Thursday, January 10, 2008

Puso o Puso?!?!?!

Isinulat ko noong nakaraang Hunyo 29, 2007. Windang din ako sa PUSO ko noon. Kaya ito, nakagawa ako ng post na ganito. Ewan, hindi ko rin kasi maintindihan sarili ko eh. Bsahin mo na lang. Salamat.



Sa mga babasa: Ito ay aking pananaw lamang, walang anumang damdamin ang nais madaanan ng aking nais iparating. Salamat.

----------------------------------------------------------------------------------

Ano nga ba ang nararapat sundin ng bawat tao sa pagdedesisyon sa kanilang buhay pag-ibig?

PUSO o PUSO?

Ang unang PUSO, ay ang literal na PUSO. yung tumitibok, nagpapakalat ng dugo sa ating buong katawan, nararamdaman mong may parang dram sa loob mo kung sinubukan mong pigilan ang iyong paghinga, inooperahan, binubuksan, umaatake, bina-by-pass, pula, nahahati sa dalawa (kaliwa at kanan), nasa pagitan ng baga ng tao (medyo ipihit mo ng kaunti sa bandang kaliwa, yan, nadali mo!).

Sabi nila ito raw ang tumatakbo/tumitibok kapag umiibig ang isang tao, ngunit paano? Sinasabi ba nito na, "Hoy! Tanga! Tumitibok ako, iniibig ko yung tao na yan!"? 'di ba, hindi? Hindi naman siya nakakapagsalita, nag-pa-palpiteyt lamang siya upang magbigay buhay, ng dugo, ngunit bakit ganoon? Anong mayroon ang pusong yaon at bakit niya nagagawang miserable ang buhay ng isang tao kapag bigo ito sa pag-ibig? Isa lamang itong bagay na sinlaki ng kamao mo, ngutnig ang laking bagay ang nagagawa nito sa'yo.

Pagtulak sa isang atraksyon sa isang tao, pag-ibig daw yan. :)

Ikalawang PUSO. Ang pusong ito ay puso ng isang tao/buhay/patay/ etc., tawagin mo sa anong paraan na nais mo. Ang pusong ito ang nag-iisip, "Tama ba ang gagawin ko?" Ang pusong tinutukoy ko ay ang pusong kasama ang "isip" sa bawat desisyong kanyang tinatahak. Kadalasan ginagamit ang puso upang sabihin na mahal mo ang isang tao, ngunit paano nasasabi ng puso mo na mahal mo nga, kung hindi mo inisip ang iyong sinasambit? Masakit tanggapin ang katotohanan na ang desisyon ng puso lamang ay walang kapalit, ngunit ang pusong may kasamang pag-iisip, ay madaling tanggapin. Dahil alam mong gumawa ka ng desisyon na nararapat. Hindi basta-basta, pinagnilayan, inusisa, pinag-isipan, ipinagdasal. Yan ang puso ng bawat tao.

Wala akong sagot sa tanong kong PUSO o PUSO dahil sa tingin ko ay may kulang pa sa aking buhay upang masagot ko iyon, ngunit, sisikapin kong maging mabuhay ng tama, mag-isip ng tama, mag-usisa ng tama.

----------------------------------------------------------------------------------

Ang puso ay isang instrumento na ginagamit sa buhay ng tao upang siya'y mabuhay, magdesisyon, magmahal, mag-isip at kung ano pa ang iyong maisip.

----------------------------------------------------------------------------------

P-pagmamahal; pag-iisip; pagdedesisyon

U-usisa; ulayan

S-silakbo; sinta

O-oras

----------------------------------------------------------------------------------

Ang bawat titik sa buhay mo ay kasama mo ang puso.

Nawa'y naguluhan ka sa pos ko.

Bagaman at naguluhan ka, ako'y nagpapasalamat sa iyong pagbabasa.

Ikaw ay mag-iingat sana.

Kasiyahan ka nawa ng Maykapal.

No comments: