Wednesday, January 09, 2008

Ako po si..

Unang post ko ito ulit.
Dahil ang lintik kong memorya ay muling humina at kinalimutan ang
password na aking gamit sa una kong blog, ang
http://thegirlnamedme.blogspot.com. (erase. erase. erase.)
Kaya ito, gumawa ako ng bago.

Kakalapalan ko na ang mukha ko.
Kaka-panext ko pa lang, kaya ganyan ang URL ko,
inengbuang-panext.


Ako si Ineng.
Oh well, isa akong kaka-panext pa lamang.
Ineng Buang na lang ang itawag ninyo sa akin,
dahil, kalahating Ineng ako at lakahating Buang.
Ayon yan kay Boy Ulo at Buang ko.

Kasalukuyan pa rin akong nag-aaral.
Isang taon na lang, matatapos na rin ako (sana, cross-fingers).
Kinukuha ko ang kursong
Batselor op Sayans in Inpormasyon Teknologi.
Maayos naman ang aking kurso kung ako'y tatanungin nyo.
(UPDATE: Kakatapos ko lang mag-thesis, at sooooobrang hirap nito. Tu poynt payb ang aming grado.)
Ginusto ko naman ang kursong ito, at minahal ko dahil kay Bob Ong.
;)


Mahilig akong magbasa ng gawa ni Bob Ong.
Una kong nabasa ang Dilaw na Aklat (Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?),
natuwa ako sa aklat na ito, nakita ko lang itong binabasa ng isa kong kamag-aral,
ayun, sa kakikutan ng aking pag-iisip, nagpabili ako ng aklat na ito. (yan lang ang ipinabili ko)
Sumunod na ang Luntiang aklat, Itim na aklat, Puti, Dalandan at ang pinakabago, ang Pula.
Ibinalik ni Ginoong Bob ang interes kong magbasa. Hindi kasi ako mahilig magbasa ng aklat, kaya hayun,
nang masimulan kong magbasa eh, tuluy-tuloy na. (hindi nga lang textbooks)

Sa mga hindi pa nakakabasa ng aklat ni Bob Ong, magbasa na kayo!!



Kelan lang ako naging isang BREWSTER. Ipinakilala ito sa amin ng aming kagrupo na itatago natin sa pangalang
Boy Ulo, tama s'ya ang nabanggit sa itaas. Dati ayaw namin makinig dahil kasagsagan ng aming tesis yaon.
Pero nang minsan namin itong napakinggan, natuwa na kami.

Isang akong BREWHA, dahil ako'y isang babae. Wasak!
Ahaha.

O wel, ayan, nagpakilala na ako ng kaunti, tuklasin nyo na lang yung iba sa mga blog entris ko.

Have a nice reading! Hope you like it.

No comments: