Thursday, January 10, 2008

Nahulog sa maling BANGIN

Posted last August 8, 2007.


Bakit nga ba ganoon?

Ilang beses na akong nagkakaganito:

  • Una, kay Taft
  • Pangalawa, kay Morayta
  • Pangatlo, kay Sta. Mesa
  • Ngayon, kay Mendiola

Bakit kailangan kong masaktan?

Pero ito na ba talaga ang gusto ko?

Hindi ko alam.

Ikukwento ko na lang.

  • Si Taft, nakilala ko siya pers yir college ako. Sa chat room lang, at hayun, text text, tawag tawag kahit may work siya. Nahulog ako, pati siya sa pareho naming bitag. Mga ilang buwan din yon, mga more or less 6 months. Muntik na syang maging akin kung natuloy lang ang sandamakmak naming balak magkita. Ayun, pasok ng 2005, nalaman ko may nakaangkin na sa kanya. Si Access, nursing student. Pero anyway, masaya na ako na ganon kasi naging masaya naman siya.

  • Next stop, si Morayta, 'wag kang magiging mabait sa akin na to the point na mahuhulog ako sa bangin na nagawa mo nang hindi mo sinasadya. Naging mabait sya sa akin, pero nung sinabi ko na sa kanya ayun nawala si mokong, hindi na ganon yung wentuhan namin. Pero kasi may gf sya nun. Ayun, wala pa rin nagbago.

  • Ang susunod, si Sta. Mesa, ang dakilang National ang saksi sa lahat nang pangyayari. Nakilala ko din ito as usual sa chat room, yung mga oras na depressed ako after finals. Ayun, eh di nauwi na naman sa text text at tawag tawag. Ayun hanggang sa nagkita kami, at nanghiram siya ng mga libro ko. Well, sa mga panahong ito, hindi ko alam kung nasaan ng lupalop ng mundong ibabaw, ang huling balita ko sa kanya eh, mukhang may ibang chorva na siya.

  • At ngayon si Mendiola. Ito namang isang ito kakakilala ko palang, ngunit pakiramdam ko matagal ko na siyang kakilala, hindi ko maisplika kung bakit. Unti unti na ata akong nahuhulog sa taong ito, ngunit may nais syang iba. Ang gara no? Ewan, pakiramdam ko oo. Hay.

Nakakatuwa hindi ba?

Magulo ang makulay na buhay pag-ibig ko.

Sabi nga ng isang katoto, bakit daw gusto ko ng ganoon?

Ang sagot ko, hindi ko din alam.

Hay.

No comments: