September 4, 2007.
Nakakapagpanting ng tainga ang bawat katagang narinig ko sa aking mga propesor. Nakakarindi, nakakawindang, hindi ko lubos maisip na ganoon ang nais mangyari ng aking paaralan.
Una, yung isang kursong tinatawag na SECUNET o 'Security Networking' na sa batch namin i-te-test na maaari namin kuhanin sa susunod na semestre.
Pangalawa, yung 'Moodle'. Ito ang yaong web-based na e-learning ekek na ginagamit namin sa kursong WEBTECH, sa CS naman WEBDEVT. Minsan bagsak ang sa sistema ng web-based ekek na ito, hindi maakses, wala tuloy magawa.
Pangatlo, ang kursong PROJECT na maaari naming kuhanin sa susunod ulit na semestre. Ayun, hindi na daw ito 'inside-of-school' malamang sa alamang ay makakuha kami ng proyekto sa labas, at ito pa, may ka-ekekan pang 'not-an-ordinary-web-based-project', kailangan napagana namin yung J2ME na siya namang pinahapyawan sa isa naming kursong tinawag na OBJPROG. Pinakitaan lang kami nito kung paano gumana, at yung koding nito. Halo-halo na ito kung baga. PHP, J2ME, HTML, CSS, XHTML, DHTML, Flash, Dreamweaver, Fireworks, lahat lahat ng MMEDIA namin. Hay.
Pang-apat, ang 'midterm plus final grade divided by two'. Tae, kung kailan matatapos ang term namin ngayon pa namin nalaman ito. At ni hindi man lang kinunsulta ang mga mag-aaral, gayong kampante ang mga ito sa 'no bearing' ang midterms, dahil finals ang mahalaga sa amin. Ngayon pa, sa isang kurso namin na tawag ay BUSIPRO, ang midterm namin ay 0.5, ibig sabihin, bagsak, isa lang ang pumasa sa midterm dito. Tae naman, kahit makakuha kami ng UNO wala pa rin. Lintik.
Ang panghuli, ang ISKOLARSYIP PANGAKADEMIKO, tae, nabibilang ako rito. Ang hirap na kumuha ng ganitong pribilehiyo, kailangan mong makakuha ng 2.5 sa bawat subject mo para ma-avail mo ang 50 baghagdang diskwento sa tuwisyon at misilenyus pis ng paaralan. Ay tae, eh pano kung nangyari ang lahat 0.5, pano na ang iskolarsyip kung midterms plus finals divided by two. Wala na, patay na, hindi ko alam kung marami pa ang makaka-avail nito. Pero kung sabagay, meron naman siguro. Pero ako, mukhang
Hay.
Salamat sa pagbasa ng himutok ng butsi ko.
Salamat.
Salamat.
Salamat.
No comments:
Post a Comment