September 7, 2007
Walang yang final exam sa COMPARC yan. Natuyo ang utak ko. Natuyo ang katawan ko (lumabas lahat ng taba, kulang na lang pati laman). Natuyo rin ang bibig ko.
Flash back tayo guys:
Kagabi: Nag-aral ako lahat ng exams, nagbasa din ako ng 'for-the-whole-term' handouts natin. Pati assignments binalikan ko. Ala una na nga ako nakatulog.
Kanina: Tuluyan akong bumangon sa pagkakahiga bandang alas singko, bagama't tumunog ang selpon ko ng alas kwatro. Ayun, balik ulit ako sa lamesa. Basa. Basa. Basa. Pagdating ng alas sais y medya, sabi ko sa tatay ko, "Daddy, gisingin mo ako ala siyete ah!" At ayun, nagising naman ako nang hindi nya ginigising. Umalis ako ng bahay mga 0815 na na umaga. Dumating ako sa paaralan ng bandang mga 0825 (paalala: nasa ika-siyam na palapag ang kwartong ginamit namin, T901). Pagkarating na pagkarating ko, ayun, ako pa lang mag-isa. Malamig sa naturang kwarto. Dumating sina Girlie at Ren. May naalala ako, "Tae, wala akong calcu! :((." At nagsidatingan na rin ang iba, si Supan, Jhoan at Krischelle. 0830 na nun, sabi ni Supan, pwede pa daw ako umuwi. Sige. Sige. Umuwi ako. Kinuha ang ginto kong calculator. Hala. Taena, yung dyip na nasakyan ko pabalik, ay walang dyo, naghihintay pa ng sasakay. kwarter tu nayn na, nasa gitna pa ako ng daan. Menos diyes para alas nuebe, nasa kalye R. Papa na ako malapit na sa paaralan, patawid). Bwisit, pag dating ko sa palapag ng teknologi bilding, adik, haba ng pila. Wala akong nagawa kundi, gamitin ang pangarap na bituin ng mga langgam, ang magHAGDANAN. Huhuhuhu. Naabot ko ang sumusunod: FEU Pudkort; sekon plor; terd; port; pip; siks; seben; eyt... onti na lang nayn na!! Hay. Pag dating ko sa klasrum, patang pata ang mga tuhod ko, animo'y nakipagbuno sa maraming kabayo. Hahaha. Lantang lanta ang mga ito. Wala itong lakas, ayaw nitong tumayo, pagod na pagod. Nakabuti naman ito ng kaunti, dahil ilang minuto lang, dumating si Ginoong Mahaguay, aming propesor at proktor.
Ito na ang tsalenyd:
Exam type: Multiple Choice
Items: ONE HUNDRED
Easy: NO
Average: NO
Difficult: YES
(Hay, parang QUIZ BEE lang)
Ang hirap, malapit na mag-alas-onse, kol taym kumbaga. Wala pa ni isang kaluluwang tumatayo, lahat ata kami'y napako sa aming kinauupuan. Panigurado, may nakalimot ng pormula (isa ako dun), may nakalimot ng sagot. hay. Maraming nangyari. TAE!!!
Ngunit ang kakaiba sa lahat ay ito:
"TWO-DOWN-FOUR-TO-GO."
Kasiyahan nawa kami ng Maykapal.
No comments:
Post a Comment