Paano ba ako napunta sa grupong ito?
Minsan akong nagpapalipat-lipat sa mga pahina ng naturang sayt. May nakita akong propayl (na hindi ko natandaan kung kanino) at aking nakita ang Bobong Pinoy University. Dati akong taga-kabila, sa Bobong Pinoy, at ayun nga una ako doon naging miyembro, tapos sa iba pang grupo hanggang sa nakita ko ito. Bilang isang abang umiidolo kay Bob Ong, sumali nga ako rito at nagsimula ang aking pakikipagsapalaran sa mundo ng mga bobo.
Aktib?
Nagpakaaktib-aktiban ako rito dahil ang kukulit ng mga bobo sa grupong ito, kapag nagbabasa ako, parang naririnig ko silang nagsasalita. Yung kakulitan ng mga "newbie poh!" kahit wan op da oldis na sila (may kilala ba kayong ganito?). Ayun, nakakatuwa kasi yung mga posts kaya nagpakaaktib-aktiban ako (minsa'y ako'y mawawala).
Galit kay Chin?
Hindi ako galit dun, wala akong galit dun, kay Kevin lang, kasi istrayk siks. Pis. Ahaha. Juks lang. Wala talaga, walang galit.
Basted?
Neber trayd.
Cute at Pretty Thread?
Matagal na akong hindi nagpost dun, kasi alam ko naman na sapat na yung meron at, kahit hindi ako magpost dun.
Toyo at Suka.
Pareho na lang, kasi masarap ang sabaw ng adobo pag magkasama silang dalawa eh.
Biglaang pagsulpot?
Ganon talaga, biglang mawawala parang bula, pero parang kabute na biglang susulpot.
Sarap at sarap?
Kamomn mamon. Sino ba? Si Tooooot ata. Ahaha. Juks.
Tambay sa pics?
Ala akong alam eh. Ahaha.
So ikwento ko na talaga?
Isa lang akong hamak na bumabasa noon ng aklat na akda ni Bob Ong, taong 2005 ko nakita yun, sa kasamaang palad eh apat na taon na pala ang nakakaraan ng isulat nya ang una nyang akda (ABNKKBSNPLAko?!), sa mga taong iyon (2001), kasalukuyan pa lamang akong musmos na kakatapos pa lang ng elementarya, kaya ako'y walang barya sa aking bulsa upang halughugin ang mga tindahan ng aklat. Dumaan ng ilan pang taon na siya ay nagsulat pa ng ibang akda (Bakit Baliktad magbasa ng Libro ang mga Pilipino?: 2002, Paboritong Libro ni Hudas: 2003). Okay, balik tayo 2005. Pers yir kaleyd ako noon, bagong salta sa mundo ng kamunduhan, bagong kapaligiran kaya kamunduhan. Nakita ko ang aking isang kamag-aral, may binabasang dilaw na aklat ngunit ito'y pabaliktad. At doon ko nga natuklasan si Bob. Ang una kong aklat ay ang naturang aklat, tama, ang dilaw na aklat. Pinabili ko lang ito noon. Libre! Libre! Sa National Bookstore, SM San Lazaro pa. Kasalukuyan din kasing bumili ng aklat si Tita kaya go! Tapos ang sumunod ata yung luntian, sa National SM Manila naman, binili ko yaon matapos kong samahan si Jayson sa Ongpin upang hanapin ang pinagpagawaan niya ng salamin sa mata. Pagkatapos nun, yung itim naman, National SM Manila pa rin ata. ITo na, lumabas ang ikaapat, ang dalandang aklat, gulat ako noon, bakit nag-iba ng dyanra si Bob? Yan ang tanong ko sa sarili ko noon, kaya hindi ko na ito binasa pa. Taong 2005 pa rin (mga ikawalang term) naman nang malaman ko ang Stainless Longganisa. Wasak! Bolpen ang pabalat, napaisip tuloy ako kung bakit bolpen. Hmp. Adik ba sya sa bolpen? At may Parker kaya siya? Muli, yan ang aking mga tanong. 2006, walang aklat na nailathala ang Visprint na akda ni Ginoong Bob. Taong 2007, Enero pa lamang akin nang inabangan ang paglabas ng susunod na aklat ni G. Bob, ang MACARTHUR. Tanda ko pa noon, halos mapraning ako kakahanap, dahil nakalathala noon na ilalabas ang naturang aklat ng buwan ng Mayo. Ngunit dumaan ang buwang yaon, walang MACARTHUR na nagpakita. Iyak. Iyak. Iyak. Balde ng luha.
Ngunit nang dumating ang susunod ng buwan, takte, pasukan na na siya nagpakita sa NAtional Bookstore sa Recto. Tae. Ayun. Yan ang kwento ni Bob Ong sa buhay ko.
Kwento ko pa ba lab layp ko?
