Thursday, January 10, 2008

Pers Taym ko. Aray!

ika-1 ng Setyembre, 2007.


Alas-6 ng umaga na ako tuluyang bumangon sa aking pagkakahiga. Mula sa alas singko y medya, ginigising na ako ng aking ina. Hindi ko alam kung bakit tamad na tamad ako bumangon. Ala lang sigurong inspirasyon. Mga alas dos ng madaling araw na rin ako natulog kanina dahil sa maiikling pelikulang proyekto sa kursong LITERAT. Mas maaga ito kaysa sa alas tres kong tulog nung Huwebes, dahil pa rin sa dahilang dinahilan ko kanina.

Nung araw na yaon Biyernes, maaga pa din ako nakapasok, ewan kung bakit kanina, wala akong gana tumayo sa pagkakabaon sa kutson. Ala sais y medya na ako nakalabas ng paliguan, sa wakas, natural ako'y nagbihis, dati rati kahit ganoong oras na ako natatapos, nakakaabot pa din ako ng quarter-to-seven na umalis ng bahay, ngunit kanina, ayun alas siyete na ako nakaalis.

Pers taym ko iyon. Alas siyete umalis ng bahay, pakiramdam ko huli na ako sa klase. Hay. Nakatungtong ako sa sahig ng FEU Tech Bldg., alas siyete diyes na. Tae, ang haba pa ng pila sa napakagandang elevator sa Tech, palibhasa hindi kanaisnais ang nangyari sa isa pang butas, may nakasulat "Out of Order". Tae. Tae. Tae. Hassle ito. As usual, ayun, tinahak ko ang mataas ng pangarap ng bawat langgam, ang hagdanan.

Dati rati, inaabot kong ala pang tao sa loob ng NetLabA kung saan dapat nagkaklase na ang I33. Kahit mga alas siyete impunto noon. Ngunit kanina, nagulat ako, may tatlong tao na doon. Hala. "Anong oras na ba?" tanong ko sa sarili ko sabay sulyap sa relos na nasa kaliwa pulso ko. Tae, alas siyete kinse na. Hay.

Pers taym ko talaga ng ganito. Ayoko nang maulit pa. Kahit alam kong late pumapasok yung guro ko.

Ayoko na!!!

P.S.

At least tapos na yung lintik na pinagpuyatan ko. :))

No comments: