Posted last July 13, 2007
Simula ngayong araw ako ay tatahimik na ako.
Magsaawalang kibo sa kahat ng bagay na nangyayari sa aking paligid,
Makikinig na lang ako sa lahat ng sasabihin ng mga tao sa paligid ko at ilalabas sa kabilang tainga ko ang hindi magagandang adhikain ng mga kapwa ko tauhan sa kwento at ititira sa aking kaisipang ang mga bagay na maaari kong magamit sa darating na panahon.
Iba't ibang klase tauhan ang mayroon sa isang drama, sa isang kwento.
May bida, may kontrabida, may ekstra, may poste, may palamuti, may taga-hila, taga-buhat, taga-hanap.
Alam ko, sobrang may madaldal na tauhan sa kwento, yung tipong nasisira ang lahat ng dahil sa kanya.
Hindi man kanais-nais sa inyong pandinig ngunit kung ikaw man ang nasa kalagayan ng taong ganoon ang sitwasyon, ano kayang mararamdaman mo? Magigilti ka ba? Maawa sa sarili mo? O pipili ka ng isang desisyon na sa tingin mong mas magiging maayos lang lahat pag nanahimik ka na lang?
Mahirap lumugar kung saan hindi mo alam kung anong klase at saang lugar o panahon ang nais mong patunguhan.
Hirap makibagay sa mga tauhan sa kwento na pareho kayong hindi nagkakaintindihan, pareho kayong naguguluhan, pareho kayong hindi nagkakaintindihan.
Ako, mas nanaisin kong harapin ako ng kasamahan ko sa kwento kung anog nais niyang mangyari sa aming istorya, kung gusto na ba nila akong palitan, o gusto na nila akong pagpahingahin.
Matatanggap kong lahat dahil alam kong ako ang dahilan ng kung anumang gulo ang bumabalot ngayon sa kwento.
No comments:
Post a Comment