Thursday, January 10, 2008

Thank you sa iyo

Uuhhmm..

Paano ko ba sisimulan ang lahat?

Sige ganito na lang.

*Sana lang nababasa mo ito.*

Nagpapasalamat ako dahil nakilala kita sa loob ng pitumpu at dalawampung oras.
Nabigyang ngiti muli ang aking malungkot na puso, natutuwa akong may isang tulad mo pa rin naniniwala na dapat maging masaya ang buhay ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos na kahit papaano ay hinayaan nyang may makilala akong isang nilalang na alam nyang makapagbibigay ngiti sa akin sa sandaling panahon. Salamat sa mga tawag, teks, mensahe sa friendster, tsat, sa mga kanta, sa naudlot na pagbisita ang aming munting tahanan, sa naudlot na pagkikita sa ospital, sa lahat lahat, maraming, maraming salamat. Pinatunayan mo pa rin sa akin na maaari pa rin akong mahalin ng mga taong nakapaligid sa akin. Sa ilang araw na naging munting anghel ako sa buhay mo, babaunin ko yun sa aking paghimlay sa kawalan. Salamat at naging totoo ka sa pagsasabing ay, sa pagpapatuloy sa sinabi mo sa aking nais mo nang umiwas, masaya ako sa naging desisyon mo, masaya ako para sa'yo. Maski ako nararamdaman kong ganoon ang mangyayari kaya tanggap ko na yun, ang akin lang noon, sana sabihin mo sa akin, kasi hindi ko alam kung saan ako lulugar noong mga panahong iyon. Ngunit ngayon, alam ko na kung saan ako lulugar sa munting buhay mo at kung saan patungo ang itim na kolorete ng aking buhay, sa isang daan kung saan mas nanaisin kong makilala ka pa rin. Tatandaan ko lang yung sinabi mo sa akin na, "Basta ***, isipin mo lagi mahal kita, kapag ok na ang lahat..." Ramdam ko yun kahit wala ka sa tabi ko. Kahit hindi kita nakikita sa kadahilanang BULAG ako. Dahil sa iyo, natuto muling tumibok ng nalaglag kong puso sa balon na ni kahit ang iba'y hindi ito maabot. Maraming, maraming, maraming salamat sa lahat. Hindi ko alam kung paano ko maipapakita o maipaparamdam sa iyo ang aking taus-pusong pasasalamat sa ligayang iyong naipabatid sa akin buhay. Maraming, maraming, maraming salamat, sa liit ng panahong naigugulong mo upang makilala ako, sa pagpupuyat mo upang makausap ako, sa pagbibigay kumento sa sa akwant ko sa friendster, salamat talaga. Nawa'y pagpalain ka nang Maykapal. Tanggap ko anumang naging rason kung bakit nagkaganoon, siguro nga ay may nakita lang mas magandang balde sa balon at iyon ang pinili mong ipangsalok ng tubig upang ika'y mapuno ng saya. Bagama't subalit, datapwat NARITO LANG AKO sa paligid, nakamasid sa tagumapay na nais mong marating.

*Humingi ako kay God ng sign, kung darating ka sa pinakamahalagang araw ng aking buhay, kung itinakda niyang mangyari iyon, maaari na nyang gawin anuman ang nararapat para sa akin.*

Maghihintay lang ako kung babalik ka o hindi, kung darating ka o hindi, kung magiging maayos ang lahat o hindi. Naririto lang ako kung kakailanganin mo.

God bless.

FYI: Ikaw lang ang naipagdasal ko nang matagal sa Kanya.

No comments: