Thursday, January 10, 2008

The Legoman

Dito nagsimula ang lahat:

-----------------------------------

Date: Friday, 30 March, 2007 7:31 PM
Subject: bobong writer
Message: hi.
kagroup mo po ako sa bobongpinoy.yahoogroups.com
paadd naman po.
Blog writer din po ako.
food_trip2000@yahoo.com
Salamat po. ^^


-----------------------------------


Isang araw may nakilala akong KABOBO.
Biyernes yaon. Ika-30 ng Marso, taong kasalukyan.
Habang ako'y nagtitingin sa Internet, sa akawnt ko sa Friendster,
sa pag bukas ng link ng mga Mensahe may nakita akong isang mensahe mula sa isang LEGOMAN.
At yaong mensahe nga ay makikita nyo sa itaas.

Isang blog writer ang nag-iwan ng mensahe. Isang KABOBO, alagad ni BO.
Taga-sunod ni BO. (FYI: sa hindi sya kilala - BO - Bob Ong).
Nakakatuwa, dahil may nakapansin sa akin na isang KABOBO.
Isang nakakatuwang blog rayter ang nakilala ko.
Sa kalikutan ng aking isip, ako ata ang nagdagdag sa kanya sa listahan ko nga mga kaibigan.

LEGOMAN, iyan ang pen neym nya. Hindi ko alam kung bakit, ako'y nahiwagaan.
Naghalo-halo ang mga haka haka sa utak ko.
Tao ba ito?
Bakit LEGOMAN?
Lego ba sya?
Nagsasalita ba sya?
Trip ba nya ang Lego?
In lab ba sya sa Lego?
Tae, bakit LEGOMAN? *nagtataka*
Akin syang tinanong kung bakit ganoon ang pen neym nya at nalaman ko naman ang sagot sa isang blog entri nya.
(Kung nais mong malaman PINDUTIN MO ITO.)

Hindi ko alam kung saan nya hinuha ang lahat, kung bakit siya naging interesante sa mga gawa ko. Sabi nya noon, nagkakilala kami dahil sa artikulong aking naisulat na kanya namang nabasa.*nahiwagaan ata sya* *tawa*
Pero natutuwa akong may nakaka-apresieyt ng gawa ko kahit papaano.
Lalo na't isa siyang KABOBO.
Saludo kaso ako sa mga KABOBO, ewan ko ba kung bakit.

Sinasabi na rin nating KABOBO, ayun, nung mga panahon kasing nag-iwan sya ng mensahe,
ang buong alagad ng BP o Bobong Pinoy ay nag-aabang na sa ika-anim na aklat ni MASTER, angMACARTHUR. Eksayted kaming pareho noon na makakuha ng kahit isang aklat na yaon ni BO.May balita pa nga noon syang nabanggit sa akin bandang Hunyo o Hulyo pa lalabas ang naturang aklat.
Hindi na kami makapaghintay. *weyting*

Magaganda ang mga artikulo ng naturang nilalang, biruin mo ba naman na bigyang buhay nya ang mga walang
kamalay-malay ng hayop tulad ng PUSA at insektong tulad ng LANGAW (PINDUTIN para sa artikulong PUSA AT LANGAW).
Nang akin itong nabasa napa-waw ako. Ang galing sabi ko sa isip ko at sabi rin nito sa akin. Kahanga-hanga.
Nakakabilib, ang mga walang muwang na nilalang ay nabigyang buhay at pansin.
Nakakatuwang basahin ang kanyang mga akda, lalo na't may siris pa siya.
Ang Dissecting Mad Man's Thought (tama ba?!), mayroon itong labingsiyam na parte kung hindi ako nagkakamali.
(Kung nais ninyong basahin ang mga arikulo nya, inyong PINDUTIN AKO).

Matagal ring nawala sa sirkulasyon ng buhay ko ang naturang LEGO, matagal ko rin itong hindi nakausap man lang ang idolo,
bisi, dahil graduweyting na siya. *Dalangin ko ang pag-gradweyt mo.* Pero isang araw nang ako'y muling nag-braws sa Internet, sa Multiply, ayun, may nakita ako. Si LEGOMAN!!! (oo, may akawnt din sya sa Multiply, kahit sa Friendster ko sya nakilala). Nakita kong nagpos sya ng isang artikulo, bagong siris nya matapos ang DMMT, ang UNTITLED. Ika-apat na parte na ang kanyainilimbag noong araw na yaon (para sa artikulong UNTITLED (Part 4) <- PINDUTIN). Nagkumento akong siya ay nagbalik, sya namang mensahe nya na nag-tsat daw kami, kanya muling binigay and kanyang ID. At bilang isang fan ni idolo, sa saya ko, idinagdag ko siya sa listahan ng aking mga kaibigan (kung nais mabasa, PINDUTIN AKO). At nagka-ututang dila nga kami ng Idolo ko.

Matapos ang yaring pag-u-ututang dila sa tsat, sa selpon naman nangyari ang yaong ututan. Teks at tawag. Oo, sa kanya ako nagkaroon ng SunCell na network. Wirdo, pero totoo. *hahaha* Aakalain mo bang makakausap ko ang Idol ko mula pasado ala una ng hanggang mag-a-alas tres ng dalawang sunod na madaling araw. Puro ideyang kung anu-ano lang ang bumubulalas sa aming mga labi, kahit ano lang. Madali kong nakasundo sa simula pa lang ang naturang KABOBO, dahil na rin siguro sa parehong kami alagad ni BO, o dili kaya;y pareho kaming nagsusulat ng kung anu-ano, o ang higit sa lahat, dahil PAREHO kaming HINDI TRIP ang PULITIKA. Ang pambabatikos at kung anu-ano pa.

Nakakatuwa ang naturang KABOBO, masisiyahan ka kung makakausap mo rin sya. A basta, magaling siya para sa akin. Sa pagbabasa ko nga ng kanyang mga akda para akong (PARA AKOng AKO AKO AKO) nakabasa ng isang maliit na BOBONG. Sabi nya noon na isa raw itong pagmamalabis, ngunit kanya kanya tayo ng opinyon sa lahat ng bagay. Para sa akin, isang maliit na BO nga siya. Super nakakatuwa itong KABOBO/IDOLO/KATOTO ko. Wala akong masasabi sa kanyang mga akda, malulupit ang bawat salita na kanyang binibitiwan. Nakakamangha lamang na may isang KABOBOng nakapansin sa akin bilang isang KABOBOng nagsusulat ng kung anu-ano.


Salamat KABOBO LEGOMAN!!!

Kulang pa yan, nakalimutan ko yung iba na naisulat ko kanina, dahil hindi nasave yung una.
Aalalahanin ko lahat sa susunod.
:D

*Ooppss. Pasensya na sa pamagat LEGOMAN. Wala lang.*

Salamat sa pagbabasa ng artikulo ko ukol sa aking IDOLO.

No comments: