Thursday, January 10, 2008

Princess Hours?!?!

Pamilyar ka sa mga pangalan sa title nito, tama ba?

OO, Alam ko iniisip mo, Princess Hours (may tama ka!!!).

Ang sarap mangarap na minsan may isang taong darating sa buhay mo, yung magpapahalaga sa'yo, yung ayaw kang masasaktan, yung mamahalin ka, yung aalagaan ka, yung tipong safe ka pag nandyan siya, yung mahihingahan mo ng sama ng loob, yung tatanggapin ka kung ano ka, yung magtatanggol sa'yo sa anumang pagkakataon (syempre pag nasa tama ka), yung taong maiintindihan ka (syempre yung maiintindihan mo din), yng taongmakakasama mo sa buhay mo.

Bukod sa mga magulang mo, syempre gusto mo yung qualities na ganyan yung makikilala mo balang araw.

Siguro nanonood ka din ng Princess Hours. Maganda ang kuwento, hindi ba?

Ni minsan ba (kung babae ka) pingangrap mong maging kwento o fairy tale ang buhay mo? YUng tipong darating na si Prince Charming, ilalaglag mo yung mahaba mong buhok sa bintana, hahalikan ka upang magising ka sa sumpa, yung makakakilala ka ng halimaw na prinsipe na iibigin mo, yung maiiwan mo yung isang glass shoe mo tapos hahanapin ka nung prinsipe, di ba ang saya? Flattering sa part natin yon.

Pero sa pagkakataong ito, may ganoon pa kayang mga Prinsipe ng atikng Panaginip?

Sa mga may kasintahan "OO" sa wala, "MANGARAP na lang TAYO na isang araw may mga tulad nila na susundo o makakabangga natin sa daan."

May mga nakilala akong mga tao na hindi sinasadyang magiging buhangin, bulong at hangin sa aking buhay.

Ang hangin ay dumaan isang taon mahigit na ang nakalilipas nang maramdaman kong may dumamping hangin sa aking katawan, nahulog ako sa patibong ng hangin na ito at hindi ko namamalayan na ako pala'y nalaglag na sa man-hole, dahil ako'y tinulak ng hagin pababa.

Tumayo ako. Sige, kung ayaw mo akong maki-angkas kung saan ka patutungo, ayos lang, ngunit sana ginandahan mo ang pag tulak, yung tipong mga dalawang talampakan mula sa ground, eh hindi 50K above the ground ang pinaghulugan ko.

Ayan may bulong.

Narinig ko ang bulong isang taon na ang nakalipas, eksaktong isang taon ngayong taon.

Masarap sa pandinig ang bulong na ito. Parang mga awiting nagpupumilit sumiksik sa aking tainga ko na halo-halo na ang tugtog at genre nila. Makulit, malikot, maharot ang mga nota ng buong na ito. Ang boses mula sa bulong ay malamig, tipong hindi ka aantukin pag ito'y narinig mo. Kung nahahawakan lamang ang bulong, marahil nayakap ko na ito ng sobrang higpit. Ngunit ang bulong kahit na na-stock sa aking tainga ay unti-unting nawala. Marahil napagtanto ng aking eardrum na ayos nang pakawalang ang mga nota at mamuhay nga tahimik.

Lagapak. Pangalawa na.

Tayo ulit ako.

Umaasang hindi na muling lalagapak pa.

Buhangin, dala ng hangin at bulong.

Hindi inaasasang may darating na buhangin sa buong pagkatao ko. Naging maganda ang role ng buhangin na ito. Minulat ako sa katotohanang may pag-asa, syempre masakit kaya ang mapuwing lalo na kung sobrang dami (yung tipong nasubsob ka sa buhanginan). Minulat ako sa katotohanang may buhay pa sa likod ng mga pangarap na sa tingin ko ay hindi na maaring mabuksan pa.

Ngunit naririto na naman, ang buhangin ay naglaho, nahugasan ng tubig, tubig na mula sa kanal ng mapait ng kinabukasan (tama ba? o mas ok pag kahapon?). Naglaho ang mga pangarap na unti-unting nabubuo.

Hay, Troy, kelan kaba darating? Kahit si Gian kung hindi ka pwede.

Janelle, pwede ba silang mahiram?

MASAKIT!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

ARAY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

No comments: