Thursday, January 10, 2008

Hapi Bertdey Reyunyon

December 24, 2007
Call time
: 1600 hours.

After three short years, we gathered again.
Hindi nga lang dumating lahat ng tropa ko.
Kulang ang JONA at F10.
Anyway, ok lang yun.
Dumating naman yung mga hinihintay ko.
Ahaha.
Unahin natin yung unang dumating.
Eherm.
Si MARILYN ang una, sakay ng motor na dina-drive ng kapatid nyang si MARCIAL.
Sunod si CRISCHING, ang organizer ko. Wahaha. Tropa ko 'to, siya inutusan kong magtext sa tropa namin para sa bertdey/reyunyon namin.
Kasama ni Ching si KENNETH, ang ex brother-in-law ko. Ahaha. Kala nya ban pa siya, pero hindi naman na.
Ayun, tapos, dumating na si PRIMADONNNA, si JOVELYN. Nang dahil sa kanya, lumaki ang party ko. Ahaha. Tenk yu. Tinext ko ito, ab, naliligo pa lang. Bwisit. Pati sina Ching.
Anyway, back to business.
So ayan, apat na sila. Tama naman na dumating sina REYNALDO, HECTOR at CARLOS. Ang Accountant ng tropa, Computer Engineer ng klas namin at Electrical Engineer. Ahehe.
May dala si Jhe para sa akin. Si Jhe at Reynaldo at IISA.
Ayan, good. Dami na kami.
After nun, kumain na sila, kasi pag hindi sila kumain, yari sila sa nanay ko, ang aga aga kasi ng usapan late na nagsidating.
Well.
Habang sila ay kumakain, siya namang dating nila MARLON at JERVIE. Syempre, kumain sila. Tapos, dumating sina, ooppsss...
MARJUN at LAILANIE. Isyu ito. Ahaha. Nakasabay ni Jun si Lanie, pano si Ching iniwan, nga pala, pinsan ni Lanie si Ching.
Na-miss ko si Jun, lalo na sya yung takbuhan ko dati nung hayskul. Ibang klaseng tao ito si Jun, maaasahan. Mabait to. Kahit magkaiba relihiyon namin. Ahaha. Natatandaan ko dati, sinabihan ko sya, nung hindi ko pa alam na INC pala siya, sabi ko, "Happy Anniversary INC. Mabuhay ang mga Katoliko". Ahaha. Pero ala lang sa kanya yun, second year kami nun.
Well, ayun, kain. Kain. Kain.
Tinext ko si ELEN, kaklase ko ng elementary. Malapit lang naman siya sa amin, so sabi ko, "Elen, baba ka dito sa amin. Kumain ka." Since malapit sya, sabi nya, "Sige, maya maya onti." Kadarating lang pala nya. Nung mga oras na yon, katext pala ni Elen si ENANG. Kinukulit ni Elen si Ena na pumunta na. Pero hindi ako matiis ng Ate ko, ayun, dumating.
Well.
*Iba na ang bunso ng batch. Wahaha. Ang kapal ko naman.*
Tapos, dumating si CORP, si JAYSON, Corp Commander namin nung HS CAT. Ahaha. Namiss ko ang kupal na ito. Nasa Pasay lang ito, ni hindi man lang ako puntahan. Bwisit.
Tas dumating si DARWIN, our very own JUNIE LEE. Clown ng tropa.
Natutuwa akong dumating sila.
Si CORP, hindi ko expect na pupunta, pati si DARWIN. Si CORP kasi, hindi ko alam kung sino ang may contact. Si DARWIN naman, hindi ko nasabihan nung nakita ko, pero, pinuntahan siya ni JUN.

Masaya ang gabing yaon, kahit kulang kami.
Alak pa.
Ahaha.
Hindi kasi alam na uminom kami, ahaha, dumating na lang sila mama, umiinom na, Loko pa yung kuya ko (pinsan), ako pa sinisi. Wahaha.
Anyway, I had fun, kahit masakit yung nangyari kinabukasan, December 25, 2007.

Well, that's the story of my second bertdey.
;)

No comments: