Thursday, January 10, 2008

Nagkatayaan Kami

The 8 facts about yourself, you share 8 things that your readers don't know about you. Then at the end you tag 8 other bloggers to keep the fun going.

*Each blogger post these rules first.

*Each blogger must start with eight random facts/habits about themselves.
* Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their eight things and post these rules.
* At the end of your blog, you need to choose eight people to get tagged and list their names.
* Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.

UNA: Hindi halata na nasa ikatlong baitang na ako sa kolehiyo, dahil pang ikalawang baitang ang gulang ko at hindi halata sa sukat ko. Pero ganon na 'yon, maaga akong pinasa ng mga naging guro ko sa mababa at mataas na paaralan at tinanggap naman ako ng lintiak na kolehiyo kahit ganito lang ako kalaki.

PANGALAWA: Nalulungkot akong wala akong kapatid. Ala akong utusan. *Oooopppsss, biro lang.* Malungkot talaga mag-isa, lalo na pag hapon pa ang pasok ko sa paaralan.

PANGATLO: Kaka-eytin ko lang po nitong ikalabing dalawa ng Disyembre, at binata na raw ako, sabi ng mga binata kong katoto.

PANG-APAT: Sa Bobong Pinoy University o BPU sa Friendster, ito ang mga nickname ko: Kristian, Kristopher, Daburcio, Marimaru, Cherryball, Tin tin, Kristina(nag-eexist pa ba ito?). Sa bahay naman, KAYE, K (letrang K lang talaga), NEGRA/NEGS (maitim daw ako eh), KEKA (dahil sa K). Sa paaralan naman, elem:, KAYE pa rin, o kaya KRISTIN (binuo na nila), isama mo na rito yung tawag nila sa akin (grade 6 kong classmates) na, BUTO, BUTOBONES, BONIE, BUNGO, SKULL, SKELETON, CROSSBONE at iba pang releyted sa BUTO. Tapos ito pa, ILONG. LAhat ng iyan eh nadala ko nung hayskul, sa isang kadahilanan lamang kung bakit tinawag nila akong ganyan, at iyon ay dahil sa BUTO ko sa ILONG na medyo mataas. Ito pa dagdag, PARROT nung HS, dahil pa rin sa ILONG ko. *Shet, lahat ng iyon ay dahil lamang sa aking ILONG *

PANGLIMA: Seryoso ako nung isinulat ko yung EYTIN WISES ko sa blog ko, ngunit sa kasamaang palad ay isa lang ang nagsabing ramdam nyang seryoso ako, at yung iba, ayun, TINAWANAN ako.

PANG-ANIM: Hindi ako pantay na tao. Hindi pantay ang porma ng ulo ko, behind ko, paa ko (mas malaki ng 1cm yung kaliwa, kaysa sa kanan), ring finger ko sa kaliwang kamay (hindi sila pantay nung pointer, di tulad nung kanang daliri ko), yung likod ko, baliko rin dahil may iskolyosis ako, sakit ng mayayaman, ang kaso, wala kaming pera. *Ahaha.*

PANGPITO: Pag nasa McDo ako, ito lang ino-order ko, "Number 7, pa-up sa float nung drinks, tas regular fries pa rin. Tsaka extra rice. Ay, Ate, pahinging ketchup ah." Tapos ito gagawin ko, bubuksan ko yung kanin, walang patungan, yung mesa lang talaga, tapos, bubuksan na rin yung burger, tanggalin yung isang slice then, lalagyan ng ketchup. Tapos, minsan, nilalagyan ko ng fries yung pagitan, parang dagdag palaman. Tapos, ito na yung main chuva, iuulam ko yung burger na may tinapay sa kanin. Pinagtitinginan ko ng mga tao sa McDo pag ginagawa ko yun, (yung mga malapit lang naman sa akin), tapos, yung float naman, yung baso, after ko maubos yung laman, nililinis ko, yung tipong pag malinis na, maaari nang ibalik sa pinagkuhanan, pupunasan na lang ng tissue. *Ahaha.*

PANGWALO: Biktima ako ng pag-ibig na kailanma'y di magiging akin. *Naks! Amf!*


Itataya ko sina:

1. John Jerome Parana Pingol
2. Maude Monica Iriberri
3. Maria Veronica Carmelo
4. Lorraine Parangue
5. John Cezar Mariano
6. Cristina Calibo
7. Brenz not Full
8. Chin Chin

No comments: