September 12, 2007.
Grabe ang dinulot nitong pinsala sa buong kaMaynilaan.
Sarado ang kalahati ng Commonwealth.
Ang NLEX at SLEX may check points din.
Anim na libong Kapulisan ang inilatag sa buong kaMaynilaan at meron pang nakaistambay na militar sa kanilang hedkwarters dito sa Maynila.
Kamusta naman yon?
Ang ilang paaralan sa paligid ng ating tinitingalang bahay sa ating bansa ang walang pasok.
Ito ay ang Beda, CEU, Baste, LaCo.
Hello!!! Exxagerated ah.
Iisang tao lang naman si Erap, bakit kailangang walang pasok?
Bakit kailangang anim na libong pulis?
Bakit kailangang super standy-by ang mga tao para sa hatol na ito?
Maraming may nais mapawalang-sala siya (tulad ng mga Pro sa kanya at si
Takot ba ang Malacanang o ang Gabinete ni Gloria kung mapapawalang bisa si Erap?
Sobrang dami kapulisan, mas marami pa sa mga nagrarally.
Takot ba si Gloria at nagawa pa niyang ipakansela ang kanyang mga agenda sa araw na ito.
"We are moving on as a nation." - PGMA
Tanong ko, paano tayo mag-move on?
Hay.
Sobrang grabe talaga.
Game na.
Ganito yun.
Araw nga ng paghatol kay Erap, pupunta kami sa debut ni Anne sa bahay nila sa Lubao.
Magdadalawang isip ang nanay ko kung papayagan akong umalis dahil nga sa pesteng paghatol na yan.
Tatagal daw ito ng tumataginting na APAT na oras.
E lintik, LABING DALAWANG MINUTO LANG TUMAGAL.
Summary pala yung binasa, letse!
Pero sige tuloy pa din kami.
Ang layo kaya ng NLEX sa Commonwealth.
Pero sige, ganito.
Nilalakbay namin ang NLEX, wala pa nga ata mga nasa Avenida pa lang kami, "PAGHATOL" na ang nakikita ko sa bawat paligid ko.
Dyaryo. TV. Radyo.
Mula sa pag dating nina Mayor Lim at Mayor Binay sa Batasan ay dokyumentaryo ng bawat istasyon ng telebisyon dito sa ating bansa.
Bandang alas nueve-kinse ata nun, Pampanga na kami, hinatulan si Erap.
Not Guilty sa kasong Perjury.
Ngunit Guilty sa kasong Pamdarambong/Plunder.
Hay.
Ano naman kung guilty or not guilty siya?
Ano naman magagawa nunsa buhay ng bawat mamamayang Pilipino?
Yung pro sa kanya malulungkot?
At yung anti matutuwa?
Matutuwa ang mga tao sa Malacanang?
Malulungkot ang pamilya Estrada?
Kaawa-awang Donya Mary, hindi nya alam na Guilty si Erap.
Hay.
Ano ba ito?
Wala lang.
Nahihiwagaan lang kasi ako sa kanilang lahat.
Ano ang magagawa nito?
Bakit dapat ganoon karamiang kailangang italaga sa buong kaMaynilaan, tatakas ba si Erap?
Hay naku.
Masyado kayong nagmamalabis.
Potang buhay to.
Si Erap, dinadamayan ako. :))
Bagsak ng Pre-final sa BUSIPRO>
:))
No comments:
Post a Comment