at the end you tag 8 other bloggers to keep the fun going.

*Each blogger post these rules first.

*Each blogger must start with eight random facts/habits about themselves.
* Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their eight things and post these rules.
* At the end of your blog, you need to choose eight people to get tagged and list their names.
* Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.

UNA: Hindi halata na nasa ikatlong baitang na ako sa kolehiyo, dahil pang ikalawang baitang ang gulang ko at hindi halata sa sukat ko. Pero ganon na 'yon, maaga akong pinasa ng mga naging guro ko sa mababa at mataas na paaralan at tinanggap naman ako ng lintiak na kolehiyo kahit ganito lang ako kalaki.

PANGALAWA: Nalulungkot akong wala akong kapatid. Ala akong utusan. *Oooopppsss, biro lang.* Malungkot talaga mag-isa, lalo na pag hapon pa ang pasok ko sa paaralan.

PANGATLO: Kaka-eytin ko lang po nitong ikalabing dalawa ng Disyembre, at binata na raw ako, sabi ng mga binata kong katoto.

PANG-APAT: Sa Bobong Pinoy University o BPU sa Friendster, ito ang mga nickname ko: Kristian, Kristopher, Daburcio, Marimaru, Cherryball, Tin tin, Kristina(nag-eexist pa ba ito?). Sa bahay naman, KAYE, K (letrang K lang talaga), NEGRA/NEGS (maitim daw ako eh), KEKA (dahil sa K). Sa paaralan naman, elem:, KAYE pa rin, o kaya KRISTIN (binuo na nila), isama mo na rito yung tawag nila sa akin (grade 6 kong classmates) na, BUTO, BUTOBONES, BONIE, BUNGO, SKULL, SKELETON, CROSSBONE at iba pang releyted sa BUTO. Tapos ito pa, ILONG. LAhat ng iyan eh nadala ko nung hayskul, sa isang kadahilanan lamang kung bakit tinawag nila akong ganyan, at iyon ay dahil sa BUTO ko sa ILONG na medyo mataas. Ito pa dagdag, PARROT nung HS, dahil pa rin sa ILONG ko. *Shet, lahat ng iyon ay dahil lamang sa aking ILONG *

PANGLIMA: Seryoso ako nung isinulat ko yung EYTIN WISES ko sa blog ko, ngunit sa kasamaang palad ay isa lang ang nagsabing ramdam nyang seryoso ako, at yung iba, ayun, TINAWANAN ako.

PANG-ANIM: Hindi ako pantay na tao. Hindi pantay ang porma ng ulo ko, behind ko, paa ko (mas malaki ng 1cm yung kaliwa, kaysa sa kanan), ring finger ko sa kaliwang kamay (hindi sila pantay nung pointer, di tulad nung kanang daliri ko), yung likod ko, baliko rin dahil may iskolyosis ako, sakit ng mayayaman, ang kaso, wala kaming pera. *Ahaha.*

PANGPITO: Pag nasa McDo ako, ito lang ino-order ko, "Number 7, pa-up sa float nung drinks, tas regular fries pa rin. Tsaka extra rice. Ay, Ate, pahinging ketchup ah." Tapos ito gagawin ko, bubuksan ko yung kanin, walang patungan, yung mesa lang talaga, tapos, bubuksan na rin yung burger, tanggalin yung isang slice then, lalagyan ng ketchup. Tapos, minsan, nilalagyan ko ng fries yung pagitan, parang dagdag palaman. Tapos, ito na yung main chuva, iuulam ko yung burger na may tinapay sa kanin. Pinagtitinginan ko ng mga tao sa McDo pag ginagawa ko yun, (yung mga malapit lang naman sa akin), tapos, yung float naman, yung baso, after ko maubos yung laman, nililinis ko, yung tipong pag malinis na, maaari nang ibalik sa pinagkuhanan, pupunasan na lang ng tissue. *Ahaha.*

PANGWALO: Biktima ako ng pag-ibig na kailanma'y di magiging akin. *Naks! Amf!*


Itataya ko sina:

1. John Jerome Parana Pingol
2. Maude Monica Iriberri
3. Maria Veronica Carmelo
4. Lorraine Parangue
5. John Cezar Mariano
6. Cristina Calibo
7. Brenz not Full
8. Chin Chin

Tama! Wasak!

May nabasa akong isang artikulo.
(mas magandang 'wag nyo na lang malaman kung anong artikulo ang yaon, dahil sa dahilang hindi ko maaaring bigkasin/i-tayp, churi!)

Ganito yan.

Sa pagbubuklat ng pahina ng Internet, partikular na ang pahina ng Friendster at Multiply, may nabasa akong kakaiba sa aking mga mata. *basahin ulit ang nasa itaas, wala ng tanong pa.*


*ano at sino kaya 'yon?*

************************************************************************************************************
Ito na yung kasunod, Nover 28 ko pa ito nasimulan, pero ngayon ko lang ulit abablikan at susubukang tapusin.
*************************************************************************************************************

Kaawa-awa ang sarili ko ng mga panahon nabasa ko yaon.
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Gusto ko ibalik yung dati naming kwentuhan, samahan, basta.
Ang gulo.
Hindi ko alam kung paano sisimulan ang araw ko kinabukasan noon.
Masakit. Nakakapanibugho ng damdamin. Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari,
Ang pakiramdam na pinagsakluban ka ng langit at lupa sa mga nabasa mo.
Yung alam mong, wala na talaga.
Yung hindi mo na pwedeng ibalik ang lahat, yung tipong walang wala na, wasak na wasak na, durog na durog na, sabog na sabog na.

Isang pakiramdam lang naman ang sigurado ako eh, WALA na, WALANG WALA na.
Hindi ko na maaaring ibalik ang lahat, hindi ko na rin mababalikan ang lahat
dahil nagsara ng ang pintuan ng lagusan.

Unti-unti akong nauubos. Nauupos na parang palito ng posporo.
Unti-unti akong nauubusan ng hininga, tulad nga naghihingalo sa ospital.
Unti-unti akong nalulugmok sa kaputikan, tulad ng isang kalabaw na naglulublob dito.
Unti-unti akong bumabagsak, parang mga debri ng ginagawang bilding.
Unti-unting humihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko na tila wala ng bukas.

Hindi ko alam ang gagawin.
Hindi ko alam kung paano sisimulan.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ibalik.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong balikan.

Ngunit, bagama't subalit, datapwat.

Kaluguran daka.


Yan lang ang alam ko.



Kaya kahit anong gawin kong pagnanais na maibalik at balikan kung anuman at sino ka man, ay hindi ko magawa, dahil sa mga balakid na nakaharang sa akin harapan.

Hindi ko hinagad o ninais na may masirang mga bagay bagay sa mundo. ngunit iisa lang talaga ang alam ko:

Kaluguran daka.

Gateway-Trinoma-Gateway

Ferds, Kat, Macky, Mark, Pau and I had a group date.

First stop:
Baba ng Tech. Bldg. waiting for Ferds and Mark.
*FYI: Muntik na akong hindi sumama, may chorva kasing nangyari.*
Sinundo ako ni Kat sa bahay para sumama. :D

Next:
Gateway.
Ako, Kat, Ferds at Wids. Dumating, text si Pau, si Macky.
Nagkita kami sa Bread Talk.
Kain kami ng D'Dutch, Goldie, Floss at yung Banana chuva ni Kat,
Dumating si Macky. Oooppss, si Pau na lang.
After minutes, dumating na.
Tae, hindi na aabot si Macky sa school. May class kasi siya ng 1PM, PHILMAN. Ahahaha.
Tas yun, hindi na sya pumasok.
Napagpasyahang pumunta sa sunod na stop.

Third Stop:
TriNoma.
Oh di ba ang saya? Usapan, Gateway lang, tas nauwi kami TriNoma.
Ahaha. Hindi naman na kasi pumasok si Macky kaya ayos lang.
Dito kami nanood ng 'One More Chance'.
Ahaha, pati yung tatlong lalaki, naki-One More Chance na rin. :D
Natapos ang pelikula, kain naman kami sa FoodChoices nila (aka, foodcourt).
Si Kat at Pau, Chef 'd Angelo, kami? Reyes Barbecue. Ahaha, mas mura sa school. :p Ayun, nagka-BI-yan na kanina, hindi na pumasok Macky, ang kaso, pumasok sila SECUNET. Ahaha., Wala man lang kaming group pic. Tae. Hahaha. Nakalimutan. Pumasok nga sila, late naman, 4 na dumating sa school. Hahaha. Umalis na sila, naiwan naman kami. Ooppss, may nakalimutan ako, *Trivia: si Pau natapilok sa TriNoma, si Kat kasi pinatalon, mali yung bagsak ng paa, tapilok tuloy, namamaga.* Tama, naiwan na kami. Aming napagpasyahang bumalik ng Gateway, magDQ raw. Ayun, balik kami Gateway, akyat papuntang DQ. Kain. Sarap. Libre eh. Hahaha.

Tapos, umuwi na kami. :D


Nanood kami ng One More Chance kanina, nakakatuwa, pati yung mga lalaki yun din pinanood. Ahahaha. Sa review na lang yung tungkol sa movie. :D

Ryan was there.

November 22, 2007.


May rally noong nakaraang araw sa Morayta, mga mag-aaral. Suot nila ang paborito kong kulay... itim. Napaisip ako, nariyan kaya si Ryan? (FYI: Si Ryan ay kaibigan ng aking kaibigan na si Allan, isang mag-aaral ng PUP, kumukuha ng Office Administration; Aktibista;). Nais ko sanang makiusyoso kung ano ang mayroon at kung ano ang ipinaglalaban ng mga naturang nagpapahayag ng kanilang saloobin. Maraming unipormadong kalalakihan ang nakabantay sa mga nagrarali. May trak din ng bumbero. Ganyan naman ang pigura kapag may rali. Sisipatin ko sanang mabuti kung naroroon si Ryan. Ngunit hindi ko nakita gawa mga ng maraming pulis at marami rin yung mga aktibista. Sa Friendster account nya, nag-photo comment dahil nakita ko ang larawan na kuha sa bilding ng FEU, at ito ang sinabi ko:

ay sus. sabi na kasama ka dyan eh. hahaha. nadaanan namin yan, hinahanap nga kita, baka kako makita kita, yun pala, talagang nandyan ka. hahaha. hindi ko alam kung ano yung nais ninyong maiparating sa pagtitipon na yaon, maaari bang malaman?

naririto ang larawan:





naririto ang kanyang sagot:

kaya kami nandun.. kasi...


d ba ang PUP o Polytechnic University of the Philippines at isang state University. ibig sabihin ang PUP pinopondohan ng gobyerno. dahil ito at paaralan ng mga kabataan na walang pera o nasa antas ng hindi kaya mag-aral sa mga private schools.... at naka lagay kasi sa Philippines constitution. na the government must allocate bigger budget in the sector of education... eh... sa PUP kasi ang bidget lang namin ay 570 Million... na pinaghahatian ng 16 16 branhes at extention.. at pinagkakasya sa 60 thousand na estudyante sa pangakabuuan... at dahil dun ay hindi tlaga nakakasapat ang mahigit 500 Million na budget para sa PUP... Maraming facilities sa PUP na dilapidated na at sabihin nating kailangan ng upgrade..!! ex. mga computer, laboratory equips. mga kulang sa chairs. electric fans, malinis na C.R. eh.. ang nangyayari imbis na mag-aral kami ng maayos at iniintindi pa namin ung mga ganung progblema,, kaya nga pag-PUP graduate ka eh sure na matiyaga ka.. kasi ilang taon kang ng-titiyaga sa maga ganun pahirap.... tpos ang masaklap dun kulang na nga ang budget... kung saan2 pa ginagamit ng administration ng PUP ang pera para sa mga beautification proj. na hindi naman namin kailangan .. dahil mas inuuna nila ang panlabas na anyo ng PUP hindi ung mga basic needs at facilities namin... particular na ng mga estudyente... isang pag-aabanduna un ng gobyerno sa aming mga iskolar ng bayan... at recent lang ay nag karoon ng 40.2 MILLION BUDGET CUT sa PUP.. sobra na talaga ung pangbubusabos samin ng gobyerno.. kulang na nga ung budget... binawasan pa.... baka hindi ako mag-taka na isang awaw... may isang estudyante na ng PUP ang maiipan ding magpakamatay... dahil sa hirap na dinaranas nya sa nag-aaral... aun... hindi naman sa we always demand for the help of the government... pero un talaga ung role/task nila... pero ano ginagawa nila..??? may pera sila pang-Bribe, may pera sila pang kurakot, pero pag dating sa pinaka-mahalagang bagay sa mga pilipino, "Ang EDUKASYON" ay wala sila pakailam..... aun.. kaya ikaw kristin??? sa tingin mo mali ba ang pinaglalaban namin???

(aun sana naintindihan mo... tnong ka lang kapag gusto mo pa mapalalim ung mga bagay2 o mailinaw pa ito..)



ito ang sagot ko:

saludo ako sa mga kabataang lumalaban para sa karapatan ng mga kapwa kabataan. nasa paaralan man o wala.

oo, naintindihan ko ang ganyang bagay.
maski naman sa aming mga nasa pribadong kolehiyo may ganyang din hinaing. ang biglaang pagtataas ng aming tuition fee ng limang bahagdan ay sobrang laki na para sa amin.

ewan nga sa gobyerno kung bakit sila ganyan. oo nga, sa dinami-dami ng nakukurakot ng mga yaong politiko, lalo na ang palasyo, ni mistulang hindi nila napapansin ang mga pamantasang kanilang dapat suportahan. nabibilang na nga kayo roon ang inyong paaralan at iba pang state university sa atin bansa. ginigipit nila sa badyet. hindi ba nila alam na isang karangalan kung sasabihin sa isang state university ka nagmula, kasi sasabihin nila, matiyaga ka, iskolar ka ng bayan. sadyang magara nga lang talaga ang pamamalakad ng ating bansa. grabe na ang mga pangyayari. dalangin ko lang na sana'y magkaroon ng kahit kaunting oras ang pamahalaan sa mga hinaing ng mga kabataan. paano na ang sinabi ni rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan kung ganyan ang nangyayari? pero sa isang banda, nasa sa atin pa rin naman ang desisyon kung paano natin isasalba ang mga sarili natin sa kumunoy na nais himila sa atin.

paano? tuloy lang ang laban parekoy! ingat palagi. god bless.



Nais ko lang itong maibahagi. Wala lang.