*Nakuha ko ang ideya na ito sa BOBONG PINOY GROUPS sa Friendster.*
Salamat kay GOD, dahil ipinagkaloob nyang mabuhay ako at masilayan ang kagandahan ng buhay at makakilala ng mga tao na dumaan sa buhay ko at makabasa ng akda ni G. Ong.
Salamat sa MAGULANG ko, kundi dahil sa kanila, wala akong LIBRO ni G. Ong.
Salamat sa mga KAMAG-ANAK ko, sa walang sawang pagsuporta sa akin sa paraang kanilang nais. (Lola/Lolo, Tita/Tito, Mga Pinsan/Mga Pamangkin).
Salamat sa mga NAGING/MAGIGING/MGA KAIBIGAN ko, mula NURSERY, KINDER, ELEMENTARY, HIGHSCHOOL at COLLEGE, ako'y napasaya ninyong lahat, hindi ko na kayo iisa-isahin.
Salamat sa mga taong dumaan sa buhay ko simula ng ako'y tumuntong ng KOLEHIYO:
Si Taft, na nagbigay kulay noong unang buwan ng unang baitang ko sa kolehiyo, ikalawang termino ata 'yon.
Si Morayta, sa mga kakulitan nya, at ako'y mahulog din sa kanya, hahaha, sa pagbibigay kulay sa ikatlong termino ng unang baitang hanggang unang termino ng ikalawang baitang.
Si Sta. Mesa, salamat, bumalik yung aklat ko sa aking panaginip. Hahaha. Salamat, dahil nabuhayan ako nang matapos ang ikalawang termino ng ikalawang baitang ko, at sa mga pagkakapareho natin sa ibang bagay. Hahaha.
Si Mendiola, hahaha, sa pagbibigay kulay sa buhay ko noong mga panahong kailangan ko ng taong dadamay sa akin.
Si Chorva, hahaha, Oo, naging tayo, hindi nga lang pormal. Hahaha, pero minahal kita, nobyo na nga raw kita sabi ng tiyahin ko. Wag mo na alamin kung paano. Minahal kita, walang tanong dun, umiyak ako, dahil totoo, ang kaso, naiwan ako sa ere. Salamat dahil, pinasaya mo ako kahit sa sandaling panahon.
Si Piyesa, ayan ang tinitingala kong taong dumating sa buhay ko, dahil isa siyang, piyesa. :d Masaya akong nakilala kita at nagpapasalamat akong dumating ka sa buhay ko kahit sa maiksing panahon pa rin katulad ni Chorva, haha, dahil ikaw ang nagturo sa akin upang imulat ang aking mata sa katotohanan na, ganito talaga ako pag dating sa pag-ibig. Makulay. Sa mga gabing este madaling araw na kita'y kaututang dila na pabulong, minsa'y hindi, masaya ako run, dahil nararamdaman kong may nagbibigay pansin sa isang piraso ng papel na katulad ko. *drama* Salamat. Salamat.
SALAMAT SA INYONG LAHAT, itatago ko sa BAUL ko ang lahat ng karanasang inyong naibahagi sa akin. :d
MABUHAY KAYO!!!
MARAMING SALAMAT TALAGA.
Inuulit ko, kay LORD, PAMILYA KO, MGA KAIBIGAN, at sa KANILANG ANIM.
;)
Thursday, January 10, 2008
Thank you sa inyo
Labels
blog,
inengbuang,
life,
puso
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment