I wrote this blog last November 5, 2007.
Hindi ko alam kung ano ang iisipin nga mga tao sa artikulong aking isusulat ngayon.
Hindi ko alam kung tatanggapin ba ng mga tao ang mga nilalaman nito.
Ang akin lang, nais kong maibahagi ito sa paraan na aking alam, sa paraang alam kong wala akong masasagasaan na kung anuman, sa pagsusulat.
Hindi ko sinasabing tama ang naturang paksa. Ngunit inaanyayahan kita samahan akong tuklasin ang natatagong lihim na nakayakap sa paksang ito. Tama man ito o
Atin itong umpisahan sa depinisyon na aking nakuha mula sa Encarta Dictionary.
| ||||||||||||
|
SOURCE: click here
May nabasa ako noon na libro, "Facts About Life" ata ang pamagat nito kung hindi pa mababa ang memorya ko. Hayskul ako ng aking mabasa ang naturang aklat, kung hindi ako nagkakamali nasa ikalawang baitang ako noon. Nakita ko ang aklat sa salansanan, nilalaman nito ang lahat lahat kung paano nabubuo ang isang tao, kung ano ang silbi ng mga organ sa katawan nito, kung paano ang nagsimula ang pagtatagpo ng sperm at egg cell sa matres ng isang babae.
Nakapaloob sa aklat nito lahat, pati ang ang itsura ng nagtagpong seks organ ng tao sa katawan ng babae. May mga nakalimbag din na tawag o bansag sa organ doon. Dalawang pahina ang may ganoong drowing. Ngunit may isang nakatawag pansin sa aking malilikot na mga mata, ang MASTURBATION, maliit lamang ang lugar sa naturang pahina ng aklat. Nasasaad doon na hindi raw maganda sa katawan ang pagbabate, ngunit sa isang banda nama'y maganda ito. Ano nga ba talaga?
Sa pagbabasa ko naman ng aklat ukol kay Sigmund Freud, aking napag-alaman ng nagsimula ang pagbabate noong munting sanggol pa ang bawat nilalang. Lalo na't may drowing doon na isang sanggol na lalaki ang nagbabate. Ang paghawak/paglalaro sa ari ng sanggol/bata ay isang porma ng pagbabate. Sabi sabi rin na, ang simpleng pagkuyakoy ng binti/paa ay isang ring porma ng pagbabate na HINDI nalalaman ng naturang nilalang na siya pala ay nagbabate na. Patunay ng sabi sabing ito ay ang minsang pagsita ng aking guro sa ART APPRECIATION sa walang malay kong katoto sa silid-aralan na nagkukuyakoy. Sabi ng aking guro, "Nagmamasturbate ka? Pag mamasturbate yan eh." Ayun, nalinawan ako, kahit may pagtataka sa aking isipan kung bakit naging porma ito ng pagbabate. Kahit ang buong klase ay mariing nagtaka rin.
Kung iisipin mo, sa ganitong paksa, "lalaki lang kaya ang gumagawa nito?", "ang mga babae kaya, ginagawa rin ito?", "gaano kadalas nila ginagawa ang naturang bagay?". Ako'y may sagot sa mga katanungan iyan. HINDI LANG LALAKI ANG NAGBABATE, MAY MGA BABAE RING GUMAGAWA NITO, NGUNIT AYAW LANG UMAMIN SA NATURANG KILOS. GAANO KADALAS? HINDI KO MASASABI, DAHIL ANG NATURANG NILALANG LAMANG NA GUMAGAWA NG KILOS ANG MAKAPAGSASABI NIYAN AT MAAARING MAGULAT KA PA KUNG MALAMAN MONG ARAW ARAW NILA GINAGAWA ITO, SA ISANG ARAW MAAARING ISA, DALAWA, TATLO O KAYA'Y APAT PA. May nagtanong sa isang porum na aking napuntahan para sa mas malawak na pag-iisip sa artikulo kong ito, "NAKAKAANTOK DAW BA ANG PAGBABATE?" Isa lang ang maisasagot ko, "Oo, ito'y nakakaantok." Ayon yan sa karanasan ng isang katoto na kanyang nabanggit ng minsa'y aming mapag-usapan ang paksa. Mabilis daw makatulog ang mga taong gumagawa nito, marahil sa pagod sa kanyang gawa. Minsan ding nabanggit ng naturang katoto na araw araw nya ito ginagawa, dahil sya raw ay maglilibog sa araw na yaon pag hindi nya ito ginawa, na siya namang sinang-ayunan ng isa pang katoto.
Para sa akin, NORMAL ang naturang aksyon, ang pagbabate, kasama ito sa pagtahak ng bawat nilalang sa kanya pagbukas ng kanyang kaisipan sa totoong kulay ng buhay sa pisikal na pagtuklas ng kanyang katauhan. Bahagi ng buhay ng tao ito, nagiging masama lang dahil nagiging sobra ang paggawa nito, ngunit kung hindi naman, tulong din ito sa libidong namumuo sa katauhan ng tao.
Ang mga sumusunod ay mga porum/sayt kung saang binigyang-diin ang pagbabate. (Maaaring i-klik ang mga sumusunod)
Magandang gabi!
Matagal ko na binalak na gumawa ng post na ganito, ngunit ngayon lang ako nakahugot ng lakas ng loob mula sa aking baul.
Hindi na ako ngayon magkakaroon ng agam agam kung anuman ang magiging reaksyon ng bawat babasa ng naturang artikulo ko.
Salamat sa pagbasa!
No comments:
Post a Comment