Hhhmmppp.. Pag-iispan ko muna, sa ngayon masaya ako. Ahaha.
Sundan ko na ba?
*
Ahahaha.
O wel, geym!
San nyo ba gusto magsimula? Elementary? Biro lang, pero hindi nyo naman naiiwasan na makakita ng kyut na kaklase nung elementarya kayo eh. *ang kumontra, KJ!* Pano nga ba? Uhm, basta may kras ako nun elementary, wak nyo na alamin. Ahaha. Ayun!
Ge ge, hayskul na tayo. Ahaha, pers yir, uuhhmm, subok lang, pustahan ba. Tumagal yun ng tatlong buwan, pero ang nakakainis dun, ahaha, pinagkalat sa mga kakilala nyang hayer yir na anim na buwan. Kung hindi ba naman sya adik eh. Kaya ayun, nagalit ako sa kanya (pero ngayon hindi na, masama nga pala 'yon). Hindi ko s'ya talaga pinapansin noon. O wel, tapos naman na. Sekond yir naman, ahaha, adik, meron pa rin, itatago na lang natin s'ya sa pangalang Engeng (hindi tunay na pangalan, kaya itago), sipag nito, may bitbit lagi. Ahaha. Kung hindi apol (sa skul), pakwan (sa bahay naman 'to). Ayun. Tapos, pers taym ko rin nabigyan ng bulaklak nun, uso kasi nung hayskul yung nagtitinda ng rosas (pasimuno si Ms,. Cabigas, AMEN!). Ayun, nakatanggap ako nun sa kanya, tapos pag-uwi ko sa bahay, tukso na sila ng tukso, "Ay layk yu." O may gulay! Kamon mamon! Walang kinalaman yun, sayang yung rosas pag hindi ko tinanggap eh. Ahaha. O wel, basted, walang progres yun. Terd Yir naman, ahaha, ito malala, matagal. Uhm, besprend ko naging bida rito. Natatandaan ko pa nun, ahaha, nililigawan nya yung kaklase ko, tapos nung minsan tinanong kami kung gusto raw ba namin maging kami, aba'y ang aming sagot ay "YAK!" Ahah. Pero ayun, nauwi nga sa ganon. Lakas tama rin 'to eh, nakipag-inuman sa tatay ko. On en Op ang relasyon na ito. Abnoramal kasi, subali't, sapagka't, datapwa't tumagal ang naturang relasyon ng dalawang taon. Ang naging sanhi ng paghihiwalay: "Kinalimutan mo bertdey ko!", sabi nya yan sa akin ah. Ahaha, tas pol awt op lab. Ayun. So natapos yun, pers yir kaleyd ako.
Ito na ang Kaleyd. Adik! Walang alam sa mundo. Neneng nene. Ano raw? Una, si Taft, mahabang kwento, basta, walang nangyari roon. Ikalawa, si Morayta, wala ring nangyari. Ikatlo, si Sta. Mesa, "Hoy! Yung Balkbuk ko ibalik mo!", nanghiram lang ata ng libro 'to, tas kapangalan ko pa yung pururut nya. Ahaha. Ikaapat, si Palawan, takte iniwan ako nitong naka-hang sa balon eh. Iniwan nya yung pururut nya sa Cebu para sa akin, tapos iniwan nya ako para run kay Marikina. Ayun, so ala na. (Trivia: Tuwing lasing sya, nagtetext sya, mahal pa raw nya ako. Wasak! :lol:) Ikaanim, si Cubao, ayun, Bobo rin 'to, ahaha, wag na lang alamin. Ayun, may sintang pururut rin, sa kanya ko natutunan yung "Ang manok 'pag nakatali ,madaling hulihin/mahuli." Dahil sya ay manok na nakatali, tas nagpahuli pa. Ayun, naglaon, nung nakawala, bumalik din sya dun sa may-ari sa kanya. Wasak!
Pero ito yung malupit, ahaha. Isa kasing sabog yung ngayon, pero inlababo talaga ako sa abnornal na ito. sosyal ito, may sariling blog sa akawnt ko. Ahaha. *Pis tayo, kilala mo kung sino ka, Brenz, shatap!* Masaya ako sa kanya, kasi pareho kaming abnormal. Pareho pa ng grawnds na kinabibilangan, ang pinakamamahal ni Gng. Ekek. *Sa nakakaalam kung sino si Gng. Ekek, tahimik na lang kayo.* Basta, abnormal ito kaya ko inlababo.
Ge ayan, kumpleto na yung blog ko.
Acknowledgement:
Sa inyong mga Kabobo na tumangkilik sa akin dito.
Sa *alam mo na yon*.
Sa isponsor ko, ang aking kompyuter ko.
Ayun lang.
Salamat sa pagbabasa ng walang kwentang sulatin.
No comments:
Post a Comment