November 22, 2007.
May rally noong nakaraang araw sa Morayta, mga mag-aaral. Suot nila ang paborito kong kulay... itim. Napaisip ako, nariyan kaya si Ryan? (FYI: Si Ryan ay kaibigan ng aking kaibigan na si Allan, isang mag-aaral ng PUP, kumukuha ng Office Administration; Aktibista;). Nais ko sanang makiusyoso kung ano ang mayroon at kung ano ang ipinaglalaban ng mga naturang nagpapahayag ng kanilang saloobin. Maraming unipormadong kalalakihan ang nakabantay sa mga nagrarali. May trak din ng bumbero. Ganyan naman ang pigura kapag may rali. Sisipatin ko sanang mabuti kung naroroon si Ryan. Ngunit hindi ko nakita gawa mga ng maraming pulis at marami rin yung mga aktibista. Sa Friendster account nya, nag-photo comment dahil nakita ko ang larawan na kuha sa bilding ng FEU, at ito ang sinabi ko:
ay sus. sabi na kasama ka dyan eh. hahaha. nadaanan namin yan, hinahanap nga kita, baka kako makita kita, yun pala, talagang nandyan ka. hahaha. hindi ko alam kung ano yung nais ninyong maiparating sa pagtitipon na yaon, maaari bang malaman?
naririto ang larawan:
naririto ang kanyang sagot:
kaya kami nandun.. kasi...
d ba ang PUP o Polytechnic University of the Philippines at isang state University. ibig sabihin ang PUP pinopondohan ng gobyerno. dahil ito at paaralan ng mga kabataan na walang pera o nasa antas ng hindi kaya mag-aral sa mga private schools.... at naka lagay kasi sa Philippines constitution. na the government must allocate bigger budget in the sector of education... eh... sa PUP kasi ang bidget lang namin ay 570 Million... na pinaghahatian ng 16 16 branhes at extention.. at pinagkakasya sa 60 thousand na estudyante sa pangakabuuan... at dahil dun ay hindi tlaga nakakasapat ang mahigit 500 Million na budget para sa PUP... Maraming facilities sa PUP na dilapidated na at sabihin nating kailangan ng upgrade..!! ex. mga computer, laboratory equips. mga kulang sa chairs. electric fans, malinis na C.R. eh.. ang nangyayari imbis na mag-aral kami ng maayos at iniintindi pa namin ung mga ganung progblema,, kaya nga pag-PUP graduate ka eh sure na matiyaga ka.. kasi ilang taon kang ng-titiyaga sa maga ganun pahirap.... tpos ang masaklap dun kulang na nga ang budget... kung saan2 pa ginagamit ng administration ng PUP ang pera para sa mga beautification proj. na hindi naman namin kailangan .. dahil mas inuuna nila ang panlabas na anyo ng PUP hindi ung mga basic needs at facilities namin... particular na ng mga estudyente... isang pag-aabanduna un ng gobyerno sa aming mga iskolar ng bayan... at recent lang ay nag karoon ng 40.2 MILLION BUDGET CUT sa PUP.. sobra na talaga ung pangbubusabos samin ng gobyerno.. kulang na nga ung budget... binawasan pa.... baka hindi ako mag-taka na isang awaw... may isang estudyante na ng PUP ang maiipan ding magpakamatay... dahil sa hirap na dinaranas nya sa nag-aaral... aun... hindi naman sa we always demand for the help of the government... pero un talaga ung role/task nila... pero ano ginagawa nila..??? may pera sila pang-Bribe, may pera sila pang kurakot, pero pag dating sa pinaka-mahalagang bagay sa mga pilipino, "Ang EDUKASYON" ay wala sila pakailam..... aun.. kaya ikaw kristin??? sa tingin mo mali ba ang pinaglalaban namin???
(aun sana naintindihan mo... tnong ka lang kapag gusto mo pa mapalalim ung mga bagay2 o mailinaw pa ito..)
ito ang sagot ko:
saludo ako sa mga kabataang lumalaban para sa karapatan ng mga kapwa kabataan. nasa paaralan man o wala.
oo, naintindihan ko ang ganyang bagay.
maski naman sa aming mga nasa pribadong kolehiyo may ganyang din hinaing. ang biglaang pagtataas ng aming tuition fee ng limang bahagdan ay sobrang laki na para sa amin.
ewan nga sa gobyerno kung bakit sila ganyan. oo nga, sa dinami-dami ng nakukurakot ng mga yaong politiko, lalo na ang palasyo, ni mistulang hindi nila napapansin ang mga pamantasang kanilang dapat suportahan. nabibilang na nga kayo roon ang inyong paaralan at iba pang state university sa atin bansa. ginigipit nila sa badyet. hindi ba nila alam na isang karangalan kung sasabihin sa isang state university ka nagmula, kasi sasabihin nila, matiyaga ka, iskolar ka ng bayan. sadyang magara nga lang talaga ang pamamalakad ng ating bansa. grabe na ang mga pangyayari. dalangin ko lang na sana'y magkaroon ng kahit kaunting oras ang pamahalaan sa mga hinaing ng mga kabataan. paano na ang sinabi ni rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan kung ganyan ang nangyayari? pero sa isang banda, nasa sa atin pa rin naman ang desisyon kung paano natin isasalba ang mga sarili natin sa kumunoy na nais himila sa atin.
paano? tuloy lang ang laban parekoy! ingat palagi. god bless.
Nais ko lang itong maibahagi. Wala lang.
No comments:
Post a Comment